Bianca's POV
"Yes,welcome to my kindom,Aquertha"sabi ni Hunter.Dali dali akong lumabas para makita ang kabuoan ng kaharian.
Malawak,maganda at maaliwalas ang buong paligid.Maraming magagarbong fountain at marami ring bulaklak.
"Maganda ba?"rinig kong tanong ni Hunter sa gilid ko.Napatango nalang ako bilang sagot.Ilang saglit pa ay may dumating na na kawal.Nagbow muna ito bago magsalita.
"Magandang umaga po mahal na prinsepe pinapatawag na po kayo ng mga hari't reyna sa loob"sabi nito at umalis na.
"Lika na"sabi nito at nauna nang lumakad.Sumunod naman ako at nakita kong sumunod na rin sila Dimiter.
Nandito na kami ngayon sa parang kusina yata kasi may malaking at mahabang table at maraming upuan.Mukang mamahalin lahat ng kagamitan dito.Marami nang tao ng dumating kami dito.Muka silang mga hari at reyna.May roon ding mga teenager na mga prinsepe't prinsesa yata.
Nasa pinaka dulo ng table ang isang lalaki na mukang napaka lakas.Umupo na si Hunter sa isa sa dulong upuan at sinenyasan akong tumabi sa kanya.Pagkaupo ko ay nagsiupuan narin sila Kiell.
Nasa kanan ko ngayon si Hunter at sa kaliwa naman si Dimiter.
"Dimiter bakit ang daming tao?"bulong ko dito.
"Mga hari't reyna yan yung bata jan mga anak nila"sabi nya.
"Un sila mama oh"sabi nya sabay turo sa mga magulang nya.Napatingin naman dito sila tita at napangiti kaya napangiti na rin ako.
Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong lahat sila mga naka magagarbong kasuotan samantalang kami naka casual lang.Pansin ko ring.Ako lang ang hindi royal?! . Bigla namang nagsalita yung nasa gitna ng table.
"So,Now that everyone is here,let's start this meeting."sabi nya at tumingin sakin.Kitang kita kong nakatingin sya sakin kahit nasa dulo ako ng lamesa.Dahil nakatingin sya sakin ay tiningnan na rin ako ng lahat.
Halos puno tong table at kami ang nasa dulo.Well si Hunter ang nasa pinakadulo ako ang nasa tabi nya at sa kabilang side ko ay si Dimiter.Sa kabilang side naman ni Hunter ay si Kiell.
Ramdam kong hinawakan ni Dimiter ang kamay ko.Tiningnan ko sya at nginitian ako.
"Ms.Roux"pagtawag nya sakin.Napatingin naman ako sa lalaking nasa kabilang dulo ng lamesa.
"May balitang nagsasabi na hinihinalang ikaw raw ang nakatakdang warrior angel.Ito ba ay isang katotohanan?" Walang alinlangang tanong nya.
"Hindi po."deretsong sagot ko.
"At paano mo naman ito nasabi?"tanong nya uli.
"Unang una sa lahat--" napatigil ako dahil sa pag siko sakin ni Dimiter.Pinandilatan nya ako,hudyat na mali ang inasal ko.Kaylangan ko yatang maging magalang."I mean una po sa lahat ay wala akong kapangyarihan.Pangalawa po,kung ang katibayan nyo po ay ang pangyayari sa ospital,well I'm not the only person whose in that hospital and in that floor at that time.Hindi lang kami ni mama yon"sagot ko.Napatango naman lahat.
"Maari mo bang sabihin kung sino ito?" Tanong nung isang reyna.Tumingin ako saglit kay Dimiter.
"Isa po sya sa mga classmates namin pero nakalimutan ko po ang pangalan nya.Pasensya na po pero hindi ako magaling pagdating sa pagmememorya ng mga pangalan."sagot ko.
YOU ARE READING
My Devilish Angel (Editing)
FantasyIsang babae na may malaangel na muka at may malademonyong ugale ang madalas magpalipat lipat sa ibat ibang school. Ngayong kalagitnaan na ng school year lilipat uli sya nang school. Ito na kaya ang makapagbabago sa nya o maghahasik lang uli sya nang...