Part 3: PARUSA.
BLAIN'S POV
Nandito parin kami ngayon sa Clinic.
"Ok na ko blain, Tara na bumalik na tayo sa classroom natin baka hinahanap na tayo ng teacher natin don." Sabi sakin ni Julianne kaya naman napatingin ako sakanya.
"Sure ka?" Tanong ko sakanya, agad naman itong tumango sakin.
Sinabi ko na sa nurse dito sa clinic na ok na si Julianne. Pumayag naman syang bumalik na kami sa classroom.
Habang papunta kami sa room namin, inaalalayan kong maglakad si Julianne, kasi paika-ika parin yung lakad nya.
Nang nasa tapat na kami ng classroom, napansin kong napakagulo ng mga kaklase namin sa loob.
Ahh, kaya pala. Wala kasi kaming teacher ngayon. Inakay ko na ulit si Julianne papasok ng classroom namin.
Doon kami dumaan sa likod pero nakaharang pala dun sila Blake. Kaya naman napaatras ako bago pa kami nila mapansin. Naguusap usap kasi sila ngayon at wala kasing pake sa iba naming kaklase na napakaiingay. Focus lang sila sa pinaguusapan nila. Dun na kami dumaan sa harapang pintuan ng room. Kaya naman naagaw namin ang atensyon ng mga kaklase namin.
"Anong nangyari?" Biglang tanong nung isa naming kaklaseng babae. Halatang nagaalala siya.
"A-ah w-wala. Nadapa l-lang ako." Sabi naman ni Julianne. Kaya naman napatango nalang yung babae at tinulungan akong alalayan si Julianne papunta sa upuan namin.
Hindi kami napansin nila Blake kasi focus na focus talaga sila sa pinaguusapan nila. Waw ah, pwedeng pa chismis? Charot.
Bigla naging maingay nanaman sa room namin.
Maya maya pa ay....
May isa kaming kaklaseng babae ang lumapit kala Blake, halatang namumula ito at kinakabahan. May dala syang box.
"B-blake...." Tawag nya.
Hindi tumingin si Blake sakanya.
"Blake? A-ah a-no para s-sayo. S-sana t-tanggapin m-mona." Sabi nung babae naming kaklase. Lahat naman ngayon ay nasakanya yung atensyon.
Biglang napatingin sakanya ang grupo nila Blake.
Kaya naman nagbubulungan na yung mga iba kong kaklase dito.
'Ang lakas lumapit kay Blake ah'
'Kapal ng muka lumapit kala baby loves ko!'
'Buti kung pansinin sya ni Blake'
Yan yung mga narinig ko sa mga classmates ko. Omgggg, grabeyyy naman zila.
Kinuha ni blake yung box na yun. Kaya naman nagulat ang mga kaklase ko.
Pagkatapos nya itong kunin, agad nya itong binato sa muka nung babae.
SHIT! BAT NYA GINAWA YUN?
Nabigla naman yung mga kaklase kong halos lahat sila gulat na gulat.

YOU ARE READING
MY FAKE BOYFRIEND
FanfictionSi Blain, ang babaeng gusto lamang na matapos na ang pagpapanggap nilang dalawa ni Blake, ang leader ng Quenx5. Pero bakit nagbago bigla ang ihip ng hangin? Nang mainlove ang isa sakanila.