♡Chapter 19♡

221 10 0
                                    

Sakura Bouchard a Japanese Canadian inventor/programmer died in 201X. Her family are currently residing in Japan. Father is an accountant and mother is a university professor.

It was almost 5 years from that day she left. Marami ng nagbago sa buhay ni Zac. He retired from making movies and TV programs at pumasok sa mundo ng kanyang ama. He was the newest appointed CEO of ABN Corporation, the Philippines biggest media and entertainment network. Hindi dahil anak siya ng may-ari kaya siya nasa posisyong iyon. But he gained it. Napatunayan niyang karapat dapat siya bilang CEO.

Sa maikling panahong nagtrabaho siya sa ilalim ng ama ay marami siyang naging contributions na lalong nagpataas ng ratings ng kanilang kumpanya.

They made a truce before his father was able to convince him to work in their company. Na hindi ito makikialam kung sino ang pakakasalan niya. Nagulat pa siya ng tinawanan lang siya nito. "You're living in 21st century son. Hindi na uso ang arrange marriage. ", naalala pa niyang sabi nito.

Doon niya ibinuhos ang buo niyang atensyon upang makalimot. Makalimot kahit papaano sa pangungulila niya sa nag-iisang babaeng kanyang minahal.

Katok ng kanyang sekretarya ang nagpaangat ng kanyang tingin mula sa mga dokumentong pinag-aaralan niya. "Sir.".

"Yes, Lena?".

"You'll have your lunch meeting with Mr. del Rio by 12 sa Manila Pen.", sabi pa nito

He nodded and looked at his wristwatch. May isang oras at kalahati pa siya. Enough time to travel without being late. Naihanda na ni Lena ang kanyang mga kailangan.

Hindi na niya isinama ang sekretarya dahil hindi naman iyon formal meeting. The del Rios are family friends at mas gusto niya ng hands on sa mga ilalathala nitong proposals for their conpany's network security.

Ng makapasok pa lang siya ng Manila Pen ay marami na ang bumati sa kanya. Mula sa lobby ay inescortan siya ng ilang mataas na tao sa hotel hanggang makarating siya sa ipinareserve ng delRio na upuan.

Napaaga siya ng kaunti kaya naman plano sana niyang pumunta sa banyo ng matigilan siya.

Hindi alam ni Zac kung namamalikmata lamang siya o totoo ang kanyang nakikita.

Kahit ilang taon niya itong hindi nakita ay kilalang kilala pa rin niya ang babae gaano man ito kalayo.

She was smiling and talking to a man na nakatalikod sa kanya.

Matinding sakit ang kanyang naramdaman lalo ng kanyang makita na may hawak itong isang batang sa tantiya niya ay may apat o limang taon.

She looked at the child and sweetly smiled bago ito nagpaalam sa lalaking kausap nito at umalis.

Gusto sana niyang sundan ito. Ngunit tila ipinako siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin ay nanatili lang siyang nakatayo doon.

Mas nagulat pa siya ng sa pagharap ng lalaking kausap nito ay si Carl DelRio iyon.

Nakangiti itong lumapit sa kanya.

Ang alam niya ay ikinasal ito sa huwes ng may ilang linggo na ang nakakaraan at plano uling magpakasal sa simbahan sa susunod na buwan. He received an invitation at ngayon siya nagsisisi na hindi niya binasa ang pangalan ng papakasalan nitong muli.

"Carl.".

"Pre. Lagi ka talagang maaga sa usapan.".

He shrugged. "We have business to run.".

Tinanggap niya ang pagkamay nito at sabay silang umupo.

"Was that your wife?", diretso niyang tanong sa seryosong mukha.

Twin House (COMPLETED) 🌟 🌟 🌟 🌟 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon