Summer vacation, ito 'yong pinananabikan ng bawat mag-aaral na dumating, pero kapag nandiyan na, kinaiinipan at gustong matapos agad. Pero h'wag ka, kapag malapit nang matapos magre-request na i-extend pa. Ano ba talaga ang gusto nila? Ang gulo ng utak nila.
Hay, sobrang boring talaga ng bakasyon ko. Pag-umaga anime marathon, sa tanghali pa-facebook-facebook na lang, sa hapon Asianovelas marathon naman at sa gabi facebook uli. Saan ka pa, ang saya, 'di ba? Nakaka-boring, paulit-ulit lang ang nangyayari. Kain, tulog, nuod at facebook, KATUNUBOOK lang ang peg ko. Mabuti pa kapag nasa school, kahit papaano may kakaibang kaganapan sa buhay ko. Oo ibang kaganapan, kasi araw-araw, iba-iba ang nakakabangga ko.
Iba na talaga ang sikat, pero hindi ako gangster. Sadyang lapitin lang ako ng gulo. Ewan ko ba sa mga schoolmate ko, akala naman nila kaya nila ko kahit magtulong-tulong pa silang lahat, hindi nila ako mapapabagsak. Ano sila sinuswerte, Naej Saavedra mapapabagsak nila? Para saan pa at tinagurian nila akong Trouble Maker Queen.
Makanuod na nga lang sa baba, nakakainip dito sa kwarto.
Pagbaba ko, naabutan kong nalilinis ng sala si Mama. Pagtingin ko sa may orasan sa dingding 4:45 na pala, malapit nang magsimula 'yong bagong Koreanovela sa channel 7, inaabangan ko pa naman ang pagsisimula noon kasi mukhang maganda.
Bago ko buksan ang tv, pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng makakain, nakatulog kasi ako kanina kaya nakalimutan kong magmeryenda.
Sakto lang 'yong pagbukas ko ng tv, kakatapos lang ng Barrowed Wife. Nasaan na kaya si Mama kanina nasa sala lang siya ah?
Hay ang cute talaga ni Nicolo, gwapo na genius pa, kaso medyo masungit at snob nga lang parang si...
"Hoy Nej, para kang baliw diyan, kung makangiti ka abot hanggang tenga mo." Nailing na usisa ni Mama. 'Di ko namalayan na nakalapit na pala siya.
"Eh, nakakatuwa po kasi 'tong pinapanuod ko, Ma," sagot ko habang 'di pa rin maalis ang mga ngiti sa mga labi ko.
"Ewan ko sa iyo, hinay-hinay lang at baka sa mental ka pulutin pagkatapos niyan, maunahan mo pa ang kuya mo." Mayamaya ay nakisali na rin sa pinapanuod ko si Mama.
Alam niyo ba si Mama ang pinaka importanteng tao sa buhay ko, handa kong ipagpalit at talikuran ang lahat para sa kaniya. Mawala na'ng lahat sa akin h'wag lang siya. Bukod kay Mama, may isa pang tao na sobrang importante sa akin, si kuya Dhaine, pero pag-iisipan ko pa kung handa ko ring ipagpalit ang lahat para sa kaniya. Para kasing ang sarap n'yang i-trade-in.
Speaking of the DEVIL, hayan na ang half blooded monster brother ko. Hindi kami close ni kuya pagnasa bahay kikibot-dili lang 'yan, minsan naman madalas lang kaming magbangayan. Sabagay mas okay na 'yon kaysa naman 'pag nasa school kami, parang hindi niya ko kapatid.
"Kaya pala ang dilim sa sala, nandito ang prinsesa ng kadiliman," bungad ng kabababa lang na si kuya. Aba't mukhang gusto ata ng gulo, sige pagbibigyan kita.
"Ano ba 'yang pinapanuod mo?" dagdag pa niya.
"Alam mo kuya, ang panget mo!" Ganting inis ko, pero syempre joke lang 'yon, gwapo kaya ng kuya ko.
"Nagsalita ang hindi panget, mangkukulam na reyna ng kadiliman,"wika pa niya habang hindi maalis ang atensyon sa tv. Si kuya mukhang nagustuhan din ang Mischievous Kiss.
"Impakto, tsanak, lamang lupa!" Ganti ko pa sa kaniya. Kainis naman 'tong si kuya, ngayon pa naisipang mang-inis, akala naman niya' di ko s'ya papatulan...kaso 'di ko naman maintindihan 'yong pinapanuod ko, ang ingay kasi.
"Bruha, mambabarang, manananggal, tiktik!"Dagdag pa ni kuya, ayaw talagang patalo.
"Tikbalang, kapre!" sabi ko pa habang nagme-make face.
"That's enough, mga anak ng kung sinumang impakto o nilalang na pinagbabanggit niyo. Pwede nanunuod ako, 'di ko maintindihan ang pinapanuod ko dahil diyan sa mga kalokohan niyo. Hindi ba kayo titigil na dalawa?" Saway ni mama.
'Di ko tuloy mapigilang hindi s'ya tingnan, nakita kong seryoso s'ya, pero mababakas ang inis sa mga boses niya. Masyado niya kasing diniribdib 'yong pinapanuod niya.
Si kuya kasi ang pasimuno ng lahat napaka abnormal kasi. Palagi na lang akong inaasar. Papatalo ba naman ako, never!
Pero 'yang si Kuya, sobrang mahal na mahal ko iyan, kahit pa may pagka-abnormal at bipolar siya. Siya na lang kasi ang nag-iisa kong kapatid. Namatay kasi sa isang aksidente ang bunsong kapatid namin na si Tristan, kasama ng magaling naming ama. Hay! Miss ko na si Tristan, bakit kasi kailangang pati siya, sana si Papa na lang mag-iisa.
Simula nang mawala sa buhay namin si Tristan 5 years ago, ni minsan 'di ko na naka-bonding pa si kuya. Simula rin nang araw na 'yon unti-unti na siyang lumayo sa akin. Sabagay hindi naman kami ganoong ka-close ni kuya, mas close kasi sila ni Tristan, pero ni minsan hindi ko pinagselosan ang bagay na 'yon dahil pareho ko silang mahal.
Hay, naalala ko na naman ang nakaraan. ERASE na nga. Only time can heal the pain, at hindi ko alam kung kailan darating ang araw na 'yon dahil hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin akong nakayakap sa nakaraan.
"Nga pala Dhaine kailan mo balak mag-enroll at nang maisabay mo na tuloy itong si Naej,"Mayamaya'y tanong ni Mama ng mag-commercial break.
"Malaki na si Naej, kaya na niya ang sarili niya, Ma." Inis na wika ni kuya, halatang ayaw niya akong isabay.
"Malaki na si Naej, kaya na niya sarili niya, Ma," I mouthed. Nakakainis talaga siya.
"Basta, sabay kayong dalawa. Maliwanag!" Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni Mama na tila ba sinasabing: Ako ang batas sa bahay na 'to at anumang sabihin ko ay masusunod.
Kaya si kuya 'di na nakapalag at tumango na lang.
BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen and The Seven Monsters
Teen FictionAng kwentong ito ay hango sa mapaglaro kong isipan... Isa sa k'wento walang plano pero susubukang bigyan ng direksyon