Nang makalabas na kami ay hinawakan nya ang balikat ko at nagteleport na kami papunta sa harap ng isang malaking bahay.
Lumakad na si Dimiter papasok doon kaya sumunod na ako sa kanya papasok rin.Pagpasok namin ay sumalubong samin si Hunter na naka short at sando nalang din.Tiningnan nya si Dimiter.
"Tagal nyo"sabi nya at lumakad na.Lumapit sya sa isang glass door at binuksan ito.Bumungad samin ang dalawang pool.Isang malaking pool na may malapad na tulay sa ibabaw nito.Sa tulay ay may isang maliit na round pool.
Napatingin ako sa isang gilid kung saan may mga upuan.Dumiretso doon sila Dimiter kaya sumunod narin ako.Nadatnan namin doon ang iba pang mga prinsesa at prinsepe.Naka upo at nagkwekwentuhan.
Lalapit na sana ako doon ng hilahin ako ni Dimiter sa isa pang table na may dalawang upuan at nakukulimliman ng isang malaking white na payong.Inilapag ko ang gamit ko sa table at ganun din ang ginawa nya.
"Di pa ba kayo nagsiswimming?"tanong nya sa iba habang naglalagay ng sunscreen.
"Hindi pa.Hinihintay namin kayo eh.Remember? Yung pangako natin"sagot ni Rose.Tiningnan ko si Dimiter na napangiti.
"Hindi ko inaakala na isang araw mangyayari ang pangako natin"natatawang sabi ni Kiell at tumingin sakin.
"Yeah.Our promise"nakangising sagot nya.Naguluhan naman ako sa kanila.Pagkasabi non ni Dimiter ay nagsitayuan sila at nagsialisan ng mga pangdoble.
Nagalis na si Ryan at Kiell ng sando nila.Sila Rose,Rhian at Violet ay nagalis narin ng pang doble nila.Si Rose ay naka two piece red.Si Rhian naman ay naka two piece ren na kulay green pero ang bra nung sa kanya ay naka twist at walang strap.Kay Violet naman ay one piece,color Violet na may butas sa magkabilang gilid.
Tumambad ang 6 pack abs nila Kiell at ang coka colang katawan nila Rose.Naghubad na rin si Hunter ng sando at tumambad ang maganda nyang katawan.Sumunod na nagalis ng sando si Dimiter,take note sa harap ko pa talaga,at nakita ko nanaman ang maganda nyang 6 pack abs.Pero dahil sanay na ako sa mga ganyang katawan ay hindi ako namangha.
Tiningnan nila ako na parang nagtataka.Habang si Dimiter ay nakangise.Nagtitigan lang kami hanggang sa tumigil uli ang buong paligid at nasaharap ko nanaman si Hunter.
"Anong meron?"tanong ko.Kumuha sya ng upuan,inilagay iyon sa harap ko at doon umupo.
"Nung malipat kasi dito si Dimiter lagi ka nyang kinukwento,naiinis dun yung mga babae.Sabi nila na mas maganda daw sila kesa sayo at mas sexy pa so pinangako ni Dimiter na pag nagkakita kita tayo ay mas maganda ka kesa sa kanila. Un ang pinagsasabi nilang pramise"sabi nya habang naka tingin lang sakin.
"Sa totoo lang lokohan lang talaga namin yun kasi hindi namin alam na isa ka palang anghel.Kaya nung nangyari na nga ay pinagplanuhan na namin.Napag isipan nilang magswimming ngayon para makita nila kung mas maganda at sexy ka nga kesa sa kanila."dugtong nya pa.
"You're all insane"sagot ko at nag cross arms.
"I know right,but not me"sagot nya at gumalaw na uli ang lahat.Nagcross arms yung tatlong babae habang nakatingin sakin.
"I guess you already know"sabi ni Rose.Nagkibit balikat lang ako at tumingin kay Dimiter.Napakamot naman sya sa batok nya.
"So hindi mo ba aalisin yang pangdoble mo?"mataray na sabi ni Rhian.
"Don't tell me may bilbil ka kaya ayaw mong alisin yan"sabi naman ni Rose.Napangisi nalang ako dahil sa mga pinagsasabi nila.
"Hoy.Wala yang bilbil no"sabi ni Dimiter sa kanila at humarap sakin habang nagpupuppy eyes.
YOU ARE READING
My Devilish Angel (Editing)
ФэнтезиIsang babae na may malaangel na muka at may malademonyong ugale ang madalas magpalipat lipat sa ibat ibang school. Ngayong kalagitnaan na ng school year lilipat uli sya nang school. Ito na kaya ang makapagbabago sa nya o maghahasik lang uli sya nang...