Night 23

450 10 3
                                    

Night 23:

Brianna:

"Mommy! Mommy!" Onemig shouted, "Mommy!"

I rushed back to our room, kukuha lang sana ako ng inumin sa kitchen wala pa ko sa kalahati ng hagdan nagsisigaw na yung anak ko. Ano kayang nangyari dun?!

"Why are you shouting?" I worriedly asked him.

"I don't know what to wear, mom." he answered then he frowned, "I don't want to look ugly tomorrow, mom."

Napa-facepalm nalang ako. Hindi ko alam kung bata pa ba 'tong anak ko o binata na eh, kakaiba mag-isip!

"Wait for daddy Juami, okay? He has your new clothes." sagot ko sakanya, "Don't worry too much about your ootd, baby. You won't look ugly, promise."

"Pinky promise?" I intertwined my pinky finger to his and said, "Pinky promise."

I left him in our room, eto na talaga makakakuha na ako ng inumin sa kitchen. Onemig focused his attention to his iPad, he was playing Zombie Tsunami when I left him.

I dialed Juami's number while getting Orange juice in the fridge, it took him forever before he picked up his phone.

"Hello Juan Miguel! Where are you na?"

"Still at home. Why?"

"Yung anak mo problemado na sa damit niya kaya pwede ba pumunta ka na dito." mabilis na sagot ko, "I have a lot of things to do pa. Hindi ako makaalis ng bahay eh, walang kasama si Onemig dito. Pinauna ko na si Cheche sa hotel para maayos niya na yung gamit ni Onemig dun, sila mommy naman nagpunta ng mall bibili daw ng gift. Si Jed naman ayun nasa bahay daw nila Jeron, didiretso nalang daw siya sa hotel bukas eh."

"Look Brianna, hindi pa ako nakakaligo kaya hindi pa ako makakapunta jan."

"Dito ka na maligo. Come here na!"

He sighed in defeat, "Fine, fine. I'll fix myself lang."

"Bilisan mo ha!" then I ended the call.

After I finished drinking my juice and eating my sandwich, I head back to my room baka kung ano na ang ginagawa ni Onemig dun. Pagpasok ko ng room ko naabutan ko si Onemig na nagkakalkal sa closet. Nagkalat yung mga damit ko sa sahig.

"What are you doing, Onemig?!" inis na inis na tanong ko.

"I'm looking for my blue shirt mommy. The one that daddy gave me."

Sa sobrang bwisit ko dahil nakakalat yung mga damit ko sa sahig napalo ko si Onemig. Galit na galit ako sakanya, ayun ang pinaka ayaw ko sa lahat ang pinakikialaman ang gamit ko.

"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU NOT TO TOUCH MY THINGS?!" galit na tanong ko sakanya habang pinapalo siya, "HINDI KITA TINURUAN NA MAKIALAM NG GAMIT!"

"Sorry mommy." sigaw niya habang pinapalo ko siya.

I was about to hit him again when someone suddenly grabbed my arm.

"ANO BA BRIANNA?! BAKIT MO SINASAKTAN YUNG BATA?!" galit na tanong ni Juami sa'kin, "ANO BANG NANGYAYARI SA'YO?!"

"Daddy!" iyak ng iyak si Onemig sabay takbo sa daddy niya.

"DINIDISIPLINA KO YANG BATANG 'YAN! LUMALAKING PAKIALAMERO!"

Juami carried Onemig then he patted his back, "HINDI GANYAN ANG TAMANG PAG DISIPLINA, HINDI DAPAT SINASAKTAN." sabay labas niya ng kwarto.

"JUAN MIGUEL!!!" sigaw ko.

Nakakabwisit talaga 'tong lalaking 'to! Masyado niyang kinukinsinte yung pagkakamali ng bata eh. Nako, hindi na ko magtataka kung lalaking sutil si Onemig.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon