Cupid High vs. Amytis Academy (Trade)

163 7 2
                                    

Ngayon ang itinakdang araw ng laban nila kuya at ng buong team ng basket ball ng school laban sa pinakamahigpit nilang katunggali. Grabe excited na ko, buti na lang at wala na kaming klase sa last two subjects namin dahil obligado ang lahat ng star section na manuod ng laban sa gym. Ang saya talaga!

Nagmamadali akong naglakad patungong gym at sa pagkakataong ito sa main way na ko nagdaan. Sa pagmamadali ko hindi ko namalayan na may paparating palang motor at sa kasamaang palad ay nahagip ako nito, mabuti na lamang at hindi ako napuruhan. Yun nga lang nakipag-lips-to-lips naman ako sa semento.

“Miss, okey ka lang,”

“Mukha ba kong okay? Nang-iinis ka ba?” nanggagalaiti kong wika. Siraulo palang isang to, sapakin ko kaya?

“Sorry!” he said sincerely.

That time nakatayo na ko mula sa pagkakasalampak ko at malaya kong minamalas ang itsura ng lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. I admit may itsura s’ya, at mukhang gentleman.

“By the way I’m Skye Sanchez from Amytis Academy and you are?” Nakangiting wika nito sabay lahad ng kanyang kamay.

“It’s none of your business,” at naglakad na ko palayo. I don’t know kung bakit ko yon ginawa, mukha naman s’yang mabait pero hindi ko s’ya feel. Obviously na se-sense kasi ng ng radar ko na dapat ko s’yang iwasan dahil gulo lang ang dulot n’ya sakin at isa pa mabigat ang loob ko sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin non certified playboy s’ya.

Bago pa ko makalayo narinig kong may mga nagtatawanan kaya naman lumingon ako mula sa pinagmulan noon. Nakita kong pinagkakaisahan ang lalaking iyon ng mga kaibigan n’ya. siguro ay dahil nakita nila ang ginawa kong pano-nopla dito.

I stared at him asking him why? Anong nangyari kay kuya?

Mula ng araw na yon nagbago na yung pakikitungo sakin ni kuya, naging malapit na uli kami sa isa’t isa. Mula rin noon ang dami nang nagbago sa buhay ko, para bang may hiwagang bumabalot sa mga kaganapang yon. Hanggang ngayon nga marami paring tanong sa isipan ko na hindi ko mabigyang linaw.

“Ok!” At sumunod na ko sa kanya patungo sa bench na nakalaan sa kanila. What a privellage, matutuwa ba ko o dapat nang kabahang muli, nararamdaman kong marami na namang mata ang nakatingin sakin.

Oo at nagbago nga ng pakikitungo sakin si kuya maging ang mga kaibigan n’ya, pero hindi ang mga tao sa campus sabihin na nating may ilan pero hindi lahat.

“The game will start after 10 minutes,” pahayag ng referee.

“Kumusta na Naej,” that was Yuri, wala bang gagawin ang isang ito kundi ang kumustahin ako tuwing magkikita kami?

“Nakarecover ka na ba mula sa trauma?” singit pa ni Charles. Yung totoo hahaba na naman ang usapan na to. Hay ang kukulit talaga ng mga kumag na to. Oo at hindi na nga nila ko binubuwisit pero hindi naman naalis sa kanila ang pagiging makulit.

Hindi ko masasabing natrauma ako sa naranasan ko, may be i’m a little bit shock about that, wala naman kasi akong maalala. Basta nung magising na lang ako ay nasa kotse na ako at papa-uwi na kami ni kuya. Ang huli ko lang talagang natatandaan ay nung tumama nang humampas sa sahig ang katawan ko maging ang ulo ko.

The Trouble Maker Queen and The Seven MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon