Chapter 13 Powers

2 0 0
                                    

Naglalakad ako sa gitna ng itim at puting daanan.Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito at bakit ako naglalakad.

Napatigil ako at tiningnan ang buong paligid.Sa kanan ko ay kulay puting kawalan at sa kaliwa ko ay kulay itim na kawalan.

Pinakiramdaman ko ang buong katawan ko.

Bakit hindi na masakit?

Napahawak nalang ako sa lalamunan ko dahil wala akong narinig na boses nung nagsalita ako.

Aaahhhh!!! Sigaw ko pero wala parin.Bigla nalang sumakit ang likod ko.Para itong hinihiwa.

Aahhhh!!! Sigaw ko ulit dahil masakit ang likod ko.

Fuck! I can't take it anymore!! Sigaw ko uli.Parang biglang bumigat ang likod ko at parang may nakakabit dito.Tumingin ako sa likod ako at nagulat sa nakita ko.

May pares ng pakpak na nakakabit sa likod ko.Unti unti namang nawala ang sakit ng likod ko.Sinubukan ko itong igalaw at nagawa ko naman.Unti unti na akong umangat hanggang sa nasanay na ako at nakalipad na ako ng mataas.

"Bianca..."tawag sakin ng isang boses.

Napatingin ako kung saan nanggaling yon pero puro puti at itim na kawalan lang ang nakikita ko.Bumaba ako sa gitna kung nasaan ang linya na naghahati ng puti at itm na kulay at inilibot muli ang paningin ko sa buong lugar.Wala akong ibang makitang tao.

"Bianca..."yumuko ako para makita kung saan nanggaling ang boses na iyon at tumambad sakin ang isang batang babae.Maputi,maganda,,may blue na mata,may kulay blond at kulot na mahabang buhok,may matutulis na tenga at may maliit na pakpak na pang anghel,naka mahabang dress sya na pink.

Ngumiti ito sakin at kumaway.Tumingin sya sa puting part,sa kanan ko, at lumakad papunta doon.Tumingin uli sya sakin at ngumiti.

"Halika" pagaya nito sakin.Nangtatapak na dapat ako dito ay may pumigil sakin.Tumingin ako dito at may nakita akong isang batang lalaki.Maputi rin,gwapo,may black na buhok,itim ang mata nya, at wala syang pak pak di katulad nung babae.Naka mahaba syang damit na itim at may parang sash

"Scarlet..."tinawag nya rin ako.Ngumiti sya at maangas na naglakad papunta sa itim na parte ng lugar na to.Sa kaliwa ko.

"Come with me"pagyaya nya naman.

Salitan ko silang tiningnan.Parehas silang nakatingin at nakangiti sakin. Sabay silang pumunta sa harap ko pero nasa magkabilang kulay parin sila samantalang ako,ang kanang paa ko ay nakatapak sa puting parte at ang kaliwa ko naman ay nasa itim na parte.

"Isang hakabang lang Bianca,sa itm o sa puti"sabay na sabi nilang dalawa.Tumalikod sila at unti unting naglalakad papalayo sakin at papunta sa kani kanilang sides.

"Puti"rinig kong sabi nung babae bago tuluyang nawala.

"At Itim"sabi nung lalaki ngunit humarap muna sya sakin at ngumiti staka palang nawala.

Naiwanan ako dung nakatulala lang sa gitna ng dalawang kulay.Iniisip kung hahakbang ba ako o hindi.

Nang hahakbang na dapat ako sa gitna ay biglang naging itim ang buong paligid.Nilibot ko ang tingin ko at napako ito sa lalaking kumausap sakin kanina.Ngumiti ito at nagsimulang maglakad papalapit sakin.

"You almost choose me so I'll give you one power from the dark side...for now"sabi nya habang papalapit ng papalapit.

Nang makalapit na sya ay biglang naging puti ang buong paligid at nawala na yung lalaking nasa tapat ko na kanina.

"You can seal and unseal any kind of powers,just think that you want to turn off his/her power and it will be sealed just do the opposite and you can unseal it.Even yours.It's called sealment"rinig kong sabi nya pa.Naramdaman ko na parang may tao sa likod ko kaya tumalikod ako.Nakatayo yung babaeng kausap ko kanina.

My Devilish Angel (Editing)Where stories live. Discover now