Autor's note.
Si Dimiter nga po pala ang nasa picture.Yun lang po.
************************************
Chapter 4
Bianca's POV
Well nasa daan kami ngayon ni Dimiter papauwi. Tahimik lang kami ngayon sa daan. Traffic kasi kaya matagal tagal din kami bago makakauwi lunch time kasi. Maya maya pa ay naisipan kong tawagan na ang nga magulang namin na magpunta sa bahay . Kinuha ko ang cp ko para matawagan sila. Idinayal ko na ang number ng mama ni Dimiter si Tita Myla.
"Hello Tita myla?" Pang bungad kong tanong nang sagutin nya ang tawag ko.
"I'm guessing you want a reasonable explanation?" Tanong nya agad sakin. Sayang gusto ko sana sya tanungin ng 'kelan pa naging sagot ang tanong sa tanong?' Kaso magaling mamabara tong taong to eh kaya wag nalang.
"So should I already know the answer if I ask you to go to my house?" Tanong ko sakanya.
"Yes" simpleng sagot nya sakin. Alam ko naman na kung ano ibig sabihin non eh.
"Ok see you" pagpapaalam ko sa kanya sabay pagbababa sa tawag. Tumingin sakin si Dimiter. Itinaas nya ung kilay nya as if he's asking me 'what did he's mother say?'. I sigh.
"Their already at my house." Sabi ko at tumango lang sya. Itinuon na nya ang tingin nya sa daan na kasalukuyang medyo nawawala na ang traffic. Malapit na kami ngayon sa bahay. Ilang minuto pa ang lumipas ay nasa tapat na kami ng bahay. binuksan ng gaurd yung gate ng bahay namin at tuluyan na kaming pumasok. Nagpark kami sa may harapan wala naman kasing ibang pupunta pa dito. Bumaba sa sasakyan at pumasok na sa loob. Pag pasok namin nag greet agad samin ung mga maids at kinuha ung mga gamit namin. Nang maibigay na namin ang mga gamit namin sinabi nung isa sa mga maids kung nasaan sila. Ihinatid kami sa sala nung maid. Pagkaupo namin sa pang dalawahan na couch ay sinabihan kong umalis na ung maid at kumuha ng snack. Tiningnan ko ng mabuti ang mga magulang namin na kasalukuyang nakaupo sa long couch na naka harap sa pangdalawahang couch na inuupuan namin. Maya maya pa ay dumating na ung maid at naglagay ng tea at tea cups sa pabilog na glass table na nasa gitna ng dalawang couch. Naglagay rin sya ng isang buong cake na naka slice na. Pagkalagay nya nito ay sinensasan ko sya na umalis na. Pag katapos non ay naglagay muna ako ng tea sa baso ko nilagyan ko rin ung baso ni Dimiter, nag thank you naman sya, inalok ko ang mga magulang namin pero tumanggi sila. Tahimik lang silang pinapanood akong kumuha ng cake at ilagay sa plato ko. Humigop muna ako ng tea sa cup ko bago magsalita.
"So care to explain?" Tanong ko sa kanila habang humihigop kami ni Dimiter ng tea, pero tahimik lang si Dimiter.
"Bianca were sorry if we didn't tell you about our plans the truth is pag nakapag tapos na kayo ng high school staka palang namin kayo ilalabas sa publiko kaso may nangyari kaya napaaga" pageexplain sakin ni daddy.
"What happend?" Pagbabalewala ko dun sa sinabi nya na ilalabas nya naman daw talaga kami.
"It's........it's about your mom" sabi ni Tito Sam.
"What about her?" Takang tanong ko. Wait bakit wala nga pala dito si mommy.
"Look honey" nagpause muna si Tita myla at nagbuntong hininga.
YOU ARE READING
My Devilish Angel (Editing)
FantasíaIsang babae na may malaangel na muka at may malademonyong ugale ang madalas magpalipat lipat sa ibat ibang school. Ngayong kalagitnaan na ng school year lilipat uli sya nang school. Ito na kaya ang makapagbabago sa nya o maghahasik lang uli sya nang...