♡Chapter 9♡

201 9 1
                                    

Chapter 9

"Shantal, pwede mo ba kong ipagdrive sa station?".

Kunot noong napatingin siya dito habang nililinis ang pinagkainan nila.

"You'll still work in your condition?".

"Yeah. From station diretso kami sa Filinvest. Isang mall lang naman for this day.".

"So plano mo kong gawing driver slash nurse slash alalay ganon?".

Bahagya itong ngumiti at napakamot sa batok. "Makakapagdrive naman ako, pero sa kundisyon ko, hindi ko nga lang alam kung makakarating ako doon ng ligtas.".

Aba't nangunsensiya pa ang luko.

Napahinga siya ng malalim at nag-isip. Sa huli ay hindi niya matiis ang lalaki at sumuko.

"Fine. Anong oras ba tayo aalis?".

He widely smiled and hold her hands. "Thank you.", sabi pa ni Zac na nagpahugot ng kanyang hininga. 

My God.

"Aalis tayo in an hour.".

"In an hour? Bakit ngayon mo lang sinabi?".

Nakita niya ang nahihiya nitong ngiti at ang pagkamot nito sa ulo.

She just rolled her eyes and shook her head.

"Fine.. fine.  Kaya mong mag-ayos?", muli niyang tanong ng hindi ito sumagot.

Tumango ito. Ilang sandali pa ay may sumilay na nanunuksong ngiti sa mga labi ng lalaki.

"Or else, gusto mo akong bihisan. Pwede naman natin yang pag-usapan.".

Nahampas niya ang kamay nito at napatuwid ng tayo.

"Magbihis ka mag-isa.", singhal niya bago niya ito tinalikuran ay nagmartsa pauwi sa kanyang bahay.

NAIINIS na napatingin si Shantal kay Zac na hindi napigilan ang malakas na pagtawa ng makita siya.

"Ako ang artista, pero bakit ganyan ang itsura mo?", he amusely asked.

She's wearing an all black outfit from her fitted shirt to her pants. May suot din siyang mahabang itim na wig at malaking salamin na halos masakop na ang kanyang mukha. Hindi pa siya nakuntento doon at nagbalot pa siya ng malong sa kanyang mukha.

She hissed and pouted.

"I don't want to be seen with you.".

Agad rumehistro ang sakit sa mukha nito na nagpangiwi sa kanya.

"Wa...what I meant was..", Fuck, nauutal ba siya?. "I don't want to be beaten by your fans, mahal ko pa ang buhay ko.", aniya.

He smirked and moved closer. Napasinghap si Shantal ng walang babala siya nitong hawakan sa kanyang baywang at hapitin palapit sa katawan nito.

"Sa tingin mo naman ba papayag akong may manakit sayo?".

Napalunok siya sa kaseryosohan sa boses ng lalaki. Hindi talaga kaya ng puso niya lalo na kapag ganoon ito. Her heart was beating like crazy at ang tuhod niya ay tila nanlambot kaya naman napadiin ang hawak niya dito.

"Ba.. bakit kailangan mo pa kong yakapin?", napalunok niyang tanong. Yes, she was literally in his arms. Nakakaramdam din siya ng tila napakaraming paruparo na naglalaro sa kanyang tiyan.

Nakita niya ang pagbaba ng tingin nito sa kanyang labi at muling pagbalik niyon sa kanyang mga mata. She gasped seeing him sensuously licked his lips while closing their distance. Ngunit ng gahibla na lang ang mukha nila sa isa't isa ay mapanuksong ngumisi ang lalaki at lumayo sa kanya.

Twin House (COMPLETED) 🌟 🌟 🌟 🌟 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon