A Celebration

138 7 0
                                    

Matapos ang game, dumiretso ang buong basketball team sa bahay nila Dhaine to celebrate.

"Grabe ang galing mo talaga Sean, isa kang malaking himala...limang sunod-sunod na three point's. Wow! unbelievable!" Napapantastikuhang wika ni Patrick, isa sa mga ka-teammates nila.

"Oo nga bro. Aba, dinaig mo pa si James Yap, ang lupit mo talaga!" wika pa ni Benj sabay tunga sa baso na may lamang soda.

"That game is for us. Pasok na tayo sa regional competition," nakangiting sagot niya.

"Cheers!" Sabay taas ng baso ni Benj.

Sean's Point of View

Nandito kami ngayon sa bahay nila Dhaine to celebrate our victory. Double celebration 'to; aside sa pasok na ang team namin sa regional, nailayo pa namin sa pathetic jerk na 'yon si Naej. Akala ko talaga, matatalo kami kanina. I can't imagine what will happen kung natalo kami.

"Bro, thanks for winning this game. Alam mo kung gaano akong nagpapasalamat sa 'yo," masayang wika ni Dhaine sabay tapik sa balikat ko.

Ewan, pero kanina nang ikwento niya ang tungkol sa deal ng kumag na Sanchez na 'yon, parang biglang nag-init ang ulo ko at parang biglang tumaas ang adrenaline ko, telling me that I must win the game. Kaya nga kahit mahirap, I give all my best for us to win. Ewan, 'di ko alam kung saan ba nanggaling ang lakas at paghahangad kong ipanalo ang laban. Oo at gusto ko ngang makapasok kami sa regional gam, even sa national, but why do I have this kind of feeling na may iba pa akong dahilan.

"Ang lupit mo talaga Sean, idol na kita...pa-kiss nga." Sabay yakap sa akin ni Lyndon. Sapakin ko kaya 'to, lakas ng trip.

"Sapak gusto mo? I wouldn't have any second thought thinking that you're really a gay. Na kaya mo lang ginagamit ang pagiging playboy mo, just to hide what was the real you." Pang-iinis ko sa kaniya. Nakakatawa talaga tong si Lyndon.

"Chill bro! Ako bakla? Sa gwapo kong 'to, pagkakamalan mo akong bakla?" Nanggagalaiti na nitong wika.

"Ayos mo kasi buhay mo. Alam mo namang di kayo talo ni Sean." Singit naman ni Benj.

Kita mo 'tong si Benj, halata namang natatawa siya pero pinipigilan pa niya.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Lately ay masyado na akong nagiging observant. Dati naman, wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Pero bakit ganito ang pakiramdam, ko unti-unti akong nagbabago? This can't be happening.

"Oh, bawal ang pikon!" Awat naman ni Dhaine sa dalawa.

"Bro, una na kami." Narinig kong paalam ng ibang ka-teamates namin. Kasunod noon ay tumayo na rin si Dhaine at hinatid ang mga ito sa gate.

Ngayon kami na lamang pito ang naiwan sa bahay ng Team Captain namin, at sa pagkakataong ito, alam kong mas napag-uusapan na namin nang maayos ang mga naganap kanina sa laban.

"Sean, salamat talaga for bringing our team to the regional competition and also for saving Naej." Pag-uumpisa ni Dhaine nang makabalik siya mula sa paghahatid sa mga ka-team namin. Alam ko, kanina pa niya gustong sabihin ang bagay na 'yon, 'di lang niya mabanggit dahil kasama pa namain ang ibang ka-teamates namin. Lingid kasi sa kaalaman ng mga ito ang naganap na trade sapagitan ni Dhaine at ng Sanchez na 'yon.

"Wala kang dapat ipagpasalamat bro, ginawa ko lang yung part ko sa team." Oo, ginawa ko lang ang role ko as a member, pero bakit pakiramdam ko, dinaraya ko ang sarili ko. Na may mas malalim pang dahilan kaya hinangad kong maipanalo ang laban. Ewan, naguguluhan ako.

"Alam mo Sean, napansin ko lang lately, parang ang daldal mo na. Ano bang nakain mo?" Baling sa akin ni Yuan habang isang makahulugang tingin din ang ibinigay niya sa akin.

The Trouble Maker Queen and The Seven MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon