Matapos ko itong ikwento sa kanila ay bigla silang natahimik.Tahimik silang lahat na nakatitig lang saakin.Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon ng basagin ni Rhian ang katahimikan.
"Di ko magets"sabi nya.Nagsitinginan naman sila kay Rhian na ngayon ay nakakunot na ang noo.
"Kahit ako,hindi ko rin maintindihan ang pinapahiwatig ng iyong pangitain"kumento ng Hari.
"Isa lang ang naintindihan ko at yun ay si Natasha nga ang ating warrior angel ngunit bakit nakasaad sa iyong pangitain na siya ang papatay sa atin? At bakit nandoon si Bianca?"mahabang sabi nito.
"Hindi pa naman natin alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin non pupwedeng si Natasha nga ang ating warrior angel ngunit may nangyari at sa oras na,sabihin na nating papaslangin ka niya ay iniligtas ka ni Bianca"paliwanag naman ng Hari.Nagsitanguan nalang kami.May lumapit sa Haring isang kawal at may ibinulong ito rito.Tumango lang ang Hari at humarap saamin.
"Paumanhin ngunit kailangan ko nang umalis.Magsiuwian na kayo at alam kong may pasok pa kayo bukas"sabi ng Hari at umalis na.Kami nalang ang natira dito.
"So?.. ano nang gagawin natin?"tanong ni Lyla.
"Lika mag mall tayo!!"masiglang sabi ni Rhian.Nagsitanguan naman ang iba.Tumingin sila saakin dahil ako lang ang hindi sumagot.
"Uhh..sasama ka ba?"tanong ni Anika.
"Balak ko sanang bisitahin si Bianca eh"sabi na ikinabusangot ng tatlong babae.
"Oo nga no bisitahin kaya natin"sabi naman ni Kiell.Sumangayon din si hunter at Ryan.
"Ang tagal na nating hindi nakakagala eh.Sigina bukas nalang kayo bumisita kay Scarlet."sabi ni Rhian.Nagkatinginan naman kaming apat.Nagisip muna ako saglit.Pwede ko nga naman siyang bisitahin nalang bukas.
"Sige na nga"sabi ko at nag sisitalon yung tatlong babae at umalis na kami para pumunta sa mall.
Bianca's POV
Nagising ako ng may narinig akong kaluskos.Agad akong bumangon at kinusot ang mga mata ko.Tumingin ako sa buong paligid,wala namang gumagalaw.Napako ang tingin ko sa pinto,parang may tao sa labas nito.Narinig kong sinubukan nitong buksan yung pinto ngunit hindi nagawa dahil naka lock ito.
Nakita kong nawala na yung shadow ng paa nya kaya tumayo na ako at lalapit na sana sa pinto ng makita kong bumalik uli ito.Napatigil ako sa paglapit.Nang magsasalita na sana ako para tanungin kung sino iyon ay naunahan ako nitong magsalita.
"Mavis,zefra,fuly,alex? Andyan ba kayo? Bakit naka lock to?"tanong nung tao.Biglang nanlaki ang mga mata ko ng malaman kung sino ang nagmamayari ng boses na iyon.
Agad akong pumunta sa kama at nagtalukbong.Hinihiling na sana ay umalis nalang ito at akalaing walang tao dito at nalock lang.
Tumahimik ang paligid kaya napanatag ako ng bigla kong narinig ang pasuksok ng susi sa doorknob.Agad kong inayos ang pagtalukbong ko sa kumot ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Naramdaman kong lumapit sya rito at umupo sa likod ko.Narinig ko rin siyang nagbuntong hininga."Mavis? Ikaw ba yan"tanong nya gamit ang malambing na boses.Naramdaman ko syang lumapit kaya inayos ko ang pagtalukbong.Naramdaman kong tumigil sya sa paglapit.
"Mavis alam kong nalungkot ka nang mawala si David but you need to move on"sabi nya uli.Sino ba si David
Nagulat nalang ako ng inalis nya ang kumot sa muka ko dahilan para mapasubsob ako sa unan para lang hindi nya makita ang muka ko.Hinawakan nya ang ulo ko at hinimas himas ito.
YOU ARE READING
My Devilish Angel (Editing)
FantasyIsang babae na may malaangel na muka at may malademonyong ugale ang madalas magpalipat lipat sa ibat ibang school. Ngayong kalagitnaan na ng school year lilipat uli sya nang school. Ito na kaya ang makapagbabago sa nya o maghahasik lang uli sya nang...