Night 16

803 13 4
                                    

Night 16:

Solaire:

I was watching TV in the living room when my mom came in along with Onemig. Why is she with him? Ang alam ko si Jed ang kasama niya eh.

"Why are you with Onemig, ma?" nagtatakang tanong ko kay Mommy, "Si Jed ang kasama niyan 'di ba?"

"I saw them at the mall and Jed was in a hurry, may emergency meeting daw yung team eh. Ayun, pinasabay na niya si Onemig sa'kin."

I nodded at her, "Pero bakit parang mugto yung mata nung bata?"

"He was crying earlier, I didn't buy the toy that he wants eh." she explained, "You know this kid, umiiyak pag 'di nakukuha ang gusto niya."

She's right. And dahil yun kay Jed masyado kasing ini-spoiled si Onemig eh.

"Cheche!!!" tawag ko sa yaya ni Onemig, "Pakibihisan naman si Onemig oh. Thank you."

Binuhat naman ni Cheche si Onemig at dinala sa kwarto niya para mapalitan ito ng damit.

"Anak..." seryosong sabi ni Mommy, "Pwede ba tayong mag-usap?"

Mag-usap? Hindi pa ba kami nag-uusap sa lagay na 'to? Magkausap naman kami 'di ba?

"Sure! About what?" interisadong tanong ko.

"It's about Ju---" hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil biglang nag-ring yung phone ko. Sino ba 'to? Wrong timing naman eh!

Kiefer Ravena calling...

Aynako! Si Ravena nanaman pala!

"Hello Kief!" I greeted him, "Napatawag ka?"

"Von and I want to talk to you." he replied, "We're on our way to Ichi. Let's talk about the franchise thing na."

Grabe lang 'tong dalawa na 'to! Hindi man lang inalam kung andun ba ako sa Ichi or wala, basta nalang susugod eh.

"Seriously Kief?! Nasa house kaya ako ngayon. Pero sige, papunta na ako." sagot ko.

"Bilisan mo ha!" sagot niya. Wow ah, ang demanding lang.

"Sige. Bye!" then I ended the call.

"Mom, let's talk nalang pagbalik ko."

"But Brianna..." protesta niya, "This is really important."

"This one is important rin, ma." sagot ko naman, "Magf-franchise kasi si Von and Kiefer."

"But this is about Jua---"

"Ma!" I cut her off, "I really need to go now... Let's talk later, okay?"

--

Habang nagd-drive ako hindi ko mapigilan na mapaisip, tungkol saan kaya ang gusto ni mommy na pag-usapan namin? Istorbo naman kasi si Kiefer eh.

After an hour, nakarating din ako sa resto ko.

"Good afternoon Ma'am Solaire!" bati sa'kin ng mga empleyado ko.

"Good afternoon!" sagot ko naman, "Kim, dumating na ba sila Kiefer?" tanong ko sa manager.

"Wala pa naman dumarating na naghahanap sa'yo, Solaire."

"Ganun ba? I'll be in my office lang, papasukin mo nalang yung dalawa pag dumating sila."

"Okay."

Inayos ko muna ang mga dapat ayusin sa office habang hinihintay ko yung dalawa. Inasikaso ko yung papers ng magf-franchise sa ATC.

Habang nagt-type ako sa computer bigla naman may kumatok. Siguro sila Kiefer na 'to.

"Come in!" I shouted.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon