Part 12

7 0 0
                                        

Part 12: We're friends

[A/N: Hi guys! Tagal kong nawala pero ngayon i'm back. Sembreak na namin kaya kahit papaano makakapagupdate ako.]

Adel's POV

Nagpaalam na sakin si mam blain na aalis na siya. Kaya naman tinanguan ko siya.

Ayaw gumalaw ng paa ko papalapit kay Zeik, hanubayan.

Hanggang ngayon nakatingin lang siya sakin na para bang kinikilatis akong mabuti.

Pagkatapos ng ilang minuto nakatitig siya sakin, mukhang natauhan na siya kaya naman napangiti siya sakin at kumaway din.

Sinenyasan niya kong lumapit sakanya kaya agad naman akong napalapit sakaniya.

"A-ang ganda mo." Sabi niya sakin habang nakangiti.

"A-ah... S-salamat po." Sabi ko. Hindi ko mapigilan mapangiti. Ang gwapo niya.

"So san mo gustong kumain?" Tanong nito sakin.

"Ah.. Okay napo ako kahit sa kwek kwekan nalang po tayo kumain."

Napakunot naman ang noo niya.

"Ano yung kwek kwekan?" Sabi niya.

"Yung kulay orange po na egg. Dito sa may tabi tabi makakabili tayo nun." Sabi ko saka tinuro yung mga nagtitinda sa gilid ng kalsada.

"Uhmmm.. Adel sure ka ba dyan? Kasi tingnan mo ang dumi ng place nila. Sure kabang malinis ang mga yan?" Sabi nya sabay nakatingin sa mga nagtitinda sa gilid ng kalsada. "Saka sayang yung outfit mo, kung dyan lang tayo kakain. Eto na yung mall oh, dito nalang tayo kumain ako na bahala magbayad." Sabi niya sakin.

"Alam mo po, hindi mo makikita ang ganda ng mundo kung hindi nyo matitikman sa tanang buhay nyo etong mga ganitong pagkain. Kaya sige na po." Sabi ko naman.

"Uhmmm. Osige nanga, basta pagkatapos punta padin tayo dito sa mall ah." Sabi nya.

"Osige po." Nakangiti kong sabi.

Agad agad kong syang hinaltak papunta sa nagtitinda ng kwek kwek.

"Lo, sampu nga pong kwek kwek." Sabi ko.

"Dito kakain hija?"

"Opo."

"Sige sandali lang, initin ko lang pala sainyo etong mga kwek kwek." Sabi ni lolo.

Si Zeik naman nakatingin lang sa mga kwek kwek. Hahaha. Pagkatapos iluto eh, pinatikim kona kay zeik yung kwek kwek. Sabi ko sawsaw nya muna sa suka.

"Sige na po, tikman nyo na masarap yan." Sabi ko sakanya.

Dahan dahan naman nyang kinain yung kwek kwek. Pagkatapos ay.....

Napangiti sya.

"Ang SARAP!" Napatingin sakanya yung ibang tao dahil sa ang lakas ng boses nya kaya naman napatakip sya sa bibig nya.

Napangiti naman ako.

"Oh diba? Sabi ko sayo eh masarap yan eh." Sabi ko sakanya. Tumango tango naman sya pagkatapos ay inumpisahan nang ubusin yung mga kwek kwek.

"Adel, kuha kapa ng kwek kwek para sayo feeling ko mauubos koto eh. Ako nalang magbabayad hehehe." Sabi nya habang kumakain ng kwek kwek.

"Nako ako na ang manglilibre dito hahahaha. Kuya lima panga pong kwek kwek." Sabi ko kay lolo.

"Mukhang nasarapan yung nobyo mo sa kwek kwek ah." Sabi ni lolo habang bahagyang tumatawa.

"Nako lo, hindi kopo sya nobyo." Sabi ko naman.

MY FAKE BOYFRIENDWhere stories live. Discover now