Chapter 2

12 3 0
                                    


Chapter 2


"Bakit? Saan ba dapat kita dadalhin?" Sabi nito at nagbaba taas pa ng kilay nya. Lalo akong kinabahan ng lalo pa syang lumapit sakin. 

"Ano ba talaga gusto mo?" Sabi ko kahit alam kong nanginginig ako. Lumayo ito sakin at humawak sa chin nya na parang may iniisip. 

"Hmm.. " tumingin sya sakin. "Ikaw" Natulala ako sa sinabi nya. 

"Ako? Pero bakit ako? Marami namang babae dyan. Bakit ako?" Tanong ko. 

"I don't know." Nakatitig lang ako sa kanya at saka ito tumingin sa paa ko. 

"I'll be back" tumayo ito . 

"Saan ka pupunta?" Tanong ko. 

"Bakit? Mami-miss mo ko?" Ngumisi pa ito at agad akong napalunok. 

"Ba-baliw!" Tumawa lang ito. Kainis sya! Bakit ba sya ganyan? Baka mamaya- 

"Baka ano?" Hala! Napalakas ba ang pagsabi ko nun? Aish! 

"Wala" sabi ko at yumuko ako. Bigla nya akong pinat sa ulo at ginulo ang buhok ko na parang bata. "Ano ba!" Tinabing ko ang kamay nya pero nahawakan nya ito. 

"Let's go." Hinila nya ako patayo kaya nasubsob ang mukha ko sa chest nya. Damn! Ba't ang bango nya?

"Mamaya mo na ako amuyin." Sabi nya. 

"Huh?" Ngumiti ito ay para bang nahook agad ako sa ngiti nya. Ano bang meron sa ngiti nya ha? Sabihin nyo nga? 

"Ehem!" Napalingon kami sa babaeng tumikhim. 

"Cheska?" Agad akong napalayo kay Clifford. Napatingin ako kay Clifford at nakatingin na ito sakin. Sino naman ang babaeng yan?

~*~


Napatulala ako sa babaeng lumapit kay Clifford saka ipinulupot ang kamay nya sa braso ni Clifford. Masamang tingin ang ipinukol nito sakin. "Cheska, si Klee." Pakilala ni Clifford. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya pero imbes na makipagkamay ito inirapan lang ako.

"Cheska!" Pagsaway ni Clifford

"Fine. Cheska."

Nakipagkamay ako sa kanya pero hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya at ngumiti ako ng sarcastic.

"Aray ha." Ngumiti rin ito ng sarcastic saka ko binitiwan ang kamay nya.

"Cliff, sino ba sya?" Tanong niya. Tumingin uli ito sakin at ngumiti ako ng sarcastic.

"She's my girlfriend" napanganga ito at tinignan ulit ako saka lumapit si Clifford sakin at hinawakan ang kamay ko.

"She's mine" sabi nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako napangiti sa sinabi nya.

"What?" Ngumiti ulit. "Matagal na tayong tapos Cheska. So please, stay away from us"

Then hinila na ako ni Clifford paalis ng clinic. Habang hila hila nya ako napatingin ako sa kanya saka ako naglakas ng loob para hilain ang kamay ko.

"Bitawan mo na kasi ako" sabi ko ng hindi nya binitiwan ang kamay ko.

"Hindi kita bibitawan" napatigil tuloy ako sa pag hila ng kamay ko dahil sa sinabi nya.

"Ano?" Sabi ko

"Wala" saka nya ako hinila ulit. Hindi na ako pumalag pa. Nakarating kami sa parking lot.

"Sakay" utos nya

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Binuksan nya ang front door.

"Sakay sabi e" tinignan ko sya . Matagal akong napatitig sa kanya at napabitaw na sya sa pinto ng kotse.

"What?" Tanong nya

"Wala naman" sabi ko. Lumapit ito sakin at napaatras ako pero wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa kotse.

"Ba-bakit?" Tanong ko

"Sasakay ka ba" Lumapit pa ito saakin hanggang sa ang lapit na nya sakin. Lalo pa itong lumapit sa akin. Kinakabahan ako sa maari nyang gawin. Doble doble ang kaba ko nang bumaba ang tingin nya sa labi ko kaya napalunok ako.

"O hahalikan kita." Mas lalo akong napalunok sa sinabi nya.

"Or.. Maybe next time" lumayo sya sakin at tumalikod na. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Pero mali ang ginawa ko o talagang ganyan lang sya. Hinawakan nya ako sa nape ko saka nya ako hinalikan. Nagulat ako sa ginawa nya at parang sa isang iglap nalulunod ako sa halik nya. Hinawakan nya ako sa likod para pang support kasi feeling ko din, matutumba ako. Syet! Bakit ako napapikit?! Napadilat ako at saka ko lang sya itinulak at sinampal ng malakas.

"Bastos!" Napahawak ito sa pisngi nya saka sya ngumiti.

"You're mine. Mine." Napaawang ang panga ko saka nya ako iniwang nakatulala.


Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon