Chapter 4

13 4 0
                                    


Chapter 4

Huminga ako ng malalim saka ko naisipang sundan si Jhiro upang malaman ko kung bakit ganon ang sinabi nya.

May dala na rin akong first aid kit. Nakita ko syang nakaupo sa may garden ng university malapit sa college of law.

"Jhiro" tawag ko sa kanya

Lumingon ito sa akin pero mabilis din itong umiwas.

Lumapit ako at naupo sa tabi nya. "Gagamotin ko yan" pagkakuha ko ng cotton nilagyan ko ng betadine saka ko nilagay sa sugat nya.

"I'm sorry" sabi niya.

"Hindi kita maintindihan, bakit mo nga pala sinuntok si Ford?"

"I was mad at that time" paliwanag nya.

Inilapag ko na ang cotton saka ako tumingin ng seryoso sa kanya.

"Dahil lang galit ka kaya nanuntok ka? Ganun ba Jhiro?"

"Kasasabi ko lang diba? Nagalit ako sa kanya kasi-"

"Kasi ano nga?" Tanong ko

"Hindi mo na kailangan malaman pa" tumayo ito at balak ng umalis.

"Ano ba yong sinabi mo kanina na, hindi mo ako pinakawalan para paiyakin ni Ford? Jhiro"

"Hindi mo nga sabi naiintindihan"

"Pwes ipaintindi mo. I'm your bestfriend Jhiro. So please tell me, ano bang problema?"

Humarap sya sakin.

"Yan ang problema Klee, yang papel ko sa buhay mo. Hindi ko maintindihan kung manhid ka ba o talagang hindi mo naramdaman"

"Naramdaman ang ano?"

"Mahal kita Klee"

"Mahal.. Mo ako?" Napakurap ako ng ilang beses.

"Kailanman hindi mo naramdaman na mahal kita Klee"

Narealize kong may tumulo ng luha sa mga mata ko. Lumapit sakin si Jhiro at pinunasan ang luha ko. "Stop crying. Hindi ako nanunumbat"

Mabilis ko syang tinulak dahilan upang napalayo sya ng kaunti sakin.

"Kaya ka umalis? Kaya mo ko iniwan? Dahil lang sa hindi ko naramdaman na mahal mo ako?"

Nagpunas ako ng luha.

"Hindi mo alam kung paano ako nahirapan ng umalis ka Jhiro." Sabi ko.

Halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"All this time akala ko.." Mahinang sabi nya.

"Minahal din kita Jhiro"

Nagulat sya sa sinabi ko

"Pero huli na Jhiro, nakapag move on na ako" sabi ko

"Nabaon ko na ang lahat ng sakit, lahat ng pag iyak ko ng umalis ka. Lahat Jhiro"

Tuluyan na nga akong naiyak.

"Kontento na ako noon sa sitwasyon natin. I'm contented and happy Jhiro. But that was just before. Pero pinili mong umalis"

Napapikit ako saka ako nagsimulang naglakad. Lalagpasan ko na sya kaya kang hinila nya ako at niyakap.

"I'm so sorry" narinig ko na rin ang paghikbi nya.

Napapikit ako at sa pagmulat ko nakita ko si Ford na nakatingin samin.

Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong humiwalay sa yakap ni Jhiro.


~*~

Napatingin ako kay Ford at ganon din kay Jhiro. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. 

"Ford" tumingin ito sakin pero agad din tumingin kay Jhiro. Agad na sinuntok ni Ford sa Jhiro kaya agad akong sumigaw ng tama na. Tinignan nya lang ako. 

"Kapag akin. Akin" sabi niya kay Jhiro. Magsasalita pa sana ako kaya lang hinila na ako ni Ford. Nagpumiglas ako sa pagkakahatak nya pero sadyang malakas ito. 

"Ano bang meron sa inyo ng lalaking yon?" tanong nya. Huminga ako ng malalim. Dapat ba nyang malaman yong totoo? Pero wala naman kaming relasyon. Napayuko ako at nagsalita. 

"He was.. My first love" mapakla itong tumawa. "First love, huh" tumingin ako sa kanya. Lumapit sya at hinapit nya ako sa bewang palapit sa kanya. 

"Ayoko ng makitang magkasama kayong dalawa. Got it?" napatahimik ako dahil sa sinabi nya. Binitiwan nya ako saka umalis. 

"Hindi naman tayo, Ford" lumingon ito sakin at muling nagsalita. "Wala ngang maayos na usapan para maging tayo, pero ang alam ko. Masaya akong kasama ka".

Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon