"Wait,how can you be here if we just saw you lying at the hospital bed a while ago?"
Oh no...
Natahimik lahat sa sinabi nya.Pero napatingin sakin lahat na para bang nagiintay kung ano ang isasagot ko.Kahit sila Mavis ay mukang natataranta na sa mga nangyayari.At nang mapatingin ako kay Kurt ay biglang nagdilim ang lahat.Pumikit ako at pagdilat ko ay parang nareview ang mga nangyari kanina.
Bumalik sila Dimiter sa pinto ng paatras.Ganun narin ang ginawa nila Axel na pababa naman sa hagdan.Alam nyo yung kapag sa mga movie? Yung nireplay mo para maulit? Ganon na ganon ang nangyayari ngayon.
Nang maisarado na ni Dimiter ang pinto ay bigla nalang natahimik ang buong paligid.Napansin kong hindi gumagalaw sila Zefra.Para silang na pause.Teka,bakit kulang yata sila? Asan si Kurt? Sakto namang pagtalikod ko ay nandoon sya.
"What just happened?"di makapaniwalang tanong ko dito.Itinaas nya ang kamay nyang may hawak na kung ano.
"I just change a little something"nakangise nyang sagot.
Magtatanong pa sana ako nang sa isang iglap ay nahuhulog na ako at ang babagsakan ko ay tubig.Sisigaw sana ako ng mapagtanto kong parang nangyari na ito dati.At sa oras na babagsak na dapat ako ay may sumalo nga sakin at si Axel iyon.Pag lapit din namin kila Mavis ay nakatingin lang ito samin.Nagsingisian uli sila.
"Bagay kayo"ngiting ngiting sabi si Mavis.
"Tss ang bigat parang baboy"rinig kong bulong ni Axel dahilan para mapatingin ako sa kanya.Sakto naman nakatingin rin siya sakin.
"Kyyyaaaahhhh!!! Ano ba?! Kinikilig ako sanyo eh!!"tili ni Mavis.
"Nakakakilig naman kayo!!"si Fuly.
"Bianca+Axel=..."si Alex.
"NAIXEL!!" sabay sabay na sigaw nilang apat.Apat - Mavis,Fuly,Alex at Zefra.
"Yiieee may loveteam na sila"pangaasar pa samin ni Alex.
"Tss...hindi ba to bababa? Nakakangawit na"narinig kong bulong uli ni Axel kaya naman bumaba na ako at pinalabas ang pak pak ko.Napatingin ako kila Zefra.
"Malapit na tayo kaso mapapagod ka kapag lumipad ka gamit pak pak mo kaya umangkas ka na uli"sabi ni Zefra.Lumipad nalang ako papunta sa likod ni Fuly.Nangpapaupo na ako ay bigla syang nagsalita.
"Ahh ano pagod na kasi yung pega ko pwede ba sa iba ka nalang makisakay?"sabi nito.Tiningnan ko yung iba kong kasama tumalikod lang sila at halatang nagpipigil ng tawa.Nangyari na talaga to eh.
"Axel bat di nalang ikaw yung magangkas sa kanya? Okay? Sige una na kami hah"sabi ni Alex at lumipad na sila paalis.May kutob akong wala na dito si Axel kaya naman pumunta nalang ako doon sa islang pinuntahan ko dati.Doon soguro masasagot mga tanong ko dahil alam kong makikita ko doon si Kurt.
~~~~~~~~
Nagintay lang ako sa isang malaking puno.Sa sanga ng punong iyon kung saan ko natatandaan nakita si Kurt.Matagal tagal narin akong nagiintay ngunit wala parin sya. At sa pagkakaalam ko ay sa gantong oras ko sya nakita.
Bakit kaya wala pa sya? Ano ba ginawa ko bago ko sya makita? Ahh! Nahiga ako at pumikit kase matutulog dapat ako! Iyon na nga! Nahiga ako at pumikit na.Di ko namalayang unti unti na akong nilamon ng antok ko at tuluyan nang nakatulog.
~~~~~~
Naalimpungatan ako ng may narinig akong nagbubulungan sa may tabi ko.Hindi muna ako dumilat at pinakinggan lang sila.
"Panaginip lang ba ito? Bakit parang totoong totoo?"rinig kong tanong ng isang boses.
"Diba nga how many times do I have to tell you? Panaginip nga lang to"sabi pa ng isang boses.Parang kilala ko ang mga boses na to?
YOU ARE READING
My Devilish Angel (Editing)
FantasyIsang babae na may malaangel na muka at may malademonyong ugale ang madalas magpalipat lipat sa ibat ibang school. Ngayong kalagitnaan na ng school year lilipat uli sya nang school. Ito na kaya ang makapagbabago sa nya o maghahasik lang uli sya nang...