Ito ang ikalawang araw ng klase, wala namang kakaibang nangyari kahapon liban sa pina-ulanan lang naman ako ng nakamamatay tingin ng mga insecure sa paligid ko.
Putek kasi ang impaktong Benj na 'yon ayaw akong lubayan ang kulit, kahit saan ako magpunta nakabuntot pa rin sa 'kin. Ano bang nakain ng mokong na 'yon.
Sabagay close naman kami dati, akala mo nga samin nakatira 'yan halos araw-araw nando'n umuuwi lang sa kanila pagmaliligo at matutulog na s’ya.
Para rin s’yang si kuya noon, at gaya ni kuya unti-unti rin s’yang nagbago.
Kung kahapon puro orientation at nag pakilala lang kami isa-isa, ngayon ang simula na nang totoong klase at s'yempre gaya nang nakagawian bago magsimula ang discussion ay igru-grupo muna kami. That group will last for a quarter.
Hay! Sana naman, kung pwede lang pumili ng makakagroup mas gusto ko pang ka-grupo ang mga classmate kong boys pagkat alam kong kahit papano hindi sila galit sa'kin. Sabagay may apat nga rin pala kong classmate na girls na kasundo ko naman, pero 'di ko masasabing kaibigan ko sila, silang apat lang kasi ang 'di nakikisali at 'di naniniwala sa mga insecure na members na haters club ko. Iba na talaga ang sikat, ‘pag sikat ka asahan mong madaming magpapabagsak sa 'yo. Magsama-sama sila at magsaya, 'di nila ko mapapabagsak.
Tagal namang magbreak time, gutom na ko.
So far so good naman yung dalawang groups na napuntahan ko at wala pa kong impaktang nagiging groupmates. Ang galing talaga ngayon lang nangyari 'to, 'yon nga lang kagrupo ko si Frozen Sean sa English at Science, habang si Benj naman ay kagroup ko sa Science.
Yes, break na! Makaka-kain na rin ako.
Nagmamadali akong lumabas ng pintuan, ano pa eh 'di para takasan si Benj. Ang kulit kasi panay buntot sa 'kin. 'Di ba n’ya alam na natsi-tsismis na kami at ang masaklap two timer daw ako. Saan ka pa pinagsabay ko daw si Benj at Sean, mga chismakers nga naman oh. Frozen Boy ang Mr. Matiny Idol? Nagpapatawa ba sila.
Yes, nakatakas din ako kay Benj, kaso mali ata ang ginawa kong pagtakas. Nanay ko po, parang gusto nila akong kainin nang buhay.
Mamatay silang lahat sa inggit, mainis sila hanggat gusto nila. Hanggang doon lang naman ang kaya nila mga duwag at mahihina.
Oops! Oh No! Naman oh tago! Oo, kailangan kong magtago at makakasalubong ko kasi si Yuan, si Mr. Talkative King. Anak ng tokwa talaga, of all people si Yuan pa ang makakasalubong ko.
Kunwari na lang di ko s’ya nakita, diretso lang lakad, h’wag kang titingin, h’wag kang titingin.
Naman oh! Bakit ka tumingin.
“Hello Naej, di mo yata kabuntot si Benj ngayon. Nasaan na nga ba ang tukmol na Benj na yon may sasabihin kasi ko sa kanya,” bungad sakin ni Yuan.
Hmm! Parang may bag okay Talkative King.
“Nasa room pa kasama si Fro....este kasama n’ya si Sean,” muntik na naman ako.
BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen and The Seven Monsters
Teen FictionAng kwentong ito ay hango sa mapaglaro kong isipan... Isa sa k'wento walang plano pero susubukang bigyan ng direksyon