♡Chapter 14♡

195 11 1
                                    

Chapter 14

The premier night was a success. Masaya si Zac sa kaliwa't kanang pagbating natatanggap niya.  Ngunit kulang ang kanyang nararamdamang kaligayahan dahil sa iisang dahilan. She left. Nalaman niya iyon sa ilang kapitbahay na naging kaibigan ng dalaga. Hindi din daw ito nagpapakita sa kanila ilang araw na ang lumipas. Patay din ang mga ilaw ng bahay nito tuwing  gabi.

He was a total mess kung hindi nga lang dapat siyang ngumiti at itago sa buong mundo ang kabiguang nararamdaman niya.

Iniwanan nga niya ito ng ticket para sa gabing iyon. Ngunit hanggang natapos ang pelikula ay bakante pa rin ang upuan para dito. He felt lost.

"Hey smile. Alam kong brokenhearted ka, but you need to be with me here. Zac.". ani Sabel na nakahawak sa braso niya. She knew the real score between him and Shantal. Alam din nito na nawawala ang babae. Tila pa nga ito ang naging fans nilang dalawa.

"Sasamahan kita mamayang maglasing but please, be here with me.", bulong pa nito na ikinailing niya.

"I'm fine.".

Tumaas ang kilay nito na nakatingin sa kanya. "Oh, really?".

Tsk.

"BAKITdi mo siya lapitan.". Napapitlag sa gulat si Shantal ng may magsalita sa kanyang bandang likuran. Sa kanyang paglingon ay nakita niya ang nakangiti na si Kyle.

She felt relieved. "Nah, I'm okay here".

"Really? Kanina ka pa niya hinihintay.".

She sighed and looked at him from where she was. Dumalo siya ng premier night, ngunit mas pinili niya ang huwag magpakita sa binata. Natatakot kasi siyang ipagkanulo ng sariling nararamdaman at yakapin ito. Masaya na siyang makita ito mula sa malayo tulad noong hindi pa sila malapit sa isa't isa.

Not seeing him for a few days made her feelings stronger than what she already felt. The desire to be with him, to touch him, to hug him and to kiss him are so strong. Ngunit sa ngayon ay kuntento na siya sa malayo at nakikita ang mga ngiti nito.

Mahal niya ang binata ngunit iba ang priority niya sa ngayon.

Tulad noon, kung paano niyang nabitawan ang mga magulang niya upang ilayo ang mga ito sa kapahamakan ay gagawin niya para sa ikabubuti ng binata. Kahit na tila iyon ang unti-unting dumudurog sa kanyang puso.

"SHE's here.". Narinig ni Zac na sabi ni Sabel.

"What?".

"There she is.".

Sinundan ni Zac ang tingin ni Sabel at doon nakita ang babaeng laman lagi ng kanyang isip. Kahit na nakawig ito ay kilalang kilala niya ang babae. Agad niyang binitawan si Sabel at walang sabi sabing humakbang patungo sa kinatatayuan ni Shantal. Ng malapit na siya dito ay may ilang kakilalang humarang sa kanya upang bumati na nagpabaling sa mga ito ng kanyang atensyon. He politely excused himself ngunit sa muling paglingon sa kinatatayuan ng dalaga ay wala na ito roon. Shit. 

***

"F**k!", he hissed. May halos dalawang linggo na niya itong hindi nakikita at sa bawat araw na lumilipas ay tila mababaliw na siya.

Gabi gabi na rin siyang umiinom at alam niyang naaawa na ang kanyang mga kaibigan dahil sa nangyayari sa kanya. They even hired a private investigator ngunit kahit isang detalye tungkol sa pagkatao ng dalaga ay wala itong makita.

Sinilip na rin nila ang mga listahan ng pangalan ng mga paalis ng bansa ay wala din silang nakita.

Nagpatulong na rin siya sa opisina ng kanilang village kung mayroon itong alam tungkol sa dalaga ngunit bukod sa mga papeles ng pagbili nito ng bahay ay wala silang nahita.

Twin House (COMPLETED) 🌟 🌟 🌟 🌟 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon