Chapter 5: Fighting!
MARK’S POV
Pagkatapos ko lahat sabihin yun sakanya, tingin ko ngayon wala na. Wala na kong bestfriend. Ang tanga tanga ko naman kasi eh. Bakit ko pa ba kasi kailangan aminin eh alam ko namang wala akong magagawa para makuha sya kay William. Bago mangyari yung pag amin ko kay Jhane ng feelings ko, nag usap kami ni William.
*Flashback*
Nakaupo ako sa corridor ng room namin, recess na kasi eh. Hihintayin ko nalang si Jhane dito, may sasabihin ako dun eh. Si Francis to ah? Bat ansama ng tingin nya sakin? Si Francis, tropa ni William yun. Isa din sya sa hinahangaan dito sa school namin, varsity din kasi eh.
“Pare!” Sabi nya sakin. Parang may kailangan sakin yung pagkakasabi nya.
“Oy, pare. Bakit?” Parang iba yung nararamdaman ko.
“Tawag ka nun.” Sabay turo gamit yung labi nya.
“Tawag ka ni William. May importanteng sasabihin lang daw sayo. Sandali lang daw.” Sabi na eh. Eh ano bang dapat kong sabihin sa BOYFRIEND ng babaeng PINAKAMAMAHAL ko?
Naglakad nalang ako papunta dun. Walang bitbit na kahit anong salitang pwede kong sabihin sa mga sasabihin o itatanong sakin ni William.
“Oy Pare!” tinanguan nya ko. Ang hirap pala sa pakiramdam pag kaharap mo yung mahal ng taong mahal mo. :”(
“Oy, ano bang sasabihin mo?” Hinahayaan ko nalang yung bibig ko kung anong isasagot nya kay William.
“Pare, didiretsuhin na kita. Layuan mo na si Jhane. Pwede ka ng bumalik sa room nyo.” Sabay ngiti sakin ng parang ewan, di ko maidescribe. Sinagot ko sya.
“Pare, bestfriend ko…” Di ko pa natatapos yung sasabihin ko nagsalita na sya agad.
“Bestfriend mo nga ba talaga ha?” tumawa sya, yung parang gustong gusto na nya kung suntukin pero pinipigil nya yung sarili nya. Tawa sya ng tawa, pero kita naman sa mga mata nya yung kalungkutan nya. Tumawa din ako ng biglang dumating si Jhane.
“Hi Baby. Hi Marktot!” sinabi nya yun ng sobrang saya nya. Pero parang bigla syang nagtaka kasi parang lumabas yung tunay na itsura namin.
O.o --- ako
:l --- William
Naguguluhan na siguro sya samin ng boyfriend nya.
“Mukang Masaya kayo aa?” sabi nya pa ulit. Ng bigla ko syang hinila.
“ARAY! TEKA. NASASAKTAN AKO. BAKIT BA?! TEKA NGA KASI. SAN MO BA KO DADALHIN? HUY TEKA! ANO BA MARK HA?! DI MO BA KO NARIRINIG?! NASASAKTAN AKO!!!!”
Sorry Jhane, kailangan ko na siguro talagang sabihin sayo lahat. Hindi ko alam kung san kami pupunta sa hila ko sakanya. Nasasaktan ako sa tuwing nahihirapan sya, tumigil na ko sa paghila sakanya. Sa isang garden na tago kami napatigil.
“Oh ano bang ginagawa natin dito?” umiiyak na sya. Napasobra yata yung higpit ng hawak ko sa wrist nya kanina. :”( sorry sorry sorry.
“Sorry Jhane :”(“
Yan lang yung sinabi ko sakanya, di ko na pigilan yung sarili ko kaya niyakap ko sya. Napaiyak narin ako, pero ramdam kong tumahan na sya. Di ko mapigilan yung pag agos ng luha ko. Mahal na mahal ko tong babaeng to e, kaya ko na ata gawin lahat para sakanya. Pero wala talaga kong karapatan sakanya eh. Inalis na nya yung pagkakayakap ko sakanya.
Nakatungo lang ako. Di ko alam kung anong muka yung ihaharap ko sakanya pagkatapos nung paghila ko sakanya.
“Bestfriend ko? Ano bang problema ha? Pwede mo naman ishare sakin eh.” Sabi nya sakin, halatang halata na nag aalala na sya sakin. Pero di ako sumagot pinatabi ko nalang sya sakin sa bench para makaupo kami.
Ang tahimik naming dalawa ng bigla ko nalang nasabing…
“Jhane, I like you. Hindi, mali pala. I love you. I love you so much, I love you so much that I can give you everything even your happiness, your freedom, lahat.”
Tumungo nalang ako ulit.
“Your happiness? Alam ko namang si William yun eh diba? Your freedom? Your freedom para mahalin sya. Pero antanga ko kasi sinasabi ko to sayo eh wala naman akong karapatan sayo. Bestfriend mo nga lang pala ko. Ang hirap magmahal ng bestfriend, Jhane. Kaya sorry talaga kasi minahal pa kita. Kahit alam ko namang wala akong magagawa para mapasakin ka. :”<”
Umiyak na naman ako ng umiyak. Nakakainis na yung luha ko, nahihiya na ko sakanya. Ayaw manlang tumigil sa pagpatak eh. Pero pagkatapos kong sabihin lahat, lahat ng totoo. Wala akong nakuhang sagot sakanya. Ang tanga tanga ko talaga. Alam ko namang wala akong pag asa may pag amin amin pang nalalaman. Oh tapos ngayon magsisisi ka ha Mark? Wala na nasabi mo na. Ano ng gagawin mo ngayon? Hindi ko na alam yung gagawin ko. Di ko na namalayan na tumayo ako at iniwan si Jhane dun sa garden. Natapos yung maghapon at pag uwi ko, dumiretso ko sa kwarto ko.
Sabi nila,
“Ang PAG-IBIG daw parang HOLDAPAN. Nasa sayo ang desisyon kung ipaglalaban mo ng patayan o bibitaw ka nalang dahil takot kang masaktan.”
Sabi ko naman sa sarili ko, ipaglalaban mo parin ba yung isang taong alam mong iba ang pinaglalaban? Pero tanga ka rin ba na hindi magtry para makuha mo yung taong mahal mo? Sa love kasi, ang nakakainis bakit kailangan pang masaktan? Sabi din nila kakambal na daw ng pagmamahal ang masaktan.
Hindi ko na alam. Gulong gulo na ko. Tapos bukas pag pasok ko, alam kong malaking gulo na talaga to, gawa ni William. Bahala na. IPAGLALABAN KO YUNG NARARAMDAMAN KO KAY JHANE. <3
Hi readers :”> gumugulo na yung mga nangyayari. What’s next na kaya? Continue reading. Votes and comments are accepted guys! Comment for dedication.