Meeting #Girl Paasa

6.5K 119 4
                                    

UNEDITED VERSION

NAKANGISI kay Daisy si Charm nang makita ang sangkaterbang prutas at Vitamin C food supplement na binili niya. “Don’t worry, Bestie. Kahit magka-pimples ka, love na love ka pa din ni Trevor.”

Nilukot lang ni Daisy ang ilong. Schoolmate nila si Trevor. Ahead lang sa kanila ng isang taon. Kasisimula pa lang ng sem ay nagparamdam na sa kanya. Ikalawang linggo ng klase niligawan na siya.

“Kelan mo ba siya sasagutin?”

“’Pag sinagot ka na ni Seth,” ganting tukso niya kay Charm. Classmate ni Trevor si Seth.

“Sira! Malabo ang sa ‘min ng Seth na ‘yon, ‘no. But seriously, Bestie, in love talaga sa iyo si Trevor. Pati ako gustong gawing padrino ng isang ‘yon. Ilakad ko daw siya sa ‘yo.”

Sa palagay ni Daisy ang kulot at mestisuhing si Trevor Cowgill na ang pinakaguwapo sa mga manliligaw niya. Kaya nga hindi niya ito binabasted. Masarap sa ego na maligawan ng campus heartthrob. Ang daming naiinggit sa kanya, mapababae o beki. Saka maraming favor siya na nakukuha.

May tagagawa siya ng school project, taga-research, taga-libre ng merienda, at willing helper kapag kailangan niya ng tulong. Gaya na lang noong sumali siyang Lakambini ng Wika.

Ikinampanya siya ni Trevor at nag-effort ito ng malaki para makakuha ng maraming likes sa social media. Kaya nga siya nanalo. “Anong sabi mo sa kanya?”

“Sabi ko lang na kung sure akong love mo na din siya, hindi ko lang siya ilalakad sa iyo. Itatakbo ko pa siya para lang maging kayo.”

Natawa siya. “Bet mo ba si Trevor para sa ‘kin, Bestie?”

“Daisy!”

Hindi na nakasagot si Charm. Paglingon nila sa tumawag, ang nakangiting si Trevor ang nakita nila na bumababa sa jeep.

“Hi, Daisy. I thought it was you. And it turned out na ikaw nga.”

“Nandito din ako,” singit ni Charm na kumaway pa habang nakataas ang mga kilay.

“Oh, hi, Charm. Nakita ko kayo sa school kanina.”

“Trevor, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Daisy. Ang cute ng kulay nito kapag naaarawan. Namumula ang pisngi at parang hindi mauubusan ng hemoglobin sa katawan.

“Galing din ako sa school. Coding ‘yong kotse namin kaya wala akong sundo. Two blocks away na lang ang house namin from here.” Napansin nito ang eco bag na dala niya. “Parang mabigat ang dala mo, ah. Let me hold it for you.”

Wala pang two kilograms ang bigat ng bayabas at pipino na dala ni Daisy pero ibinigay niya kay Trevor ang bag.

“Malapit lang pala ang bahay mo dito,” sabi ni Charm. “Kami ni Daisy sasakay pa ulit.” Magkatabi  ang bahay nila at ang bahay nina Charm. Dating naka-dorm lang ito noong first year college sila. Pero nang malaman ng mga magulang nito na ipinagbibili ang bahay sa tabi nila ay nagkainteres na bilhin iyon. Kaya lumipat nga ang mga ito roon.

Dating sa Baguio nakatira ang mga Mirabueno. Pero hirap na daw ang ama nito at kapatid na magparoo’t parito sa Baguio at Manila lalo na kapag tag-ulan. Nasa Makati ang negosyong Business Process Outsourcing ng mag-amang Americo at  Bagwis.

At gusto rin daw ng mga magulang ni Charm na samahan ito roon. Kasamang lumipat ng mga ito ang hipag at pamangking si Liam. Pero sa isang condo sa Makati nakatira ang pamilya ni Bagwis. Ang naiwan lang sa Baguio ay ang Kuya Datu ni Charm.

“Ihahatid ko na kayo.”

“’Yan tayo, eh. Siguro talagang sinundan mo si Daisy para maihatid siya, ‘no?”

A Dose Of Daisy's Meds    COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon