CHAPTER 4

3 2 0
                                    


=CHAPTER 4=


Lumabas kami ni Andrea at hinarap si Rafa.

Nakatalikod ito ng lumabas kami.

"Sorry, natagalan kami" sabi naman ni Andrea.

Tumingin sakin si Rafa. Sana lang hindi nya mapansin na kagagaling ko lang sa pag iyak.

"Umiyak ka ba?"

Magsasalita na sana ako ng si Andrea na ang nagsalita.

"Hindi kasi makatulog yan kagabi, kaya nag movie marathon na lang kami"

Ngumiti ako at sumang ayon na.

"So, let's go? Malapit na magsimula ang shoot" sabi ni Rafa.

Sinabi namin na mauna na lang sya.

Bumalik kami sa kwarto para kunin ang copy ng event.

~

Malapit na silang magsimula ng makarating kami.

Tinulungan na namin sila mag ayos. Kanya kanya na kami ng mga ginagawa.

"Klee, ikaw na lang kumuha ng mga flowers kay Caryl, nasa kabilang tent sila"

Pumunta na ako sa kabilang tent upang kunin ang mga flowers na gagamitin ngayon.

Naabutan ko roon si Caryl na inaayos ang mga bulaklak na kukunin ko.

Lumapit na ako para kunin ang isa ng makita kong pumasok ng tent si Ford.

Nagka tinginan kaming dalawa.

Ako ang unang umiwas ng tingin. Kinuha ko na ang ilang bulaklak ngunit may mga naiwan pa.

"Tulungan na kita" pagpresinta ni Ford. Hindi ako tumugon at tanging yuko lang ang isinagot ko.

Nauna na akong lumabas ng tent at sumunod naman sya.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong nya.

Tumingin ako sa kanya. "Oo," sagot ko.

Muli akong tumingin sa dinaraanan.

"Sorry pala kung, natulugan kita"

"Wala yun, okay na sa'kin na nakasama kita"

Biglang lumapit si Rafa sa'min at kinuha ang hawak kong mga bulaklak.

"Salamat. Nakapag simula na sila?" tanong ko kay Rafa.

"Hindi pa, ilalagay na lang 'to"

Tumingin ako kay Ford.

"Mag usap na lang tayo mamaya" sabi ko saka ko sila iniwan.

Nung tumingin ako muli sa kanila, parang hindi maganda ang tingin nila sa isa't isa.

Nung nagsimula na ang shoot abala ako sa pagsasa ayos ng mga designs and petals kasama si Andrea.

"Ano'ng pakiramdam na kasama mo ngayon ang ex mo?"

Napatingin ako sa likod. Si Nathalie na naman. Bakit ba ang init ng ulo nito sa'kin?

Lumingon ako sa kanya at ganun din si Andrea.

"Ano ba'ng problema mo kay Klee? Kung wala kang magawa sa buhay, wag kami ang pakialaman mo"

Bigla akong hinila ni Andrea pero pumiglas ako.

"May sasabihin ako sa kanya" humarap ako kay Nathalie.

"Speak up, ano ba'ng gusto mong sabihin? I'll give you more time"

Ngumiti ito ng sarcastic.

"Ang landi landi mo kasi. Akala mo kung sino, malandi naman pala"

Hindi ako nakapag pigil at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

"If you don't have nothing to say important, just shut your filty mouth." tinaasan ko sya ng kilay saka ako lumapit sa kanya at bumulong sa tenga nya.

"Humanap ka na lang ng kausap na makikinig sa'yo"

At tuluyan na namin syang iniwan.

"Flirt!" narinig ko pang sabi ni Nathalie.

"Buti ginawa mo yun sa kanya" tumawa naman si Andrea.

"Klee, pwede ba tayo mag usap?" napatigil kami ni Andrea sa biglang pagsulpot ni Ford.

"Sige," sabi ko.

Naglakad na kami parehas pero ang nakakagulat kasi dito rin kami nagpunta kagabi.

Biglang huminto si Ford. Kaya nagtaka akong tumingin sa kanya.

"Ano ba'ng meron?" tanong ko. Hindi sya sumagot. Tumingin sya sa'kin at ngumiti.

"Hoy, Ford, hindi ako nakiki pagbiruan ah" Lumingon ito sa may likod ko kaya napalingon din ako.

Napahawak ako sa kamay nya ng biglang dumilim.

Narinig ko pa ang mahinang tawa nya.

"Ford! Ano ba 'to?!" Napapikit ako at mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit sa kanya.

Dim lang kasi ang mga lights dito. Kaya kapag na off na ang mga lights aakalain mong gabi na.

"Relax, I'm here naman" Naramdaman ko ang kamay nya sa balikat ko.

Dumilat ako at sa pagdilat ko ang liwanag na ng paligid.

Sa gitna naman, may isang table for two at ang kinatatayuan namin ay may mga nagkalat na rose petals.

May mga nakasabit din na origami, may iba't ibang hugis.

"Wow" tanging nasabi ko.

"Do you like it?"

Tumingin ako kay Ford na nakangiti.

"Sobra. Ang ganda nito"

Nawala ang pagkakahawak ni Ford sa balikat ko na sya namang paghawak nya sa kamay ko.

Napatingin ako sa kamay nya. Ano'ng ginagawa nya?

"Klee, I know nasaktan kita. Last night was my most memorable moment with you.. Kaya naman,"

Lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Ni hindi ako makatingin sa kanya.

"Masaya ako kagabi na pumayag ka, but that night, I realize na.. Hindi ko pala kaya.. Ayoko na ulit mawala ka sa'kin. Yung 2 years na wala ka, my life was suck. I drunk every night, because of a mistake that I did. And I still love you, Klee.."

"Ano'ng sinasabi mo?" tanong ko.

"Umaasa akong papayag ka. So, pwede ba kitang.. ligawan ulit?"

Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi nya.

He asking me now na kung pwede sya ulit manligaw. At naisip ko, wala palang ligawang naganap sa'min noon.

"Oo." Nakangiting sabi ko.

Bigla nya akong niyakap.

Ang mga mata ko na puno ng luha. Masaya ako na pinagbigyan ko ang sarili ko sa gusto ko. Na hindi ko na kailangan pang pigilan ang gusto ko.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. Ngumiti sya sa'kin at pinunasan ang mga luha ko.

"Ford, Kahit hindi na kailangan."

Nagataka naman sya sa sinabi ko kaya napakunot sya ng noo. Kinurot ko ang pisngi nya.

"Mahal pa rin kasi kita, kaya you don't need to court me kung doon din ang papunta.."

Lumawak ang ngiti nya at muli akong niyakap.

"Basta don't waste this chance, Clifford" Bulong ko habang magkayakap kaming dalawa.

Okay na okay na ako.

Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon