Chapter 8
Magaan ang pakiramdam na nagising si Shantal kinaumagahan. Mayroon pa nga siyang magandang panaginip na dahilan ng pagngiti niya.
She smiled and opened her eyes. Ngunit ang kanyang ngiti ay napalitan ng pagkagulat ng dahil sa kanyang mga nakikita.
She was lying in a bed with a man she barely knows. She gulped. Her arms wrapped around him as he was on hers na tila takot silang makawala sa isa't isa. Breath in breath out. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili. Hindi niya matandaang tumabi siya sa lalaki. She bit her lower lip frowning. Kailangan niyang makawala dito.
Payapa pa ring natutulog ang lalaki ayon sa banayad nitong paghinga na tumatama sa kanyang ulo, nakasubsob ang kanyang ulo sa leeg nito at ang kanyang mukha ay nakatapat sa dibdib ng binata.
Dahan dahan niyang inalis ang kanyang kamay na nakayakap sa lalaki at sinimulang tanggalin ang braso nito sa kanyang baywang. Ng matanggal iyon ay itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin dito. He's still sleeping. Good.
Halos hindi humihinga ang ginawa niyang pagkilos at pag-alis sa tabi nito ngunit ng nagawa niyang makatalikod makalipas ang ilang sandali ay muli na naman siyang nakulong sa mga maiinit nitong bisig.
Isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Zac ngunit napakunot ang kanyang noo ng makitang tulog na tulog at bahagyang naghihilik pa ito.
She sighed.
Inalis niyang muli ang braso ni Zac at tangkang uupo ng sa ikalawang pagkakataon ay nakulong siyang muli sa mga bisig at ngayon ay binti ng lalaki.
She gasped.
Bwisit. Bulong niya dahil sa inis. Ng muli niyang tatanggalin ang mga braso nito ay napairit si Shantal ng umikot siya at mapaibabaw na sa lalaki.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla at doon niya naramdaman ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ng binata dahil sa pinipigilang tawa.
She opened her eyes and glared at him.
"Ang aga aga nambubuwisit ka.", doon niya sinimulang hampasin ng paulit-ulit sa dibdib ang lalaki dahil sa inis at pagkapahiyang nararamdaman.
"Ouch, ouch, sorry.", ngunit hindi ito mukhang nagsisisi dahil nakangiti pa ang huli. Lalo siyang naasar na pinagpatuloy lang itong hampasin.
Ipinatong ng lalaki ang palad nito sa kanyang batok at isinubsob siya sa matipuno nitong dibdib.
"I'm sorry. I was just amused with what you were doing.", hinging paumanhin ng lalaki sa tonong tila nagpapatahan ng batang inapi.
Nanatili silang tahimik ng ilang sandali at wala siyang ibang naririnig kundi ang paghinga nito at ang mabilis na pagtibok ng puso.
That was when she realized how awkward their position was. She was on his top feeling almost all of his. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa mukha nito na wala pang isang dangkal ang layo sa kanya. Panic arose as she felt him under. Nanlalaki ang mga matang tila nakuryente siyang gumulong na napaupo sa gilid nito at napatakip ng mukha. My God. She felt his.....
"I'm sorry, sweetheart. Ganyan talaga kaming mga lalaki sa umaga.", he teased.
Kung nakamamatay lang ang tingin ng babae ay kanina pa ito wala. She glared at him and clenched her fist.
Pasalamat ito at may sakit pa ito. Naramdaman niya ang init nito ng magdikit ang kanilang mga katawan.
Inirapan niya ang binata at walang sabi sabing nilayasan ito.
BINABASA MO ANG
Twin House (COMPLETED) 🌟 🌟 🌟 🌟 🌟
General FictionBlaze Zackary Gaston ♡♡ Siya ang pinakasikat na artista sa kasalukuyan. He love the limelight. He love girls, sexy girls. He found this subdivision na unang tingin pa lamang niya ay minahal na niya. Tahimik. Malayo sa magulong lungsod at polusyon. M...