Chapter 5♡♡♡
"Venus, run.".
Napabalikwas si Shantal ng magising mula sa isang masamang panaginip. Kahit aircon ang buong kwarto ay pinagpawisan siya ng malamig. She was panting and found herself crying.
Iyon ang pinakaayaw niyang maalala, ang dalawang taong bangungot niya sa mga dumukot sa kanila. God knows how they were tortured. Akala nga nila ay hindi na sila makakawala pa. Kahit labag sa kalooban ay nagtrabaho sila para sa mga ito.
She calmed herself and walked out of her room.
It's almost 5 in the morning.
She went back to her room and changed to her jogging outfit. Sa tingin niya kasi ay hindi na siya makakatulog pa. She need to move, to run. Kailangan niyang pagurin ang sarili upang kahit papaano ay hindi niya maalala ang masama niyang panaginip.
Suot ang kanyang wireless earphone at bitbit ang cellphone ay lumabas na siya ng bahay.
"Good morning.".
Hindi pa man siya nakakalayo sa pagtakbo ay narinig niya ang bati sa kanya ng isang pamilyar na boses. She rarely watches TV ngunit sa mapaglaro niyang tadhana ay ito ang madalas niyang makita tuwing bubuksan iyon. May ilang linggo din niya itong hindi nakita dahil sa mga mall tours nito.
His fans were crazy over him. Tila perpekto ito sa kanilang mga mata kahit na nga ba may mga eskandalo itong kinasasangkutan. Ngunit dahil sa kasikatan nito ay ultimo ata kinakain ng binata sa maghapon ay big deal sa mga tao.
Hindi niya iyon pinansin at diretso lamang sa pagtakbo. Pasalamat siya sa earphone niya dahil pwede siyang magkunwaring wala siyang naririnig.
Kailangan niya itong iwasan. Maling kilos lamang niya ay maaari siyang matunton ng mga kalaban. Lalo na ngayong hindi nila macontact si Randall. Isa sa kanilang mga nakatakas mula sa organisasyon. Napakalaking stress ng dulot niyon sa kanilang isipan.
Shit.
Sa inis ni Shantal ay ramdam niyang nakasunod lang ang lalaki. Binilisan nga niya ang takbo ngunit pinapantayan naman nito iyon.
She sighed.
Ilang minuto na siyang nagjojogging at napapagod na rin siya, halos malapit na ring sumikat ang araw ay sunud pa rin ito ng sunod sa kanya.
She gave up and stopped.
Humihingal na tumingala ang dalaga at pikit matang namaywang. Nakakapagod.
Narinig niya ang paglapit ng lalaki sa kanyang tabi.
"Water?".
Dumilat siya at blanko ang ekspresyong lumingon dito. Nakita niya ang lalaking naka hoody at jersey short. Ngunit bakit sa haba ng tinakbo nila at kahit may pawis ay tila fresh pa rin ito?
Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng lalaki. Tila ba takot ito na tanggihan niya.
She looked at the bottled water that he was offering and sighed. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito?
Sinigurado muna niyang walang tao sa paligid bago niya kunin ang inaalok nito.
"Thank you.", she flatly said.
She almost gasped when he broke a sexy smile. Iyong ngiti na sa tuwina ay nagpapabilis ng tibok ng puso niya.
Tsk.
Sanay siyang makisalamuha sa mga lalaki lalo na sa mga gwapong lalaki. Ngunit bakit tila naaapektuhan siya ng simpleng ngiti nito?
Inilihis niya ang atensyon sa binata at tumingin sa paligid..
BINABASA MO ANG
Twin House (COMPLETED) 🌟 🌟 🌟 🌟 🌟
General FictionBlaze Zackary Gaston ♡♡ Siya ang pinakasikat na artista sa kasalukuyan. He love the limelight. He love girls, sexy girls. He found this subdivision na unang tingin pa lamang niya ay minahal na niya. Tahimik. Malayo sa magulong lungsod at polusyon. M...