Chapter 2: It's Complicated
Bago pa man magkaganito yung sitwasyon, magkaibigan kami ni Mark. Boyfriend ko nung mga panahong yun si William. Mark and I we’ve been too close for so many years, yung tipong pag may problema sya lalong lalo na sa babae, ako yung lalapitan nya. Ganun din naman ako sakanya. Pero sa sobrang close namin, marami ng nagaakala na kami kahit hindi naman talaga. Kasi para sa akin, bestfriend sya e. Naalala ko nung may nagkagusto sakanya, si Alice.
*Flashback*
Nag-uusap kami ni Mark sa labas ng classroom namin kasi labasan na.Busy naman si William dahil varsity sya ng basketball sa school kaya nakipagkwentuhan nalang ako kay Mark.
Niyakag nya ko mag ice cream sa labas. So we went out and bought. We’re so happy together. Laughing just like the world is ours. Para nga kaming tanga nun e, kahit sobrang liliit na bagay tatawanan namin. Hindi namin alam nakikita pala kami ni Alice at siguro madami pang iba. Pag uwi namin…
Jhane’s POV
I just arrived. Pero naka-receive agad ako ng text from Mark saying.
“Jhentot!” That’s what he is calling me. Ambaho pakinggan no? Eh yan yung gusto nya e, kaya simula nung tinawag nya kong Jhentot, tinawag ko syang Marktot. Hehehe :D
Akala ko naman kung ano na. I just replied…
“What?!” Alam ko namang sanay nayun sakin na masungit ako. Hahaha!
“Ansungit mo talaga! >_< May sasabihin lang naman ako eh. Anyways, bukas nalang siguro. Kitakits sa school Jhentot na pangit. :P Ingat sila sayo!” Wala na talaga syang ginawa kundi asarin ako. -_- Sanay na din ako sakanya. Kasi alam ko namang maganda ko eh. Bwahahah! Joke. :3
Nagpahinga na ko. Kumain then homeworks. Di ko lang kasi talaga maintindihan yang mga teacher nayan e. We, students are on the school 8 to 9 hours every day and take note it’s Monday to Friday, we only have 2 days to rest. Tapos magbibigay padin ng homeworks? Hayyy. Hahaha, tama na kaartehan Jhane, tulog na! XD
MARK’S POV
Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, kinuha ko agad yung phone ko. I texted Jhane.
“Jhanetot!” Aasarain ko na muna to. :P
“What?!” Sabi na e, susungitan na naman ako neto.
“Ansungit mo talaga! >_< May sasabihin lang naman ako eh. Anyways, bukas nalang siguro. Kitakits sa school Jhentot na pangit. :P Ingat sila sayo!”
Yan nalang yung tinext ko sakanya. Alam ko irereply nung babaeng yun eh, “K” hahaha :D I’ve waited for her reply. 5minutes. 10. 20.30. 1hour. 2.3.
Wow! Di na sya nagreply! I miss her. Kasama ko lang sya kanina pero namimiss ko na sya agad. Humiga ako sa kama ko.. Di kasi nya alam yung nararamdaman ko para sakanya e, bestfriends kami. Pero mahal ko sya. Sobra! Ang hirap magmahal ng bestfriend no? Kasi syempre mas pipiliin mo nalang mag stay kayong ganun kesa umamin sa kanya kung ano talaga yung nararamdaman mo. Dalawa lang yun, una? Pwedeng ganun din yung nararamdaman nya para sayo, pero sa love kasi walang nakakaalam kung matatapos o kayo na talaga diba? Kaya mahirap. Pangalawa? Masira yung friendship nyo. Di nalang siguro ko aamin.
WILLIAM’S POV
Nagte-training kami sa basketball dahil may laban kami. Todo training ako, focus kasi inspired naman ako kay Baby eh. Ang Baby kong si Jhane. <3 Sa bawat shoot ko, si Jhane lang yung iniisip ko para laging 3 Points. Pero ngayon, habang nagdi-dribol ako hinahanap ng mata ko si Jhane. Ang alam ko naman lagi lang yung nasa labas ng room nila. Nakikipagkwentuhan dun sa bestfriend nyang si Cheska. Pero ngayon pagtingin ko, si Mark. -_- Si Mark na naman yung kausap nya. Napapadalas na nga yung paguusap nila eh. Pag naman tatanungin ko sya about kay Mark, kikilitiin lang nya ko sa bandang bewang. Alam nya kasing dun yung pinaka malakas kong kiliti eh, at sya lang yung may alam nun. Tapos sasabihing “Baby, ano kaba? Are you jealous? Bestfriend ko lang sya. Palagi nga akong Masaya twing kasama ko sya eh, habang naghihintay sayo. Wag kana magselos dun ha? I love you Baby.” Tatango nalang ako tas “I love you more Baby.” Pagka-shoot ko… Sablay! Sh*t! sabi ko na eh, hindi maganda yung nararamdaman ko eh, nawala na sa paningin ko si Jhane, tas nung nakikita ko na ulit silang papasok sa school. Sobrang saya nya, nagtatawanan sila ni Mark. Eto na yung kinakatakot ko eh. Yung masanay syang wala ako, at maging Masaya dahil sa iba. Do I need to quit basketball? Alang ala kay Jhane?
Votes and comments are accepted guys.
