A/N: Hi! Naisingit ko lang ang pagsusulat ngayon kahit madami pakong gagawin. Hehe~ 😂 Syempre love ko kayo eh❣️
************************************
Part 4: PagbabalikBlain's POV
Nagmamadali akong pumasok ngayon dahil late na ko nagising. Mabuti nalang ay ginising ako ni mommy. Dahil hindi ako nagising sa alarm clock ko. Tsk!
Uminom lang ako ng konting kape at kumuha ng tinapay. Pagkatapos ay umalis na ko kaagad.
Yare! Late na ko sa first subj namin!
Pagkadating ko sa school, ipinakita ko na kaagad sa guard yung I.D ko pagkatapos ay nginitian naman ako nito pagkatapos ay pinapasok na.
Agad agad akong tumakbo para makapunta na kaagad ako sa room namin.
Nang nasa tapat nako ng pinto, nakita ako ng teacher namin pagkatapos ay lumapit saakin.
"Why are you late miss---cervantes?" Tanong ng teacher namin.
"Sorry ma'am, di ako nagising sa alarm clock ko eh." Sabi ko sabay kamot ng ulo. Tiningnan ako neto mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tumango tango ito.
"Mukha nga. Mukha ngang madaling madali ka sa pagmamadali mo nakalimutan mong magkaiba ang kulay ng medyas mo." Sabi nito. Kaya naman napatingin ako sa medyas ko. Shems! Oo nga! Wtf. Nakakahiya. Papasok ako sa room ng magkaiba ang kulay ng medyas ko!
Napakamot nalang ako ng ulo pagkatapos ay tumawa ng peke sa harap nya.
"Ok tatanggapin ko ang excuse mo. Pero first and last warning na yan miss cervantes." Sabi nya sakin kaya naman napatango ako. Pero bago yun, tinanggal ko nalang yung parehas na medyas ko. Mas ok ng walang medyas kesa magmukha akong tanga na magkaiba ang kulay ng medyas ko.
"Okay ma'am." Sabi ko lang sa teacher namin pagkatapos ay pumasok na ng classroom.
Nakita kong nakatingin sakin lahat ng mga kaklase ko. Whuuutt? Parang nakapatay ako ng tao dahil sa sama ng titig nila ah? Anmeron? Late lang naman akong pumasok?
Nung nasa upuan na 'ko. Binati ko si Julianne.
"Hi julianne!" Sabi ko sakaniya.
"Oh? Mukhang goodmood ka ngayon ah? Anong nakain mo?" Tanong nito sakin.
"Tinapay lang." Sabi ko sakanya."Hmm. Hindi kana ba kinakabahan dahil sa nangyari kahapon?" Tanong nya sakin.
Bakit? Anong ba-----
WTF! OO NGA PALA! Y-YARI AKO KAY BLAKEEEE!!!
Bat ba nakalimutan ko kaagad?! Tsk!
Dahan dahan akong lumingon sa likod namin. Nakita kong wala yung grupo nila Blake, kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Hays. Mabuti nalang.
"Sa tingin ko nagiisip na si Blake ngayon kung anong ipaparusa sayo. Kaya mabuti pang magtago ka sakanya!" Sabi ni Julianne sakin kaya naman napatango ako. Oo tama! Dapat magtago nalang ako, p-pero paano ako makakapagtago? Eh iisa lang naman kami ng section? Hays.
"Papaano ako magtatago? Eh iisa lang naman kami ng section?" Tanong ko kay Julianne.
"Uhmm. H-hindi ko alam, i-ikaw na bahala magisip. Support nalang kita." Sabi sakin ni Julianne sabay tapik sa likod ko.
Habang naglelecture yung teacher namin. Biglang nag vibrate yung phone ko. Kaya naman pasimple kong tiningnan kung sino yung nagtext.
"Blain?" -unknown number
"Sino ka?"-ako
"It's me paulo."-unknown number
"Pano mo nalaman number ko?"-ako
"Binigay ng kapatid mo."-unknown number
"Dont text me! May klase ako."-ako
"Okay. Maybe later? May good news ako sayo."-unknown number

YOU ARE READING
MY FAKE BOYFRIEND
FanfictionSi Blain, ang babaeng gusto lamang na matapos na ang pagpapanggap nilang dalawa ni Blake, ang leader ng Quenx5. Pero bakit nagbago bigla ang ihip ng hangin? Nang mainlove ang isa sakanila.