=CHAPTER 3=
Pagka alis nya ng room, agad akong umalis at nagpunta sa room namin ni Andrea.
Pagkasara ko ng pinto, sumandal muna ako dito.
"Kanina ka pa namin tinatawagan, naiwan mo pala ang phone mo sakin. Sa'n ka ba galing?"
Napatingin ako kay Andrea at nagtataka itong tumingin sa'kin.
"Ano ba nangyayari sa'yo? Nandito ka nga, pero wala naman yung isip mo dito"
"Nagkita kami" Naglakad ako papuntang kama at naupo.
"Sino?" Lumapit sa'kin si Andrea at tumabi.
"Si Ford"
"Ha? Pa'no na-"
"Sa'n yung copy ng proposal na binigay ni ma'am Leng"
Tumayo ako para hanapin ito.
"Nasa table lang" Agad kong tinungo ang table at kinuha yon.
Hinanap ko kung kanino namin ippresent ang proposal pero tanging representative lang ang nakalagay.
'Proposal represent to Mr. Clifford Garcia'
"What the?!"
"Oh bakit?" kinuha ni Andrea ang proposal at binasa.
Napahinga na lang ako ng malalim.
Mapagbiro talaga ang tadhana. Kahit ayoko ng ibalik ang mga sandali pero heto at tadhana ang gumagawa kahit ayokong maulit.
Naisipan naming lahat na tumambay muna sa seaside. Dala ang mga pagkain at inumin.
"Truth or Dare tayo, guys!"
Sumang ayon ang lahat sa suhestyon ni Caryl.
Sinimulan na nilang paikutin ang bote.
Huminto ito kay Allyson.
Pagkatapos nyang gawin ang dare ay muli nilang pinaikot ang bote.
Huminto ito sakin.
Truth ang pinili ko dahil ayoko naman ng dare.
Si Allyson ang magtatanong kaya lang sumingit si Nathalie.
"Mutual ba kayo ni Rafael?" Alam kong may pinanghu hugutan ang tanong nya.
Umangal sila sa tanong.
"Personal? Totoo naman na pinapa asa lang nyan si Rafa!"
"Nathalie, lasing ka na"
"Hoy babae. Kung wala kang balak paasahin si Rafa, gagawin mo syang rebound ganun?"
Nakayuko lang ako. Bigla akong hinawakan ni Andrea sa kamay.
"Hayaan mo na lang, halika na" sumang ayon din ako kay Andrea. Sumunod na si Rafa.
"Kasi ex mo ang anak ng may ari nitong resort" Natigilan ako sa paglalakad ng sabihin iyon ni Nathalie.
Maski silang lahat ay natigilan. Ayoko sana ungkatin pero sobra na.
"Ano bang problema mo?" bumitaw ako sa pagkakahawak ni Andrea.
"Ikaw ang problema ko, bakit kasi ang hilig mong paasahin si sir"
Nagtitimpi lang ako ng galit dito sa babae na 'to.
"Para sabihin ko sayo, hindi ko pinapaasa si sir, at ano naman kung ex ko nga ang anak ng may ari nito?"
Nakikita kong galit na ito kaya tumalikod na ako.
BINABASA MO ANG
Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]
RomanceTwo lonely souls in one situation brings them in a breaking heart. One mistake leads to one breaking apart. One decision leads them into second chance. Could second chances take? Season 1 and Season 2. COMPLETED STAND ALONE | SEASON 1 AND 2 | Origin...