Part 5: Deal
Blain's POV
Hanggang ngayon ay iniisip ko padin kung sino yung babaeng kausap ni Blake. Sino nga ba siya? Aish! Ano bang pakeelam sakanya, blain? Nakalimutan mo naba kaagad yung ginawa sayo nung lalaking yon?
Pasabi sabi pa sya na ANTAYIN KO YUNG PARUSA KO!!!! Aish!!!!!
"Blain? Nakikinig ka ba sakin?" Natauhan ako nung nagsalita ulit si Julianne.
"A-ah a-ano nga ba ulit yung sinasabi mo? Hehe." Sabi ko sakanya sabay napakamot ng ulo.
"Sabi ko sa tingin mo sino yung kausap ni Blake na babae?"
"A-aba ewan ko! Wala naman akong pakialam sa lalaking yon eh." Sabi ko.
"Hmm. Pero tingin ko, seryoso si blake sakanya."
"Ah-eh ano bang pakialam natin kung seryoso sakanya si Blake?"
"Oh, gg kana! Easy lang bessy! Bat highblood ka? Ahahaha."
"A-ah ano, wala toh. Wag mo nalang akong intindihin. Hehe." Sabi ko. Tsk tsk! Bat nga ba highblood ako ngayon? H-hindi kaya nagseselos ako sakaniya ni Blake? Wahhh!!! Ano ba yang pinagiisip mo Blain?! Bat ka naman magseselos dun? Oo, may gsto ka sakanya pero nawala na yun diba! Dahil sa ugali nyang napakagaspang!
Nung uwian na ay nagpaalam ka agad si Julianne sakin, may pupuntahan padaw kasi siya.
Kaya ako nalang uuwi magisa.
Ano ba yan! Natatakot ako maglakad huhu. Ang dilim na! Wala akong masakyan :(( Kanina pa ko nagiintay dito eh. Tsk!
"Oh? Bat nandito ka pa babe?" Napatingin ako sa likod nung may nagsalita. Aish! Bat minamalas ka nga naman oh! Bat ba nandito nanaman tong bwisit na Paulo na to?!
"Wala kang pake. Saka wag mo nga akong tinatawag tawag na babe diyan!" Sabi ko sakanya saka inirapan. Kainis naman!
"Ang sungit naman ng babe ko! Wag ka naman masungit babe." Sabi nya saka ako inakbayan. Yak! Buset naman tooooo!!!!
"Ano ba paulo?! Wag mo nga akong akbayan!!!" Sabi ko sakanya dahil nagiinit na talaga yung dugo ko sakanya!
"Masama bang akbayan ko ang girlfriend ko?" Tanong nya sakin.
"Anong girlfriend ba pinagsasabi mo? Wala na tayo! Mag moveon kana!" Sabi ko sakanya saka sya tinulak. Napaupo naman sya sa sahig. At mukang galit na sya.
"Bat mo ba ako tinataboy ha?! Mahal na mahal pa din kita at alam kong mahal na mahal mo padin ako!" Sabi nito sakin saka biglang ako kinorner sa pader. The fck! Anong gagawin nito mokong na to?! Manyak! Manyak!
Maya maya pa ay...unti unti nya na nilalapit ang labi nya sa labi ko! Sht!
"Parang-awa mo na Paulo! Wag mong gawin sakin to!" Sabi ko habang humahagulgol na sa pagiyak.
"Bitiwan mo sya." Nagulat si paulo nung may biglang nagsalita sa likod nya.
"S-sino ka?" Kinakabahang tanong ni Paulo.
"Sabi ng bitiwan mo sya!" Sabay sapak sa muka ni Paulo. Hindi ko masyadong maaninag yung muka nya dahil sa madilim na din sa lugar nato.
Unti unti itong lumapit sakin.
At hindi ko akalain kung sino ang nasa harap ko ngayon.
S-si Blake.
Anong ginagawa nya dito? Bat nya ko niligtas?
"Sumama ka sakin." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko...
San ba ko dadalin neto?
Nakita kong huminto kami dito sa tapat ng kotse nya.
YOU ARE READING
MY FAKE BOYFRIEND
FanfictionSi Blain, ang babaeng gusto lamang na matapos na ang pagpapanggap nilang dalawa ni Blake, ang leader ng Quenx5. Pero bakit nagbago bigla ang ihip ng hangin? Nang mainlove ang isa sakanila.