Part 8: Selos?
Blain's POV
Sino kaya yung inaantay dito ni Blake? Hmmm. Bahala nga siya dyan. Para sakin kaya yun? Eh! Bat kaba umaasa blain? Kung para sayo nga yang bulaklak sana dun sya sa room nyo nagintay, hindi dyan! Masyado kang assuming eh.
Nagtuloy-tuloy nalang ako maglakad hanggang malagpasan ko siya.
Hindi nya ko pinansin.
Titig lang sya sa room na katapat nya.
Hinaltak ko si Julianne, para makapagtago kami sa may gilid.
"Aray blain! Bat ba tayo nagtatago dito?" Tanong nya sakin,
"Shhh. Wag ka maingay. Manood kana lang." Tapos ay tinuro ko si Blake.
"Asus! Kelan kapa naging stalker ni Blake? Ayan ha may something nakong nararamdaman ah."
Inirapan ko nalang siya. Ano bang masama? Titingnan ko lang naman yung kanino nya ibibigay yun eh?
Maya-maya pa ay nagsilabasan na din yung mga studyante sa room nayun.
Nakita ko yung mga studyante na nagtitilian nung makita nila si Blake.
Wow ha? Kilig na kilig?
Hindi niya pinansin yung mga babaeng nagtitilian sakanya at naglakad sya papunta dun....Kay Thea.
Ahhh. So si thea pala ang inaantay nya? Psh. Sino pa nga ba? Eh yan naman yung babaeng pinakamamahal niya.
Nung tingnan ko si Julianne, hindi sya nakatingin kala Blake. Busy lang siya sa pagcecellphone niya.
Mabuti pa umuwi na kami.
Hinaltak ko na ulit si Julianne para makaalis na kami dun.
Ano bang pakielam ko sakanila diba? Mas ok nga yun kung magkakabalikan na ulit sila eh, para malaya na ulit ako at hindi nako guguluhin pa ni Blake.
"Friend, mauna na ko sayo ha! Magtext kasi si ano eh! Haha! Babye na!" Sabi sakin ni Julianne saka tumakbo papalayo.
Huh? Aba aba! May boypren na siguro yon!
Naglakad nalang ako dahil wala akong masakyan.
Bat ba parang ang tamlay tamlay ko ngayon? May sakit ba ko?
Kinapa ko yung leeg ko. Hindi naman ako mainit.
Dahil ba to kay Thea at Blake? Kung bakit ako matamlay?
Tsk! Hinding hindi nuh! Bat naman ako magseselos? Duh.
Naglakad nako ng mabilis para makauwi agad.
"Nandito na po ako mommy." Bati ko kay mommy nung nakauwi nako.
"Oh anak? Magbilis ka. Sa resto tayo kakain ngayon." Sabi sakin ni mommy.
"Ahh, inaantok napo ako eh. Sige po kayo nalang."
"Nako kailangan mong kumain, uuwian kana lang namin ng pagkain. Gigisingin nalang kita pag nandito na kami."
"Sige po."
"Ate may sakit kaba? First time mong hindi sasama samin ha?" Tanong ni Hershey.

YOU ARE READING
MY FAKE BOYFRIEND
FanfictionSi Blain, ang babaeng gusto lamang na matapos na ang pagpapanggap nilang dalawa ni Blake, ang leader ng Quenx5. Pero bakit nagbago bigla ang ihip ng hangin? Nang mainlove ang isa sakanila.