Lumutang si Dimiter at biglang binalutan ng hangin.Kitang kita mo ang hangin na umiikot sa kanya.Biglang nagliwanag ang mata nya.Napatayo kami ni Hunter pero si Bianca ay nanatiling naka upo.Makalipas ang isang minuto ay nahulog na si Dimiter.Agad namin itong nilapitan.Inalalayan namin syang tumayo.Bakit kaya nangyari yon?
"Di ko rin alam"biglang sabi ni Dimiter dahilan para mapatigil kami.Tumingin sya bigla sakin.May kausap ba to?
"Wait,did I just read your mind?"nagtatakang tanong nya.Napaisip naman ako na sakin pala yung binabasa nyang isip kaya agad akong gumawa ng spell.
"I think?"sagot ko nalang.Itinapat nya yung kamay nya sa vase na nasa table malapit sa cr.Umangat ito ng saglit at bumaba uli.
"I got my powers back!"masayang sabi nya.Nakipag apir sya kay Hunter dahil sa tuwa.
"I'm happy for you Dimiter"sabi ni Bianca kay Dimiter.Lumapit si Dimiter kay Bianca at bigla itong niyakap.Mukang nagulat si Bianca dahil sa ginawa nya pero inakap nya rin pabalik si Dimiter.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa ang mga magulang ni Bianca na may dalang bag.Ibinigay nila iyon kay Bianca at pinapaligo na sya.
"Uhh-tita pwede po ba kaming umalis mamaya kakain lang po kami nila Bianca sa labas tapos uuwi na rin po."pagpapaalam ni Dimiter sa mama ni Bianca.
"Dimiter alam mo naman ang dahilan kaya nandito si Bianca diba?"malumanay na sabi ng mama ni Bianca.Napayuko naman ng kaunti si Dimiter.
"Opo tita pero--
"Sasama po ako at ako na rin ang magbabantay kay Bianca.Hindi ko po hahayaang may mangyari sa kanyang masama"pagpuputol ko kay Dimiter.Napatingin naman sila sakin.
"Sigurado ka?"tanong ni Dimiter sakin.Tumango lang ako.
"Well,kung may kasamang taga Dreagonthania papayag ako pero pagkatapos na pagkatapos nyo kumain ay uwi agad."seryosong sabi ng Nanay ni Bianca.
"Thank you po tita."nakangiting sabi ni Dimiter pero halata sa tono ng boses nya na mukang malungkot sya.Bigla namang bumukas ang pinto sa cr kaya napatingin ako doon.Nakita ko si Bianca na naka white t-shirt na may nakasulat na "Don't you dare go near me" sa harap na kulay black at naka maong pants.
Naglakad sya papalapit samin habang sinusuot yung black na backpack nya.Napansin kong nakatingin rin sila sa kanya at mukang napansin nya rin iyon kaya napatigil sya.
"What?"naguguluhang tanong nya.Kanya kanaya sila ng iwas habang ako ay nagkibit balikat lang.Lumapit sya sa mama nya.
"When are we going home? I wanna sleep"tinatamad nyang sabi.
"Bianca kain muna tayo kasama sila Ryan bago tayo umuwi"sabi ni Dimiter.
"Okay"tipid na sagot ni Bianca.
"Let's go"sabi ni Hunter at lumabas na.Nagpaalam na si Dimiter sa mga magulang ni Bianca at lumabas na rin kami.Sinundan lang namin si Hunter.Si Dimiter at Bianca ay magkasunod at ako naman sa likod ni Bianca.
"Why is he with us?"rinig kong tanong ni Bianca.Tiningnan lang sya ni Dimiter at ngumiti.
"Bodyguard mo"sabi nya at tumabi na kay Hunter dahilan para mahuli kami ni Bianca.Napapansin kong napapatingin sakin si Bianca.Mabilis maglakad yung dalawa kaya nahuhuli kami.
Medyo binilisan ni Bianca ang paglalakad nya kaya muntik na syang matapilok.Agad ko syang inalalayan.Agad syang napatayo ng tuwid na mukang nandiri.
Teka kamuka nyang mandiri si Zefra.Yung lilihis muna nang tingin staka duduwal.Gawain yun ni Zefra.Matagal nagdevelop ang katawan ko kaya matagal din akong nanirahan doon.Isa rin yun sa dahilan kung bakit kilalang kilala ko na sila.
YOU ARE READING
My Devilish Angel (Editing)
FantasyIsang babae na may malaangel na muka at may malademonyong ugale ang madalas magpalipat lipat sa ibat ibang school. Ngayong kalagitnaan na ng school year lilipat uli sya nang school. Ito na kaya ang makapagbabago sa nya o maghahasik lang uli sya nang...