Chapter 17 David

1 0 0
                                    

Bianca's POV

Naglalakad ako ngayon sa isang hallway.Tingin lang ako ng tingin sa buong paligid.Sa dikalayuan ay may nakita akong nagliliwanag.Dahan dahan akong lumakad papunta doon.

Nang makalapit na ako ay may nakita akong dalawang pinto.Yung isa ay nagliliwanag at yung isa naman ay isang normal na pinto lang.

"Pasok ka sa isa sa mga yan"sabi ng lalaking boses na nanggaling sa likod ko.Hinarap ko ito at may nakita akong nagliliwanag na tao.Hindi ko makita ang muka nya.

"Sino ka?"tanong ko sa kanya.Narinig ko syang medyo natawa.

"Hindi ako sinuka"natatawa nyang sabi.Napapoker face nalang ako.

"Haha hindi mo na ako kaylangan makilala pa,basta mamili ka jan sa dalawa.Kung alin jan ang napili mo doon ka pumasok"sabi nya ulit.Tumingin uli ako sa dalawang pinto.

"Nga pala isa rin ako sa mga guardian mo"pagkasabi nya non ay tumingin uli ako sa likod ngunit laking gulat ko ng makitang wala na sya doon.

Tumingin uli ako sa dalawang pinto.Nagisip muna ako kung alin sa dalawa ang pipiliin ko.Nang makapili na ako ay unti unti na akong lumapit sa pintong yon.

Hinawakan ko na ang doorknob.Pipihitin ka na sana ng bigla akong nasilaw sa liwanag ng kabilang pinto.Tinakpan ko ang mga mata ko dahil sadyang nakakasilaw ang liwanag ng kabilang pinto.

Ilang saglit pa ay nawala na ang liwanag.Tumingin ako sa pinanggalingan ng liwanag.Nagulat ako ng may nakita akong lumulutang.

"A crown?"nagtataka ko itong inabot.Tiningnan ko itong mabuti.Isa itong korona na kulay silver na may kulay blue na crystal sa gitna.

"Wag mo yang iwawala hah"Sabi uli ng lalaking kumausap sakin kaninapero ngayon nasa tabi na sya ng pinto.Binuksan nya ito.Lumapit ako dito.

"Bakit? Hindi ba isa lamang itong panaginip?"tanong ko sa kanya ng tuluyan na akong nakalapit dito.Nagkibit balikat lang sya at ngumiti.

"Wag mo rin iyang ipapakita kahit kanino.Kahit kay Dimiter man."pagkasabi nya non ay bigla nya akong timulak papasok sa pinto.Humarap ako sa kanya.

"David nga pala"sabi nya at sumaludo pa. Babatukan ko sana sya kaso parang may biglang humigop sakin na kung ano.

Bigla akong napabalikwas ng tayo.Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.Nagtaka ako dahil parang pamilyar ang lugar na ito.Sa bandang gilid ay nakita ko ang bagahe ko.Ibig sabihin nasa dorm na uli ako.

"Panaginip lang ba lahat?"tanong ko sa sarili ko.Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si Dimiter.Umayos ako ng upo habang papalapit sakin si Dimiter.

"Bianca!! Si Natasha natatandaan mo ba?! Tama nga hinala nating may tinatago sya!! Dahil sya pala ang anak ni Queen Fionna! Ang dating warrior angel! Alam mo ba ibig sabihin non?!"excited na tanong nya sakin.Umiling nalang ako.Panaginip lang ba talaga lahat?

"Ibig sabihin non may posibilidad na sya ang itinakdang warrior angel maliligtas na tayo!"natutuwang sagot nya at tumalon talon pa.

"Gano katagal ba akong nakatulog?"tanong ko na ikinatigil ni Dimiter sa pagtalon.

"Kahapon ng hapon ka pa tulog bakit?"nagtatakang tanong nito.So  panaginip nga lang lahat?

My Devilish Angel (Editing)Where stories live. Discover now