Habang abala ang lahat sa pagpra-practice sa gym ay hindi mapakali si Dhaine. Ewan ba niya, pero bigla siyang kinutuban ng masama. Lumingap-lingap siya sa paligid na tila ba may hinahanap, ngunit hindi matagpuan ng kaniyang paningin ang taong kanina pa niya iniintay.
Tila napansin naman ni Lyndon na hindi mapakali ang kaibigan kaya kaniya itong nilapitan upang alamin ang bagay na bumabagabag dito.
"Bro, is there something wrong?" usisa nito sa kaibigan.
"Wala," tipid niyang sagot at bumalik na uli sa paglalaro.
Lyndon's POV
Itong si Dhaine kunyari pa, halata naman na kanina pa siya may hinahanap at sigurado akong si Naej yon. Teka nasaan na nga ba ang babae na 'yon? Dati-rati kapag ganitong may practice kami kahit may gap sila ng kuya niya ay nanunuod pa rin naman siya ng practice game namin.
Muli ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng gym nagbabaka-sakaling matanaw ko siya, pero bigo ako.
Nasaan na kaya 'yon? Kaya pala 'di mapakali ang kumag na Dhaine, hindi niya mahagilap ang kapatid niya. Itong si Dhaine kahit na itinataboy niyang pilit palayo sa kaniya ang kapatid, pero makikita mo pa rin ang pagnanais na maprotektahan ito. Medyo ma-pride din naman kasi ang loko, pati kapatid nakuhang tikisin at kung pakitunguhan. Ewan ko ba ang laki ng problema ng isang iyon.
-End of Lyndon's POV
Labing limang minuto ang matuling lumipas ngunit ni anino ng kaptid ay hindi mamataan ni Dhaine, labis na s'yang nag-aalala dito. Gustuhin man n'yang tawagan o kahit itext man lang ito ay hindi n'ya magawa pagkat hindi n'ya alam kung paano ito sasabihin.
"Water break muna," utos ni Dhaine sa mga kasamahan. Agad niyang tinungo ang bench kung saan naroroon ang kayang mga gamit. Una niyang hinagilap ang kanyang mobile phone nagbabakasakaling nagmiscall o kaya man lamang ay nagtext ang kanyang kapatid upang ipaalam na ito ay nakauwi na, ngunit bigo siya. Bakas ang labis na pangamba sa kanyang mga mukha, na nahiling n'ya na sana mali ang kutob n'ya. Na sana ay naka-uwi na ang kapatid n'ya.
Naej, nasaan ka na ba?
"Himala ata hindi nanuod ang kapatid mong trouble maker sa practice natin," that was Charles.
Hindi namalayan ni Dhaine na nakalapit nap ala ito sa kanya dahil sa malayo ang lipad ng isipan niya.
"Ano nga uli ang sinabi mo Charles?" sabay tingin niya rito ng masama. Isa sa pinaka-ayaw n'ya ay tinatawag na trouble maker ang kapatid n'ya sa harapan n'ya lalo na kung wala ito.
"Chill lang bro, I didn't mean anything."
"Baka gusto mong magkalimutan tayo? Isa pang tawagin mo s'ya o kayong lahat ng ganyan, may kalalagyan kayong pare-pareho sakin." pagbabanta niya. Oo at malamig nga ang pakikitungo n'ya sa kapatid pero hindi ibig sabihin noon ay papaya na s'ya na ganunin ito lalo na ng mga kaibigan n'ya. hindi nila kilala si Naej at lalong wala silang alam.
"Narinig mo yon Yuan," ani ni Yuri sabay tingin ng makahulugan sa kakambal.
"Ako na naman," pagkawika noon ay nagback out na ito.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Benj dito.
"Magpapahangin lang sa labas, naso- soffocate ako sa inyo." Sabay wave ng kamay.
"Nasaan na si Sean?" takang tanong ni Lyndon ng hindi makita ang kaibigan.
"Baka nagpahangin lang sa labas ang kumag na yon, alam n'yo naman na mahilig tumakas ang isa na yon nang walang paalam." Ani ni Yuri.
"Actually kanina pa wala ang isang yon, sabi n'ya magsi-cr lang daw s'ya pero 20 minutes na ang nakakalipas hindi pa rin s'ya bumabalik." Singit naman ni Benj.
"Baka nakipagtagpo lang ang isang yon," komento pa ni Lyndon.
"Gaya mo naman sayo yung isang yon, kahit ata magkandarapa at magmukhang tanga na ang mga babae sa harap non nungkang pansinin ng isang yon," ani ni Dhaine na nakisali na rin sa usapan.
They know Sean so well, masyado itong cold makitungo lalo na sa mga babae kundi nga lang nila alam ang nagyari dito 5 years ago iisipin nilang bakla ito kaya walang dating kahit gaano pa kagaganda ang mga babaeng nagkakandarapa dito. But somethings bothering them, alam nilang may iba pang dahilan bukod sa bagay na yon.
"Ako lang ba?" wika ni Lyndon sabay baling kay Charles at Benj.
"Ibahin mo kami, kami ang nilalapitan ng girls at hindi kami ang lumalapit sa girls." That was Benj.
"Ganoon din yon,"katwiran pa nito.
"LOL! Kailan pa naging magkapareho ang babaero sa habulin ng babae?" nailing na wika ni Dhaine.
"Ngayon, ngayon lang."
"Baliw ka na talaga Lyndon." Iiling iling na wika ni Charles habang di mawala ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Tawagan n'yo na nga yung dalawang tukmol na yon para masimulan na natin yung last set ng practice para pare-pareho na rin tayong maka-uwi," utos ni Dhaine sa mga kaibigan. Agad namang tumalima ang mga ito.
Yuan's POV
Saan kaya nagsuot ang kumag na Sean na yon, ugali talagang tumakas ng isa na yon tuwing may practice game.
Hay ang sarap talaga ng hangin dito sa bahaging ito ng campus, bukod doon masyado ring payapa dito. Ilan lang kasi ang nagagawi rito, ewan ko ba kung bakit pinaka-iiwasan nila ang bahaging ito gayong hindi naman totoo ang mga haka-haka dahil wala pa namang nakakapagpatunay.
Nung pabalik na ko ng gym ay natanaw ko di kalayuan si Sean, mukhang galing sa kung saan, basang basa kasi ito ng pawis.
"Hoy Sean!" tawag ko sa kanya mukha kasing hindi n'ya ko napansin.
"Ikaw pala," at patakbo siyang nagtungo sa akin.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kanya. Hay, din a ko aasang sasagot ang mokong na to, masyado kasing malihim ang isang to.
"Sa tabi-tabi lang nagpahangin," ani nito.
"Nagpahangin? Eh bakit tila pawis na pawis ka?" naguguluhan kong tanong sakanya habang sinusuri ko ang magiging reaksyon n'ya. Hay, ang galing talagang magtago ng emosyon.
Nagulat ako ng lumapit s'ya sabay akbay at itinapat n'ya yung mukha n'ya sa may tenga ko, bigla akong kinabahan sabay akma ng suntok sa kanya.
"Pare walang ganyan. Kahit kaibigan kita 'di kita sasantuhin," nagbabanta kong wika sa kaniya.
Ang sira ulo, tinawanan lang ako, himala ngayon ko lang nakitang tumawa ang unggoy na 'to.
"Sira, anong tingin mo sa akin bakla?" nailing na lang nitong wika.
"Eh anong ibig sabihin...." hindi ko na naituloy pa kasi bigla na lamang siyang tumalikod at naglakad palayo naririnig ko pa 'yong malulutong niyang halakhak. Hay, ano kayang masamang espirito ang sumanib sa isa na yon.
Ang pinagtataka ko lang saan galing ang isang iyon at ganoon na lamang ang itsura n'ya. Hay, hayaan mo na nga s'ya at baka mabaliw pa ko kaka-isip kung saan ba nagsuot yung isang yon.
-End of Yuan's POV
BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen and The Seven Monsters
Teen FictionAng kwentong ito ay hango sa mapaglaro kong isipan... Isa sa k'wento walang plano pero susubukang bigyan ng direksyon