First Day of School

212 6 0
                                    

Pwede bang h’wag na lang akong pumasok? Ayoko nang mag-aral, o kaya naman magtransfer na lang ako ng school. Naman kasi.

Simula nang manyari ang insedenteng iyon ilang b’wan na ang nakalipas ay parang ayoko nang muling tumapak pa ng school. Alam ko naman na mas lumaki lalo ang isyu sakin. Hay! Iba na talaga ang sikat, ngayon dalawa na kaming sikat ni kuya, ‘yon nga lang sa magka-ibang paraan.

Hay! Bakit ba kasi yung mali lang ang lagi nilang nakikita sakin, bakit hindi nila makita yung positive side ko. Alam mo yun? May nagawa rin naman akong kabutihan, may mga achievements din naman ako, bakit hindi nila makita yon. At kung husgahan nila ko parang lahat sila nagawan ko ng mali.

Buti pa ang kasinungalingan, mas pinaniniwalaan kaysa sa katotohanan.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng campus ni hindi ko tinangkang lingunin ang paligid ko ayokong makita ang mga matang mapanghusga ng mga taong akala mo kung sinong malinis at walang kasalanan.

“Wow! nakuha pa talagang pumasok ang kapal ng mukha.” Narinig kong wika ng isa sa mga babaeng nadaanan ko.

“Palibhasa kuya n’ya ang president ng school council kaya malakas ang loob.” Sabad naman nung isa.

Iyon ang hindi ko matitiis. Okay lang na laiitin nila ako at pagsalitaan ng hindi maganda, pero h’wag na h’wag nilang idadamay ang kuya ko at magkakalintikan talaga.

Akmang susugurin ko na sila nang may pumigil sa braso ko. Nakita ko ang reaksyon ng mga bruhang babae, kilig, galit, inggit dahil sa labis na pagtataka ay nilingon ko ang nagmamay-ari ng kamay na pumigil sa mga braso ko.

MR. FROZEN? Saloob loob ko at tiningnan ko s’ya na puno ng labis na pagtataka. Bakit? Gusto ko sanang itanong pero di ko na tinangka.

Gaya pa rin nang dati, wala akong emosyong mabakas sa kanya.Di ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan n’ya ngayon.

“H’wag mo na silang pansinin, tara na at malelate pa tayo sa klase,”malamig nitong wika.

'Yon ang unang beses kong marinig s’yang magsalita, napatingin tuloy uli ako sa kanya. Sa tagal nang panahon ng pagkakakilala ko kay Sean ngayon ko lang s’ya narinig na magsalita at ngayon lang rin n’ya ako kina-usap.

Ang ganda ng boses n’ya, para akong nakarinig ng mga anghel na nagsisipag-awitan. Ang lambing at ang lamig ng dating ng boses n’ya na tila ba yumayakap sa aking puso.

Ano bang nagyayari sakin? Hay, mamaya talaga magpapamisa ako, dahil sa wakas ng bocaue ay narinig ko ring magsalita si Frozen.

Hanggang makarating kami sa building namin ay hindi pa rin binibitawan ni Sean ang braso ko. Ano ba tong pinasok ko, mamaya siguradong gulo na naman ang aabutin ko. Hay! Sabi na nga ba at gulo lang ang dulot ng mga kulokoy na to sa buhay ko.

Alam mo yung pakiramdam na para kang nilalamon ng lupa dahil sa mapanuring tingin ng mga tao sa paligid mo, yung pakiramdam na parang gusto nilang kitlin ang buhay mo sa paraan ng pagtitig sayo. Inggit, galit, Selos yan yung nababasa ko sa reaksyon ng mga mukha nila. Ano bang nagustuhan nila sa Frozen na to?

The Trouble Maker Queen and The Seven MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon