Kasalukuyang nakasakay kami ngayon sa pega at papunta sa kung saan mang di ko alam.Tigitigisa silang pega at ako naman ay nakaangkas kay Fuly dahil sa kanya lang ako nagtitiwala.
"Where are we going?"tanong ko uli.
"Sinabi na namin sayo kanina diba? Sa lugar nga kung saan kami nagrerelax."banas na sabi ni Alex.
"Masaya don siguradong matutuwa ka kaso ang kapangitan nga lang eh malayo ito"sabi ni Mavis.
Tumingin tingin nalang ako sa paligid kaso puro ulap lang ang nakikita ko.Sa ibaba namam ay kulay asul na dagat.Napatingin ako sa dinadaanan namin.
"Dadaan ba dyan? Isn't that storm clouds?"tanong ko habang nakaturo sa maiitim na ulap.Huminto muna kami.
"Tsk! Ano ba yan bakit ngayon pa nagkaganyan?Bumalik nalang kaya tayo sa ibang araw?"tanong ni Zefra.
"Hah?! Ang haba na ng nilakbay natin eh.Ituloy na natin.Kaya natin yan!"sagot naman ni Mavis at sumangayon sila Alex kaya naman ay pinagpatuloy na namin.
"Pag pasok natin dyan magingat kayo sa mga kidlat.Baka magkahiwalay hiwalay tayo,kung nangyari yon magkita nalang tayo sa kabilang side nyan"sabi nya at tumingin kay samin-sakin.
"Ikaw Bianca kumapit ka ng mabuti kay Fuly.Ikaw naman Fuly wag na wag mong pabayaang malaglag si Bianca"banta ni Zefra kay Fuly.Napatango nalang kaming dalawa at tuluyan na nga kaming napalibutan na ng dilim.
"Kumapit ka sakit Bianca"sabi ni Fuly kaya kumapit ako.Imiwas iwas lang kami sa mga kidlat.Hanggang sa makita na agad namin ang dulo.Nang bigla nalang may kidlat na tumama sa harap namin buti nalang ay nakaiwas agad si Fuly ngunit napabitaw ako kaya nahulog ako.
"Bianca!"rinig kong sigaw ni Fuly.Napapikit nalang ako.Inihanda ko na ang sarili kong mahulog at mabasa ng tubig ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi ko parin nararamdaman ang tubig sa aking balat kaya dumilat na ako.
Unang bumungad sakin ang muka ni Axel.Tumingin ako sa paligid.Napahinga nalang ako.Hindi pala ako bumagsak sa tubig.Buti nalang na salo agad ni Axel.Nakalabas na kamisa mga ulap at nakita ko silang nagmamadaling lumapit samin.
Magsasalita na sana ako ng bigla silang tumigil sa paglapit samin.Nangunot ang noo ko sa ginawa nila.Unti unti silang napasmirk.Nagtataka na talaga ako hah.Naka titig lang kami sa isat isa.Akward silence.
"Bagay kayo"biglang sabi ni Mavis habang ngiting ngiti.Napatingin agad ako sa katawan ko nakapabridal style pala ang pagbuhat sakin ngayon.Napatingin din ako kay Axel sakto namang napatingin din sya sakin.
"Kyyyaaaahhhh!!! Ano ba?! Kinikilig ako sanyo eh!!"tili ni Mavis.
"Nakakakilig naman kayo!!"si Fuly.
"Bianca+Axel=..."si Alex.
"NAIXEL!!" sabay sabay na sigaw nilang apat.Apat - Mavis,Fuly,Alex at Zefra.
"Yiieee may loveteam na sila"pangaasar pa samin ni Alex.
"Tss..."narinig kong sabi ni Axel.Napairap nalang ako.Teka....may pak pak naman ako diba? Shunga shunga.
Tumalon ako at pinalabas ang aking pak pak.Buti nagawa ko ng maayos.Kundi lag lag uli ako nito.Tiningnan ko lang sila habang lumilipad.
"Oh ano na? Malayo pa ba tayo?"tanong ko.
"Malapit na kaso mapapagod ka kapag lumipad ka gamit pak pak mo kaya umangkas ka na uli"sabi ni Zefra.Lumipad nalang ako papunta sa likod ni Fuly.Nangpapaupo na ako ay bigla syang nagsalita.
"Ahh ano pagod na kasi yung pega ko pwede ba sa iba ka nalang makisakay?"sabi nito.Tiningnan ko yung iba kong kasama tumalikod lang sila at halatang nagpipigil ng tawa.
YOU ARE READING
My Devilish Angel (Editing)
FantasyIsang babae na may malaangel na muka at may malademonyong ugale ang madalas magpalipat lipat sa ibat ibang school. Ngayong kalagitnaan na ng school year lilipat uli sya nang school. Ito na kaya ang makapagbabago sa nya o maghahasik lang uli sya nang...