♡Chapter 16♡

191 9 0
                                    

Chapter 16

"Goodmorning sleepy head."..

Nagising si Shantal ng pugpugin siya ng halik ng kanyang kasintahan. She smiled at him and gave her a smack on his lips. Then she noticed him wearing an apron and a short without any shirt revealing his perfect muscles. God. what a view. Para tuloy siyang nagutom sa tanawing iyon.

"Good morning to you too pogi.", she answered. "You cooked?".

"Yep. It's almost 11. Let's have our breakfast. Or should I say brunch?".

Hindi nawawala ang ngiti ng lalaki. Yung ngiting sa tuwina ay nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Ano ba ang nagawa niyang mabuti para maramdaman ang ganitong kaligayahan?

Si Zac Gaston na mahal na mahal ng mga tao. Na sa libulibong babaeng nagpapapansin dito ay siya ang napili nito.

He offered his hand, pulled her up and hugged her tight. Napakasarap sa pakiramdam.

Tila fresh na fresh ito at lalong bumata sa gulu gulo nitong buhok.

"Hmm.", he moaned while feeling her softness inside his arms. "What good did I do to deserve you..".

Shantal laughed.

"Hmm?", tanong ng binata sa naging reaksyon niya.

"Yan na yan kasi ang iniisip ko.", sagot niyang ginantihan ng yakap ang lalaki na inilapat pa ang mukha sa dibdib nito. "Anong nagawa ko ... to deserve someone like you.".

"I love you, Shantal.", naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo at ang masuyong paghagod nito doon.

"I love you too.", she answered.

"As much as I would like you to stay here in my arms . lumalamig na ang pagkain. Come on, babe. Baka ikaw pa ang gawin kong breakfast nito.".

She smiled. "Alright. You go first. Mag aayos lang ako.".

Ng makalabas ito ay agad siyang tumuloy sa banyo. She washed her face and brushed her teeth. Nagsuot lamang din siya ng tshirt ng binata at sumunod na dito.

Pagbaba niya sa komedor ay nakita niya ang pagtitig nito sa kanya at tila nahihirapang umungol.

"You're killing me.".

She giggled. "Sorry.", she quickly looked at herself. "Hindi ko pa nalalabas sa maleta mga gamit ko.".

"Really?", he smirked raising an eyebrow.

"Yes, really.", umiling siya at umupo sa harap ng lamesa na may plato na inihanda nito. "Come on. Let's eat. I'm famish.".

In all fairness ay masarap ang luto ng binata. Napasarap tuloy siya ng kain na ikinatuwa naman ni Zac.

"How was it?", he confidently asked.

"Masarap.".

Kitang kita ang galak sa mukha ng binata na itinuon na ang atensyon sa pagkain.

"Pwede na mag-asawa.", biro pa niya.

then he grinned and looked at her.

"Really?", nagliwanag ang mukha nito na tumingin sa kanya. " Will you marry me, then?".

Halos magkandasamid-samid si Shantal dahil sa narinig. Thank God she covered her mouth in time. She accepted the water he offered to clear her throat and gave him a sharp look with her eyes.

"Pwede ba Zac. Huwag kang magbiro ng ganun.", daing pa niya dahil sa sumakit na lalamunan

"Sino nagsabing nagbibiro ako?".

And she stopped. His face is indeed deadly serious that saddened her real time.

Ibinaba niya ang baso at iniwas ang tingin mula sa mga mata nito.

"Pero, halos kakakilala pa lang natin.", halos pabulong niyang sabi.

"Yes.", he hold her hand and press it lightly.. enough to let her feel his flowing emotions. "That moment I realized I love you. I know you're the one and the only one that I want to be with in my lifetime.".

"Pero aalis ako. I don't know when I'll be back.", or if I'll be able to go back. malungkot niyang dugtong sa isip.

"Kahit ganong katagal. Maghihintay ako.", he said, gently lifting her face with his hand.

"Baka hindi mo ko mahintay. Baka may makilala ka.. may mas mahalin ka na iba. Ayokong itali ka sa hinaharap na walang kasiguraduhan, Zac.".

He was hurt. She can see that.

"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sayo?".

Naumid ang dila ng dalaga dahil sa hinanakit at galit sa boses nito. It was the first time he showed her anger. Yung galit na totoo.

He excused himself and walked out. Leaving her with sadness in her heart. What have I done. She cried.

🌺🌺🌺

Lumipas ang maghapon ay hindi bumalik si Zac. Nag-aalala niya itong hinanap sa labas ng bahay, sa gilid ng dagat, sa malalapit na mga resorts ay hindi niya ito nakita. It's almost 6 pm ay wala pa rin ito. Shantal sat on the white sand facing the ocean. Napakaganda ng paligid lalo na ang araw na unti unti ng bumababa at nagbibigay ng magandang kulay sa langit. Nakakalungkot lang na wala sa tabi niya ang binata upang pagmasdan iyon.

Niyakap niya ang kanyang mga tuhod at tumungo doon. Naramdaman na lamang niya ang mga masaganang luhang dumaloy mula sa kanyang mga mata.

Kung alam lamang niyang ganun ang mangyayari ay hindi na sana siya bumalik pa.

Tama ba ang ginawa niya?

Alam niyang masasaktan niya ito sa pag-alis niya. Ngunit hindi niya alam na mas malaki ang impact niyon sa kanyang sarili. Hindi totoong mababaw lang ang tingin niya sa pagmamahal nito. She was just afraid to hurt him more, more than what she can imagine. Natatakot siyang bigyan ito ng pag-asa na makababalik siya , dahil kahit siya ay hindi sigurado doon.

What now?

Naramdaman niya ang pag-upo ng isang bulto sa kanyang bandang likuran. Hindi siya nakagalaw. Naramdaman na lamang ni Shantal ang pagkakakulong niya sa init ng mga bisig na pamilyar na sa kanya.

"I'm sorry for leaving you like that. Nasaktan lang ako na ganun lang pala ang tingin mo sa nararamdaman ko. But I realized you're right. Masyado ka sigurong nabilisan sa lahat. But please understand that I am also serious. I love you. At kahit ganitong mabilis. I know that you're the right one for me.".

Pinunasan niya ang mga luha at umupo patagilid dito. She held his hand in her palms and put her forehead on his shoulder. "I'm so sorry, Zac.". She whispered almost without a sound. She slowly raised her head and pressed her lips to him. Ng inilayo niya ang mga labi niya dito ay isang desisyon ang kanyang nabuo.

"Let's get married.".

Twin House (COMPLETED) 🌟 🌟 🌟 🌟 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon