EPILOGUE

4 2 0
                                    


LOST CHAPTER

A Memoir

Ford's

Hindi ko alam kung saan ko s'ya hahanapin. Lahat na ng posibilidad na puntahan n'ya napuntahan ko na.

I try to reach her phone pero walang sumasagot. Naka-off ito.

Love, akala ko ba lalaban ka? Bakit pati ako sinukuan mo na? Hindi naman kita iiwan, sasamahan kita sa mga araw na hindi mo na kaya.

Dalawang buwan, pero wala pa rin akong alam kung nasaan at kumusta na s'ya. Even Andrea, hindi rin alam kung nasaan s'ya. She's been looking for you-I've been looking for you.

Until this day, Jane contact me and said na sasabihin n'ya kung nasa'n ka.

Dumating akong natutulog ka. Unconcious ka daw.

Napaupo ako at mabilis kitang hinawakan sa kamay. Ang payat mo na, love. Pag gumaling ka, kumain ka ng marami para tumaba ka.

Napayuko ako at napaiyak dahil sa kalagayan mo. If they think that men don't cry, almost a broken man does.

Gusto kitang yakapin ng mahigpit pero masyadong sensitive ang balat mo.

I promise, I won't leave you again. Promise me too, gagaling ka. I will marry you


1-The Final Goodbye

Third Person's POV

Matagal siyang nakatitig sa kanyang pala singsingan.

Tila ba gusto n'yang maluha sa mga oras na ito.

Hindi maikakaila na ngayon pa lang, nami-miss nya si Klee.

Limang taon na pero wala pa rin malay ang dalaga, hindi s'ya umalis sa tabi nito. Dumating pa sa punto na pinakasalan n'ya ang nobya habang walang malay.

Araw araw niya pinagdarasal na gumaling na ito sa sakit. Ngunit kahit anong gawin n'ya. Wala nang magbabago.

"Tahimik ka na naman, Ford"

Napukaw ang atensyon nya ng umupo sa kanyang tabi ang kapatid ni Klee, na si Jane.

Tumingin ang dalaga sa kanya.

"Namimiss mo ba s'ya?"

Sa halip na sumagot ay tumango lamang ito.

Hindi n'ya napigilan ang mga luhang bumagsak sa kanyang mata.

"I'm sure masaya s'ya dahil tinupad mo ang gusto n'ya" ani Jane. "Gusto n'yang sa'yo s'ya maikasal. I'm glad na tinupad mo 'yun"

"Pangarap ko rin 'yan"

Yumuko si Ford at mabilis na pinunasan ang mga luha n'ya.

Napaangat ang ulo n'ya at tumingin sa babaeng nakaratay.


2-The Final Goodbye

Ford's POV

Nakita kong unti unting gumalaw ang mga daliri n'ya kaya napatayo ako.

Thank God, gumising na s'ya.

Mangiyak ngiyak kong tiningnan ang pagmulat ng mata nya.

Pagkamulat n'ya tumingin s'ya sa'kin, kahit na nanghihina pa s'ya.

The doctor told us na unti unti nang nalulusaw ang mga cancer cells ni Klee, and that's why five years s'yang nacomatose.

Mabilis ko s'yang niyakap at pakiramdam ko there's a part of me na nabuhay muli dahil sa muli n'yang pagdilat.

"Ang..higpit naman.."

Nakangiti kami ni Jane na tiningnan si Klee.

"S-sino kayo?" and it hurts na marinig na hindi n'ya kami nakilala.

"Maybe she's suffering from a selective memory loss, or It could be amnesia. She's in coma for five years and It may affect her memory to loss everything in the past five years." paliwanag ng doctor.

Muli kong tiningnan si Klee na kumakain at masayang nakangiti.

She's stable now but It really hurts na hindi n'ya ako makilala.


3-THE FINAL CHAPTER


Hindi pa rin n'ya ako matandaan pero alam ko na sa huli, maaalala rin niya ako. Nagte-therapy siya at laging ako ang kasama n'ya. Minsan bumabalik s'ya sa dati nyang ugali. Pero yun ang namiss ko sa kanya.

"Sino ka ba-err-ano ba kita?" kumagat siya ng sandwich na binigay ko sa kanya.

"Boyfriend mo 'ko-I mean, I'm your husband." malawak akong ngumiti.

"What?! Asawa kita?!" di makapaniwala nyang tanong.

"Oo love." ngumiti ulit ako, ngumiwi tuloy sya.

"'Wag mo 'ko ma-love love d'yan!" then iniwan n'ya ako, at mag isa n'yang pinaikot ang gulong ng wheelchair.

Napangiti tuloy ako.

"Silly, wife" naglakad ako at tinulak ko ang wheelchair. Tiningnan lang n'ya ako ng masama pero nakita kong lihim s'yang napangiti.

Ganito kami for six months habang may therapy s'ya at nagrerecover para madischarge sa hospital. Ganito man kami and I know marami pa kaming memories na gagawin ng magkasama. Kahit hindi n'ya maalala ang lahat, basta ang mahalaga, kasama ko si Klee Samonte Garcia.

=END

Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon