Alam ko namang hindi ako ganoong kasama, pero bakit ganito? Bakit nasa impyerno na ba ako at puro impakto ang kasama ko?
Nang magkamalay ako ay nasa loob na ako ng clinic at ang mukha ng anim na impaktong kaibigan ni kuya Dhaine ang unang tumunghay sakin, pero nasaan si kuya? Wala talaga s’yang paki-alam sakin, mabuti pa tong mga abnormal na kaibigan n’ya kahit paano ay nandirito para tingnan yung kalagayan ko.
Isa-isa kong tiningnan sa mukha ang mga impaktong yon, mababasa mo sa kanila yung labis na pag-aalala. Kaya napaisip tuloy ako kung gaano nga ba kalala yung itsura ko.
Unti-unti akong bumangon at umayos ng upo upang tingnan ang repleksyon ko sa salaming nasa gawing kaliwa ko. Naman oh, nanlulumong wika ko nang makita ko yung repleksyon ko sa salamin. Namumula yung mukha ko dahil sa pagkakasampal nung mga yun at may konting galos din. Pero mas malala yung tinamo ng braso ko, puro pasa at kalmot lang naman ito. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako napasok sa ganitong kalalang sitwasyon kahit na madalas akong masangkot sa mga gulo.
“Okey ka lang Naej?” nag-aalalang tanong ni Yuri sakin.
“Mukha bang okey ang lagay n’ya Yuri? Kita mo nga para s’yang sumabak sa gyera. Kung ikaw kaya pagtulungan tapos wala kang kalaban-laban, magiging okey ka kaya?” Wika ni Lyndon, mababakas mo yung galit sa boses n’ya.
Mabuti pa sila, si kuya kaya? Ayoko mang umasa, pero di ko mapigilan. Bakit ganoon si kuya, di man lang ba s’ya nag-aalala sakin? alam kong alam n’ya yung nangyari sakin kanina pero, pero bakit ni hindi man lang n’ya tiningnan yung kalagayan ko.
“Stop that bro, hindi ako nakikipagtalo. I just wanted to know kung okey lang ba s’ya.”wika ni Yuri.
“Alam n’yo ang ingay n’yo kung manahimik na lang kayo.”
Nilingon ko kung sino yung nagsalita kahit obvious naman na si Yuan yon. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang kontrahin lagi ako.
Heto na naman kami. Muli ay inilibot ko yung paningin ko, nagbabakasakaling makita ko si kuya, pero bigo ako. Bakit nga ba hinahanap ko yung wala, ayoko nang umasa kasi masasaktan laman ako.
“Ano ba kasing nangyari Naej?” Nagtatakang tanong ni Charles.
“Charles, why are you asking her? Isn’t it obvious, she’s a trouble maker,” singit ni Yuan.
Ako trouble maker? Akala kasi ng lahat ako lagi ang nagsisimula ng gulo, ganoon ata talaga pag binansagan kang Trouble Maker Queen wala kang karapatang depensahan ang sarili mo. Dahil sa mata ng tao laging ikaw ang nag-uumpisa ng gulo kahit ang totoo ay biktima ka lamang nito.
I’m tired of explain my side, ayoko na pagod na ko. No one believes in me, all of them are against me. Ang hirap nang sitwasyon ko, ayoko nang mag-aksaya ng panahon kakapaliwanag tutal may sarili na naman silang paniniwala. So, para saan pa ang pagpapaliwanag ko pinagod ko lang ang sarili ko nagmukha pa akong tanga.
“Just shut up Yuan, let her explain her side, hindi yung nakahusga ka agad. Tandaan mo s’ya ang biktima.” Isang nagbabantang tingin ang ibinigay ni Yuri sa kakambal.
BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen and The Seven Monsters
Teen FictionAng kwentong ito ay hango sa mapaglaro kong isipan... Isa sa k'wento walang plano pero susubukang bigyan ng direksyon