"Class, ipapaubaya ko na sa inyo ang pagpili ng magiging buddy ninyo para sa activity bukas. Siguraduhing may kapareha ang lahat. Siya, paalam na."
"Paalam na rin po, Ms. Samatha!"
Matapos magpaalam ng aming guro at lumabas ng room ay kani-kaniya nang hanap ng makakapareha ang aking mga kamag-aral.
Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga sinabi ni ma'am kanina tungkol sa gagawin namin. 'Di ko alam, pero pakiramdam ko lumulutang ang utak ko sa kung saan. Letse kasi 'tong si Frozen, 'di ako pinatulog kagabi.
Hindi pa man bumabalik sa hulog ang katinuan ko, nagulat na lang ako nang bigla akong tabihan ni Sean habang ito namang si Benj ay nakatunghay sa harapan ko.
Nagpalitan pa ng tingin ang dalawa at tila nagsusukatan pa sa kung ano ang kanilang ikikilos.
"Naej, buddy tayo, may sakit si Jerah, e." Nakangiting wika ni Myla habang papalit-palit ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko.
"Sure!" Nakangiting tugon ko sa kaniya habang puno naman ng pagtataka ang tinging ipinukol ko kay Sean at Benj.
"Bukas na lang, Naej." Pagkawika noon ay lumabas na si Myla para mag-lunch.
"Teka, nauna ako kay Myla, e. Naej naman, dapat tayo ang partner." Pagmamaktol ni Benj na tila mo ba batang inagawan ng laruan.
Bago ko patulan ang pagmamaktol ni Benj, nilingon ko saglit si Sean upang alamin kung ano ba ang kaniyang reaksiyon. At tulad nga ng inaasahan, wala kang mababakas na emosyon sa mga mata niya o kahit ekspresyon man lamang sa mukha niya.
"May sinabi ka ba? Wala naman, 'di ba?" Sabay make face ko sa kaniya.
"Ang daya naman!" ani nito.
"Huwag ka nang magreklamo, kayo na lang ni Sean ang mag-partner." Pagbibigay suhestiyon ko sa kaniya.
"May choice pa ba ako?"
Minsan, 'di ko alam kung high school o elementary ba 'tong si Benj.
"May problema ba, Benj?" ani ni Sean.
"Sabi ko, ang swerte ko kasi ikaw ka-buddy ko. Naiiyak nga ako sa tuwa," tugon naman ni Benj sa tinuran ni Sean.
'Di ko alam kung magkaibigan o magkaaway ba 'tong dalawa na 'to.
"Diyan na nga kayong dalawa, ang labo ninyo!" Pero bago pa ako tuluyang makatalikod sa dalawa, nagulat na lang ako nang may biglang umakay sa akin palabas ng room.
"Hintay!" Nagmamadaling habol sa amin ni Benj dahilan upang makumpirma kong si Sean nga ang may akay sa akin.
"Sila ba?"
"Kailan pa?"
"Flirt talaga?"
"'Di ba, sila ni Yuan?"
"Akala ko ba, sila ni Benj?"
Ilan lang 'yan sa mga bulungang naririnig ko habang binabagtas namin ang hallway papuntang canteen. Pakiramdam ko, gusto ko na lang lamunin ng lupa anomang sandali. Kasi sigurado ako, sa sandaling wala ni isa sa pitong monster ang nasa paligid ko, siguradong mapapaaway ako. Ano ba naman kasi 'tong drama ni Sean, gusto ba niya talaga akong mapaaway? Ang bait ko na kaya.
Mayamaya, naramdaman ko ang pagluwag ng hawak ni Sean sa kamay ko, hanggang sa unti-unti niya itong bitawan.
"Pasensiya na," aniya.
Agad ko siyang tinapunan ng tingin, at sa unang pagkakataon ay nakabasa ako ng emosyon sa mata niya...kaso 'di ko matukoy kung ano ang eksaktong nadarama niya.
Bago ako makapag-react sa sinabi niya, muli na naman akong nagulat ng may kamay naman na dumantay sa balikat ko.
"Ba't ninyo ako iniwan?" that was Benj.
"Ipapahamak ba talaga ninyo akong dalawa?" Nawika ko na lamang out of frustration.
"Pasensiya na!" Magkapanabayang wika nila.
Mula nang araw na 'yon, sobrang laki ng pagbabago ng pakikitungo nilang lahat sa akin at 'di ko alam kung dapat ba akong matuwa sa bagay na 'yon o mas dapat na matakot dahil sa katotohanang mas inilalapit lamang ako nito sa gulo. Alam ko, marami ang nag-aabang ng pagkakataon na ma-corner ako, pero dahil lagi ngang may nakabuntot sa akin ay hindi nila ako ma-timing-an. At ipinagpapasalamat ko kahit papaano ang bagay na 'yon.
Badtrip man ako ngayon sa dalawang ito, 'di ko naman sila magawang iwan dahil alam kong sa oras na gawin ko 'yon ay siguradong susunggaban ng mga haters ko ang pagkakataon na 'yon para makanti ako. Hindi naman sa natatakot ako, umiiwas na rin kasi ako sa gulo. Ayoko nang bigyan ng sakit ng ulo si mama at kuya. Isa pa, warning for graduate na ako. Ayoko namang masayang lang ang lahat dahil lang sa mga talipandas na schoolmates ko.
"Tara na at hinihintay na tayo nila." Sabay ngiti ni Benj nang pilit upang mapagaan lamang ang atmospera sa paligid.
Nauna nang naglakad si Sean sa amin...balik na naman siya sa pagiging Frozen niya.
Benj Point of View
Kanina, nang magbigay si ma'am ng signal na p'wede na kaming pumili ng ka-buddy namin, ay agad akong lumapit kay Naej, ngunit nagulat ako nang makita kong katabi na niya si Sean. Hindi agad ako nakapagsalita nang sandali na iyon dahil sa dami ng katanungang gumugulo sa isipan ko.
Kilala ko si Sean dahil kaibigan ko siya, pero parang habang tumatagal parang ang dami nang nagbabago sa kaniya. At sa kabila ng mga pagbabagong 'yon ay nama-manage pa rin niyang ibalik ang lahat sa normal na parang wala siyang kakaibang ikinilos.
Matagal na naming kaibigan si Sean at kabisado na rin namin ang ugali niya. Pero sa pagkakataong ito, ibang Sean ang nakikita ko. Hindi naman siya dating ganiyan, ni ang tapunan nga ng tingin si Naej ay 'di niya magawa...o dahil kaklase na namin siya ngayon tapos kapatid pa siya ng kaibigan namin. Pero kasi.
Hay, ewan naguguluhan talaga ako sa ikinikilos niya, pero maalala ko hindi lang din nga pala siya, maging si Yuan ay nagbago rin ang pakikitungo sa kaniya, actually lahat kami. Siguro malaki talaga ang naging impact ng mga naganap sa kaniya nitong nakaraan para hangarin naming lahat na maprotektahan siya. Pero knowing Sean, parang... ewan!
End of Benj Point of View
BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen and The Seven Monsters
Novela JuvenilAng kwentong ito ay hango sa mapaglaro kong isipan... Isa sa k'wento walang plano pero susubukang bigyan ng direksyon