CHAPTER 5

3 2 0
                                    


=CAHPTER 5=

Masaya kaming bumalik kung saan ang event shoot.

At hindi rin maikakaila ang ngiti sa sa aming dalawa.

"Saan kayo galing?" hindi kami nagsalita ni Ford sa sinabi ni Andrea.

Sumenyas naman si Ford na babalik sya mamaya.

Inayos ko na ang mga ilalagay na candles para sa shoot this night.

"Alam mo, may something sa inyong dalawa ni Ford. Wait, kayo na ba ulit?" Tumingin ako kay Andrea at ngumiti.

Sinundot sundot pa ni Andrea ang tagiliran ko dahilan para umusod ako.

"Kilig ka naman. I'm happy for you girl"

Ngumiti sya sakin. Napatingin ako sa kabilang tent at nakita kong kalalabas lang ni Ford.

Hindi nya ako napansin dahil siguro pabalik na sya ng rest house.

~

Nung nagdilim naman, nagtaka ako kung bakit pinag excuse muna ako ni Rafa sa gagawin.

Nakita ko naman si Ford na palapit sa'kin.

Hinawakan nya ako sa kamay at naglakad na kami. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero sa tingin ko kay Ford 'tong idea.

Bigla syang huminto at humarap sakin.

"I'm so lucky to have you"

Ngumiti na lang ako dahil sa sinabi nya.

Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Ang higpit naman ng hawak mo." tugon ko.

"Ayoko na kasing pakawalan ka"

"Bolero" natatawang sabi ko.

"Totoo nga kasi"

"Halika na, maglakad na tayo."

Nagsimula na kaming maglakad.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Secret" Tumingin ako sa kanya.

"Secret talaga?"

Gusto kong malaman kung saan ba kami pupunta.

"Oo nga, secret muna"

Hindi ko na lang sya tinanong ulit.

"Nandito na tayo" Napatingin ako sa paligid. Tanging nakikita ko lang isang table for two. Then sa may kanan may nakalatag na picnic mat.

Maganda naman ang place, puwede ka mag star gazing kasi open space naman.

"Para sa'n 'to?" tanong ko.

"For us" hinila na nya ako sa paupo sa picnic mat.

May kinuha sya mula sa bulsa nya. Small box with elegant design.

Ano kaya ang laman nyan?

Binuksan nya

at necklace na crescent moon ang pendant.

"Isusuot ko sa'yo."

He leaned forward at isinuot niya ang kwintas sa leeg ko.

"Thank you, Ford. Ang saya saya ko ngayon." nakangiting sabi ko.

Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito. Napatingin ako sa kanya.

"Mas masaya ako na-"

Napahinto sya sa pagsasalita ng sabay na nagring ang mga phone namin.

Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag ni Andrea.

"Hello? Andrea?"

"May problema dito, yung supply ng last batch ng mga bulaklak, hindi na madi deliver. So kailangan natin humanap ng bagong supplier"

"Sige. Papunta na kami d'yan. May kilala naman akong supplier kaya tatawagan ko na lang sya"

Pagkatapos namin mag usap ni Andrea, lumapit ako kay Ford.

"May problema kasi.."

Parehas kaming tumigil sa pagsasalita. Iisa lang pala ang gusto namin sabihin.

Nagsimula na kaming maglakad at sa pagbalik namin sa resort, lahat sila hindi na mapakali sa pag contact ng supplier namin ng bulaklak.

"Alam nyo naman na kailangan na natin ng bagong batch nito, bakit hindi nyo kasi sinecure"

Lumapit ako sa event manager namin. Pero parang sa akin nasisi ang lahat.

Naiinis kong naibato sa kama ang phone ko. Kanina ko pa tinatawagan at tine-text si Ford pero hindi sya sumasagot.

Hindi ko alam kung nasaan sya. Nakakainis din talaga yung isang yun. Minsan nagsasabi naman sya kapag may lakad sya or busy sya.

Umupo na lang ako at bumalik sa ginagawa ko.

Ngayon na hindi ako busy, hindi ko naman sya macontact.

Bahala sya sa buhay nya!

~

Three days had passed. At hindi pa rin kami nagkakausap ni Ford ng matino. Yung tipong matagal. As in hindi pa, pero inisip ko na busy lang sya sa trabaho.

"Lunch break nga, pero busy ka naman sa phone mo" ani Andrea.

Tinignan ko sya saglit at binalik ko na ulit ang tingin sa phone.

"Tinatawagan ko nga eh, hindi sumasagot" inis na sabi ko.

Puro out of reach ang phone nya.

Sumandal na lang ako at huminga ng malalim.

"Bahala sya sa buhay nya" bulong ko.

"Enjoying your lunch?" tumingin kami ni Andrea kay Rafa. Umupo sya sa katapat ko na upuan.

"Oo sana, kaso ito kanina pa nakasimangot"

Tumingin sa'kin si Rafa.

Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon