This is really amazing, hamakin mo almost two weeks na since nag-open ang school year ni hindi pa ko nasasangkot sa anumang kaguluhan. Abay bago yon record breaker, dati once a week di pwedeng hindi ako masangkot sa alinmang kaguluhan. Siguro napagod na silang pabagsakin ako. Ahahhaha. Ang weak talaga nila.
Makapunta na nga lang sa gym may practice ata sila kuya ngayon, next week kasi may laban sila kaya dibdiban ang ginagawa nilang pag-e-ensayo pagkat ang pinaka mahigpit na katunggali nila ang makakalaban nila.
Nagmadali kong tinungo ang way papuntang gymnasium, at dahil tamad na kong maglakad ng pagkalayo-layo sa short cut sa may likuran ng building na lang ako nagdaan, yun nga lang sa kasamaang palad di ko alam na may nag-aabang palang panganib.
Mula sa di kalayuan namataan ko ang isang grupo na binubuo ng tatlong lalaki at apat na babae at para bang may inaabangan talaga sila sa lugar na yon. At malakas ang kutob kong ako yon, ang we-weak talaga tumawag pa ng resback. Itong mga lalaki naman na to uto-uto, akala naman nila matatakot ako. Da’!
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kinaroroonan nila habang nakikiramdam sa mga aksyong gagawin nila, medyo nag-i-ingat na rin ako mamaya mapasabak na naman ako. At alam kong sa pagkakataong ito mas dehado ako at malabo na na may makakita pa samin pagkat karamihan ng mga estudyante ay naka-uwi na at madalang ang nagagawi sa lugar na to.
Taas noo akong naglakad na tila ba walang nakikita, pero nararamdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko na tila ba nagpupumiglas. Isang maling kilos ko lang nararamdaman kong baka sa ospital na ako pulutin nito.
“Well, well, well. Nakikita n’yo ba ang nakikita ko”? nakahalukipkip na wika ni Irene nang madaan ako sa harapan n’ya.
Hmm! may bagong member? Hamakin mo hindi na pala sila three old witches. I think I need to change their names, ano kayang maganda? Hmm! Alam ko na F4 na lang which means FLIRT FOUR. Ang bright bright ko talaga. Ahahahha.
Deadma lang ako sa presensya nila at nagpatuloy sa paglalakad ni di ko na sila tinangka pang tapunan ng tingin, panira kasi ng view at ng magandang mood. Pero kahit nakatalikod ako pakiramdam ko kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ko duguan at wala ng buhay, ang bigat kasi sa pakiramdam.
Akala ko okey na nung makalampas ako mula sa kanila, pero nararamdaman at naririnig ko ang mga yabag nila na tila ba sinusundan ako. Gusto kong lumingon pero pinigil ko ang sarili ko pagkat kabisado ko na ang likaw ng mga bituka nila, pagkat sila ang mga totoong trouble maker. Kaya naman kasi mainit ang mata nila sakin ay sa kadahilanang nakita ko kung paanong ginulpi at pinahirapan ng pangkat nila ang isang estudyante last school year, masyado silang brutal at walang puso. Wala nga lang nagrereklamo kasi takot silang banggain ang mga ito pagkat alam nilang may kalalagyan sila.
Hindi naman sa natatakot ako kaya hindi ako nagsasalita, sadyang hindi ko lang ugaling makisawsaw sa problema ng iba pero isang bahagi ng puso ko noon ang naghangad na magbigyang hustisya ang nangyari. Hindi naman kasi ko natatakot para sa sarili ko, pero wala akong magawa noon kundi ang manahimik at maki-ayon sa kagustuhan nila. Nagpadaig ako, pero hindi ko naman kayang isugal ang buhay at kaligtasan ng pamilya ko. Hindi n’yo ko masisisi kung mas pinili kong itikom ang bibig ko, kung buhay at kaligtasan ko lang ang kapalit ayos lang pero ibang usapan na pag nadamay sina kuya at Mama.
BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen and The Seven Monsters
Teen FictionAng kwentong ito ay hango sa mapaglaro kong isipan... Isa sa k'wento walang plano pero susubukang bigyan ng direksyon