Chapter 6:
WILLIAM’S POV
Pagkatapos ng lahat ng nangyari. Yung pagkausap k okay Mark at paghila scene ni Mark kay Jhane, ilang araw ko di nakita si Jhane. Pumapasok naman daw sabi ng mga bestfriend nya pero di ko sya Makita eh. Nagaalala ko kung anon a kayang sinabi ni Mark kay Jhane? Baka yun yung dahilan kaya din a nagpakita si Jhane sakin. Di ko kakayanin kung ibebreak ako ni jhane. :”<
*Lunch break*
Pumunta agad ako sa room nina Jhane. Nakita ko si Cheska, yung isa nyang bestfriend. Sinitsitan nya ko kaya pumunta ako agad sakanya. Magbabakasakali kung alam nya kung nasan si Jhane sa mga oras na to.
Nasa tapat kami ng pinto ng room nila…
“William, tatapatin na kita ah?” putek, eto na nga yung sinasabi ko eh. Eto na nga ata yung kinakatakutan ko. Wag please? *cross fingers*
“Cheska, good news naman yan diba?” *pilit na smile* di ko kaya. Sh** di ko talaga kaya.
“William, sasabihin ko na sayo ha? Nag open up si Jhane sakin kanina, hindi ito yung direct or yung mismong sinabi nya pero, all in all eto na din yung meaning.” Habang papalapit na ng papalapit yung sasabihin ni Cheska sakin, di ko na napigilan yung luha ko. Nangingilid na.
“William, I think she will talk to you, and…” di nya maituloy ramdam ko naman na naaawa sya sakin.
“and, ahm. Makikipagbreak na sya sayo. William, initindihin mo nalang si Jhane, baka naman kasi tama sya na kailangan nyo muna ng space.”
“Nasan sya?” yan na lang yung nasabi ko.
“sa loob ng room” Pumunta agad ako sa kanya. Nakita ko sya dun sa pinakadulong upuan. Nakaubob.
“Jhane?” sabi ko sakanya.
“William. Sorry pero, siguro space muna. Sorry.” Tapos yumuko sya.
“Space? Para san? Para makapasok si Mark sa buhay mo? Para mawala na ko? For almost 2 years na tayo, di kita niloko. Nagkulang ba ko ha Jhane? Ginagawa ko naman lahat para saten ah. Space ba dahil wala na kong time sayo dahil sa LINTIK na basketball nay un? Ok fine, I’ll quit. Gusto mo ba ngayon na? Sige hintayin moko.” Di ko na napigilan yung sarili ko. Iyak sya ng iyak. Kahit kelan talaga William. ><
Ngayong oras na to, hindi ko na alam. Gutso kong suntukin yung sarili ko. Gulong gulo na ko. Ni hindi ko naman kasi alam kung bakit sya bigla biglang hihingi ng space. Tumayo sya kaya tumayo din ako. Mag kaharap kami.
“William, wag ka magquit sa basketball. *cry* Sorry kung dahil sakin *cry* nagkakaganyan ka. Sorry kasi…”
Niyakap ko sya. Paano ko banaman makakayang wala tong babaeng to? Mahal na mahal ko sya. Pero …
Kung sa paglayo ko sakanya eh sasaya sya, sige gagawin ko. </3
“Jhane, tama na. tahan na, ito ba talaga yung gusto mo? :”< “Di ko nadin napigilan yung sarili ko. Iyak na kami parehas ng iyak.
Tumango sya. Parang gumuho yung mundo ko sa pagtango nya. <////3
“Sige. Pero kung kailangan mo na ko ulit, anytime. Andito padin ako ha? Mahal na mahal kita Jhane.” Hinawakan ko yung kamay nya, tapos hinalikan. Pagkatapos lumabas na ko ng room nila na naiyak. Grabe, bat ako pumayag?
Pano ba talaga matatawag na nagmamahal ka? Ano bang tama? Mahal mo sya dahil kailangan mo sya o kailangan mo sya kasi mahal mo sya?
Hayys, LOVE IS REALLY COMPICATED~ Keep reading guys :)