Enrollment Day

265 7 0
                                    

Araw ng enrollment ngayon, este ngayon pala kami mag-e-enroll ni kuya Dhaine.


In coming fourth year student na si kuya, habang ako naman ay third year. Ito na ang huling taon na magkakasama kami sa school, sana naman sa huling taon na 'to ay magbago o mabago na ang set-up naming dalawa.


Dito na kami sa school as usual one meter apart lang naman ang distance ko mula sa kaniya. Bawal akong lapitan o kausapin man lang siya kapag na sa school kaming dalawa. Kapag may importante akong sasabihin sa kaniya, through text o tawag pa. Nasaan ang hustisya? Kapatid ko ba talaga siya? Bakit ang lupit niya?


Sikat kasi sa school si kuya, hearthrob ng campus, captainball ng basketball team ng school, top student. Saan ka pa!  Oo, siya na ang pinagpala. Swerte ko sikat si kuya, malas ko nga lang kasi 'di ako pwedeng lumapit sa kaniya.


Sabagay, kasalanan ko rin naman. Oo, kasalanan ko talaga kung bakit kailangang ganito ang set-up namin ngayon. Ginera ko lang naman kasi ang haliparot niyang ex-girlfriend. Sa hindi ako nakapagpigil. From that moment binansagan na nila akong Trouble Maker Queen.


Ako, ako ba ang nagsimula? Siya ang dahilan kung bakit ako sumabog. That woman, isa siyang malaking JERK, SINUNGALING, HALIPAROT at TALIPANDAS.  Ang tanga ko namang kuya mas kinampihan pa ang impokrita at ambisyosa niyang girlfriend. Anong laban ko, girlfriend niya 'yon, samantalang ako...kapatid lang niya.


Mula nang araw na 'yon mas lumaki ang gap sa pagitan naming dalawa ni kuya. Oo, nagsisisi ako, sobra! Kung pwede lang ibalik ang panahon. Pero hindi ko sinasabing babaguhin ko kung anuman ang naging aksyon ko noon, pagkat alam kong may punto rin ako.


Ang babaeng 'yon nilason n'ya ang utak ng genius na bipolar kong kapatid. Siya ang dahilan kung bakit mas lumayo ang loob ni kuya sa akin.


Si kuya, naturingan pa man ding matalino may pagka stupid din pala nang konti. Sarap iuntog sa bones ko.


Sa sobrang layo ng lipad ng isip ko, 'di ko napansing huminto pala si kuya sa kaniyang paglalakad. Ano pang aasahan, bumangga lang naman ako sa likuran niya. At nang mag-angat nga ako ng tingin upang alamin ang dahilan ng paghinto ni kuya, dyaran... mukha lang naman ng anim na kutong lupang kabarkada ni kuya ang bumulaga sa akin—ang anim na impaktong panira sa buhay ko. May araw din kayo sa akin.


"Hey dude, ngayon ko lang nakitang kabuntot mo ang kapatid mong trouble maker. Baka mapaaway ka lang mamaya dahil sa kaniya," wika ni Yuan, sabay baling sa akin.


Binalingan ko si kuya para alamin ang magiging reaksyon niya o kung ipagtatanggol man lang ba niya ako. Pero bigo ako. Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya. Ni 'di man lang siya kumibo upang pagsabihan si Yuan.


That Yuan Cristobal, ang lalaking walang ginawa kundi ang kontrahin ako. Isa siya sa super twins at binansagan kong hari ng daldal. Ang sarap talaga niyang ibaon nang buhay sa lupa.


Oo, ako na ang trouble maker, kaso mali naman. Hindi ako ang gumagawa o nag-uumpisa ng gulo. Ako ang nilalapitan nito. Ang dami kasing insekyora at ingeterang froglet sa paligid, papatalo ba naman ako? Sa panahon ngayon wala ng martir, kung mayroon man isa-isa na silang binabaril at pinupugutan ng ulo gamit ang guillotine sa Luneta.

The Trouble Maker Queen and The Seven MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon