Chapter 13

6 0 0
                                    

Chapter 13

MARK’S POV

Yun ang istorya namin ng babaeng kasama ko ngayon. Saklap diba? Wala man lang naging closure. Pero sabi nga ng iba, HAVING NO CLOSURE SOMETIMES IS A CLOSURE! Gets nyo ba? Parang ganito lang yan, we’ve ended up with her GOODBYE and with my nothing. Wala. Wala naman akong naggawa noon eh. At ngayong eto sya sa harap ko, parang biglang nawala lahat.

Back to reality…

Nakaupo padin kami sa Canteen, tumahimik nadin yung mga tao sa Court. Naisip ko bigla si Jhane. How is she doing na kaya? Or should I say, sila.Kamusta kaya sila? Im sure ok na ulit. Mahal na mahal ni Jhane si William eh.

*snap*

“Ay! Oy! Meg! Anjan ka nga pala! Pasensya kana ah?”  Nagulat ako sakanya. Ang lalim pala ng iniisip ko.

“Nakatulala ka kaya! It’s like you’re carrying our whole world sa bigat nyang iniisip mo. Mas bigat pa ata dun sa break up naten. Anyway,di ko nga pala nakita.”

Bigla syang nalungkot. Parang ramdamna ramdam ko yung hirap at sakit na naramdaman nya nung umalis sya, pero physically, I can say that she’s a full-grown lady now.

Nagsalita ako.

“Meg, bat di mo agad sinabi sakin noon ng mas maaga? Na aalis ka pala?”

This time, parang ambigat na ng pakiramdam naming dalawa. Bat pa kasi ako nagtanong eh.

Nagsalita na sya.

“Actually Mark. Kahit ako di ko alam na nung araw at oras na yun aalis kami. Nakiusap ako kay Mommy. Lahat ginawa ko Mark. Pero wala eh. Sinubukan ko lahat. Sabi ko nga kay Mommy, kahit magpaalam lang ako sayo saglit, payagan nya ko. (Tumawa sya,pero malapit ng pumatak yung luha nya.) Pero hindi padin nya ko pinayagan. Ang sakit nun Mark. Yung iwanan ko yung mahal ko, yung iwanan kita. I loved you, Mark. And I still love you.”

Umiyak na sya. Sa bawat patak ng luha nya, tumatagos sakin yung sakit. Parang nung narinig ko yung side nya, na-realized ko na mas masakit pala yung naranasan nya kesa sakin. Kung tutuusin wala naman syang kasalanan eh. Kaso kase, kahit bali-baligtarin natin yung puso ko ngayon, JHANE na yung makikita eh. Nakaraan ba na nagbigay sayo ng dahilan para masaktan, o Kasalukuyan na nagbigay sayo ng dahilan para masaktan?

Parehas pala. Bakit kaya ganun? Kung sino yung mahal na mahal mo yun yung hindi ka magawang mahalin, kung sino naman yung mahal ka yun naman yung hindi mo kayang mahalin. Ang unfair talaga!

--

200+ reads. Thank you Loves! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakaraan Vs. KasalukuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon