Chapter 8
Nagpasalin salin ako ng tingin kay Jarren at Amber.
Ngumiti ng pasimple si Amber at kumapit sa braso ni Jarren.
Ano kayang meron silang dalawa?
Hindi naman maitatanggi na maganda si Amber. Kaya lang ang ugali nyang pinaka ayaw ko.
"He's actualy my boyfriend" ngumiti ito at nagtaas ng kilay.
Tinanggal naman ni Jarren ang kamay ni Amber sa braso nya.
"Mauna na lang kami" sabi ko. Tumingin ako kay Amber na ngayon ay ang sama ng tingin sakin.
~
"Kilala mo pala yon?" tanong naman ni Jhiro.
Patuloy lang kami sa paglalakad na hindi naman namin alam kung saan kami pupunta. Tumigil na lang kami sa field.
"Ah, oo kilala ko nga sya"
Naupo kami sa damohan.
"My most regret is.." tumingin sya sakin at muling tumingin sa buong field. "Hindi ko sinabi sayo noon pa"
"Jhiro, sorry rin kung hindi ko.. Nalaman agad" hinawakan ko ang kamay nya at tumingin ito sa bracelet sa wrist ko.
"Suot mo pala" nakangiting sabi nya.
Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito.
"I'll be happy for you, Klee" aniya.
Hawak-hawak ko ang cellphone ko at sinusubukang tawagan si Ford. Halos mahalughog ko na ang lahat ng maari nyang puntahan pero napunta rin sa wala.
Ibinagsak ko na lang ang phone ko sa kama at naupo.
Huminga ako ng malalim.
Hindi ko alam kung saang sulok ba nagpunta ang isang yon. Buong araw ko na syang hinanap.
Ford calling..
Agad kong sinagot ang tawag nyang yon.
"Oh?" walang ganang sagot ko.
"Love, bakit naman ganyan sagot mo?"
Aba! Tinanong pa nya kung bakit ganito ako ngayon? Samantalang sya itong hindi ko mahagilap.
"Tinatanong mo kung bakit ganito ako? Hoy Ford, kahapon pa kita tinatawagan tapos pinuntahan ko pa lahat ng pwede mong puntahan. Halos mamuti na ang mata ko sa kahihintay sa'yo. Pero ano? Anong ie-explain mo? Halos mag alala ako sa'yo!" mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Love," paglalambing nya.
"Ano?!"
"Sorry na"
"Sorry na naman? Alam mo sawang sawa na ako sa sorry na yan.." umiiyak na sabi ko.
"Love, please. Mag usap muna tayo"
"Ford, may tayong dalawa pa ba?"
"Love, sorry. Sorry talaga" humina na rin ang boses nya at para bang umiiyak sya.
"Stop it!" I cleared my throat at nagsalita. "Magpaliwanag ka na lang bukas" binaba ko na ang call at naupo. Habang walang tigil ako sa pag iyak.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko. I composed myself bago ko tinungo ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto, nasa labas si Ford.
Sinara ko agd ang pinto pero pinigilan ito ni Ford.
"Please? Love" huminga ako ng malalim at naupo.
BINABASA MO ANG
Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]
RomanceTwo lonely souls in one situation brings them in a breaking heart. One mistake leads to one breaking apart. One decision leads them into second chance. Could second chances take? Season 1 and Season 2. COMPLETED STAND ALONE | SEASON 1 AND 2 | Origin...