Chapter 13
Napakunot ang noo ni Shantal ng tila nilalaro lamang ni Zackary ang hinanda niyang pagkain para sa kanilang hapunan.
"Hey, don't play with your food.", saway niya ng hindi na makapagpigil.
Tila may topak ang kanyang pasyente dahil kanina pa siya nito hindi pinapansin. Ayun nga at kinunutan lamang siya nito ng noo at madilim ang mukhang ipinagpatuloy ang pagkain.
Nagbuntong hininga si Shantal at kumain na rin.
"May problema ba tayo?", inis niyang tanong. She rolled her eyes when he just looked at her.
"Fine.", inis na ibinagsak niya ang kanyang kutsara at padabog na tumayo. "If you don't wanna talk to me, then fine.", naiiyak na siya sa inis at ayaw niyang maluha sa harap ng lalaki. Tinalikuran niya ang lalaki at dirediretsong naglakad palabas ng bahay nito. Akala niya ay okay na sila. Umamin na siya na gusto niya ito. Ngunit ngayon ay tila siya hangin sa mata ng binata.
Padabog din niyang binuksan ang pinto at nagulat pa siya ng may lalaking nakatayo doon.
"Hi. Nandiyan ba si Blaze?", nakangiting tanong ng kanyang nabungaran.
Lalong nangunot ang kanyang noo sa tanong nito.
"Si Zac pala.".
"Who are you?", tanong ni Shantal dito.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya at nangamot ng ulo ng mapansing hindi man lamang nangiti ang babae.
"I'm Alex. His cousin.".
She sighed and gave way.
"Nakain siya sa loob.", tinanguan niya ito at umalis na doon.
"Woah couz. That sexy beautiful red head is your neighbor?".
Napalingon siya sa nagsalita at nakita ang palapit na pinsan.
Zac looked at his food ignoring him.
"What happened? Mukhang masama ang mukha ninyong dalawa.".
Hinila nito ang upuan na binakante ni Shantal at doon umupo.
Kumuha ang lalaki ng homemade fish fillet ng dalaga at isinubo iyon.
"Hmm. So?", taas ng kilay ng pinsan habang nanguyang nakatingin sa kanya.
"I can't understand her.".
Panimula niya, tumingin siya sa pinsang si Alex na noo'y nakataas ang mga kilay na naghihintay dugtungan ang sinasabi niya.
"I can feel that she likes me. But she's not ready to be with me. I mean, publicly.", he sighed.
"Mahirap nga yan pre. So ano? Friends with benefits, ganon?", dirediretso nitong tanong.
Umiling siya.
"No."
"No or not yet?".
Umiling siya at bahagyang ngumiti."She's not that kind of girl.".
"In love.".
Napakunot ang noo ni Zac ng makitang sunud sunod ang ginawa ng pinsang pagsubo at pagnguya..
"Hey, that's mine.", pigil niya dito dahil nakitang mauubos na nito ang pagkaing inihanda para sa kanya. "Why are you here anyway?".
"Grabe, hindi ko ba pwedeng dalawin ang pinsan kong may sakit?".
"Huwag mo na kong lokohin. Hindi ka pupunta dito kung wala kang sasabihing importante.".
Binigyan siya nito ng kakaibang ngiti sa labi at inilapag sa lamesa ang isang sobre.
"From tito.".
Tinitigan lamang niya ang sobreng nilapag nito at tinignan muli ang nakangising pinsan.
"So tell me what's inside? Alam kong nabasa mo na ang laman niyan.".
Alex shrugged.
🌻🌻🌻
Hindi na bumalik si Shantal sa bahay ng lalaki matapos siya nitong ituring na tila hangin. Nagdaramdam siya dito. She cried when she left his house before.
She likes him, yes. But because of her situation ay hindi niya ito maaaring makasama. Una sa lahat ay ayaw niya itong madamay sa kanyang kapalaran, ayaw din niya itong masaktan oras na kailangan na niyang umalis at hindi na makabalik pa.
Sa tulong ng ilang mga kaibigan ay kailangan nilang sirain ang server ng mga tauhan ni Galves, siya ang kilala nilang boss ng sindikato na kumidnap sa kanila ng dalawang taon. Sa dalawang taong iyon ay marami itong mga ipinagawa sa kanilang mga kagamitan upang makapagnakaw sa ibang tao.
Iyon ang parte ng kanyang buhay na ayaw niyang maalala. She once became a criminal kahit na biktima lamang din siya.
May tatlong araw na niyang hindi nakikita ang lalaki.
Ginusto niya iyon kaya malungkot man ay kailangan niya itong tiisin.
Shantal smiled one afternoon while watching the showbiz news. The headline was about Zackary Gaston and Margo Sanchez. The actor's name was cleared when a wiretapped conversation with Margo and her friends were publicized.
Noong una ay tumanggi pa ang kampo ng aktres. However, her voice was clear at pangalan nito ang ilang beses na binanggit ng kausap. It was very clear in that conversation that she was faking her pregnancy upang makuha ang atensyon ng binata at para masira ito sa publiko dahil sa lantarang pagtanggi ng lalaki sa kanya.
Papatayin na sana niya ang TV ng ang mukha ni Zac naman ang sumunod na bumungad sa isang live interview.
Ibinaba niya ang remote control at nanatiling nakatitig sa screen.
She smiled while looking at his smiling face.
Natutuwa siyang makitang wala na itong sakit at masayang humarap sa camera.
Ngunit napakunot ang kanyang noo ng marinig ang sinasabi nito.
"May nagpapatibok na ba sa pihikang puso ni Zackary Gaston?", narinig niyang tanong ng host.
"I met someone.", he smiled showing his dimples na nagpakilig sa mga audience sa studio. "She's very unique.".
"This someone.", quoted by the host. "Is she someone we know?".
"No, she's a very private person. Gusto ko mang ipagsigawan ang pangalan niya, but she will not let me.".
Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa bawat segundong nakikita niya ang mukha nito doon.
"Do you love this someone?".
"Yes.".
Doon nagsigawan ang mga tao sa studio. Kita ang reaksyon at kilig ng mga tao doon sa pag-amin ng binata.
Natakpan niya ang kanyang labi sa narinig. Pinabilis din ng rebelasyong iyon ang tibok ng kanyang puso na halos ikabingi na niya. Alam niyang gusto siya nito. Ngunit mahal? Namalayan na lamang niya ang masaganang mga luha na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. She was so happy and sad at the same time. Mahal niya rin ang lalaki. Ngunit alam niyang hindi sapat ang pagmamahal para maprotektahan sila.
Not now.
She definitely doesn't want him to be hurt. Ngayon pa ba?
BINABASA MO ANG
Twin House (COMPLETED) 🌟 🌟 🌟 🌟 🌟
General FictionBlaze Zackary Gaston ♡♡ Siya ang pinakasikat na artista sa kasalukuyan. He love the limelight. He love girls, sexy girls. He found this subdivision na unang tingin pa lamang niya ay minahal na niya. Tahimik. Malayo sa magulong lungsod at polusyon. M...