CHAPTER 1 #Season 2

5 2 0
                                    


~* Playing with Klee *~


=Season 2=

=CHAPTER 1=

NEW CHAPTER

Marami akong napag daanan dahil sa pag ibig. Saya, lungkot at sakit. Lahat naranasan ko.

Pero sa kabila ng lahat, natuto na ako sa pag ibig.

2 years had passed. At sa 2 years na ito, mas nag focus ako sa work. Hindi mawawala ang mga taong gusto akong makilala, pero sya, iba. Ibang-iba.

"Klee, tatlong buwan na syang nanliligaw, wala na bang chance?"

Tumawa na lang ako sa naging kumento ni Bea.

"Oo nga naman, Klee. Wala bang chance si sir?" pag sang ayon ni Andrea. Isa pa 'to.

"Tumigil nga kayo, ang bait kaya ng tao" natatawang sabi ko.

"Speaking of, andyan na sya" ngumuso pa si Andrea sa direksyon ni sir Rafa.

"Hi," medyo nahihiyang bati ni sir Rafa.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Here, para sa'yo"

Inabot nya sa'kin ang hawak nyang paper bag.

"Thanks, sir"

"I told you, Rafa na lang itawag mo sa'kin" nakangiting sabi nito.

Pagka alis ni sir, bulungan na ang narinig ko.

Paano ko ba sasabihin sa kanya?


"Klee, sigurado ka na ba?"

Ngumiti ako kay sir Rafa, dahil sa naging tanong nya.

"Oo, ayaw ko naman paasahin ka sa wala, Rafa"

Bumuntong hininga na lang sya. Pero bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Sorry,"

Pilit itong ngumiti.

"Can we still be friends pa naman 'di ba?"

Ngumiti ako ng sapilitan.

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Ayaw mo?" dismayadong tanong nya.

"Hindi naman sa ganon, ang akin lang, para kasing.. Ang awkward, parang ganon"

Mahina itong tumawa. Sa pagtawa nya ng ganon, napansin kong mas bagay sa kanya ang nakangiti.

"Hindi, hindi naman ako awkwarad. Kung iisipin mong awkward magiging awkward talaga" paliwanag nya.

Ngumiti ako sa kanya. Dahil naintindihan nya ang gusto ko.

~

"Ano? Pinatigil mo na sa panliligaw si sir?"

Sinamaan ko ng tingin si Andrea.

"Kakasabi ko lang 'di ba?"

Binaba nya ang mga damit na hawak nya.

"Awkward kayo nyan sa office"panghi hinayang na sabi nya.

"Nag usap na kami about dyan" sabi ko.

Bigla na lang nag vibrate ang phone ko.

Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon