The Promise

3.4K 115 17
                                    

CHAPTER 10


HINDI magawang tanggapin ni Daisy ang iniaabot ni Datu na malaking bouquet ng mababangong Casa Blanca na sinamahan pa ng white daisies. “Hindi ko p-p’wedeng kunin ‘yan,” naluluhang sabi niya sa lalaki. Hindi ma-contain ng isip at puso niya ang nangyayari. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang patigilin ang mga panloloko. Bakit ginagawa ito sa kanya ng magkapatid? Dahil ba sa alam ni Charm ang secret love niya sa kuya nito? At si Datu, ano ang inaasahan nitong mangyari sa panloloko sa kanya? Pinapatunayan lang nito ang palagay niya na isa itong dakilang pa-fall.
“Why not? This is my birthday present for you. You are now a lady. A lovely lady if I may add. Deserve mo na makatanggap ng flowers on your eighteenth birthday.”
“Alam ba ng asawa mo ang ginagawa mong ‘to?” Pasumbat ang tono ni Daisy. Gusto rin niyang sumbatan si Charm pero bigla na lang nawala ito.
Alanganin ang tawa ni Datu. “Binibiro mo lang ba ako?”
“Ako dapat ang nagtatanong n’ya sa ‘yo. Binibiro mo lang ba ako para gawin ito? Kasi alam mo, hindi ako natatawa.”
“Ano ba’ng sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.”
“Huwag mo ‘kong bigyan ng dahilan para kasuklaman ka, p’wede ba? Kung p’wede lang naman.” Nag-iinit na ang ulo ni Daisy at ano mang oras ay papatak na ang mga luha niya. “Kasi di ba, kinasal ka na? Last week pa. Sabi mo nga no’ng tumawag ka busy kayo ng assistant mo kasi nag-aasikaso kayo ng kasal.”
Napahagalpak na ito ng tawa. Sobrang offended na si Daisy. Gusto na niyang sikuhin ito sa sikmura para tumigil lang sa pagtawa. “Hindi ako ang kinasal.”
“Paanong hindi ikaw eh nag-uwian pa nga sa Baguio ang pamilya ninyo.”
“Si Raya lang ang kinasal. Ikinasal siya sa boyfriend niya. Family friend namin sila kaya invited ang pamilya namin. At bestfriend si Raya ni Leslie noon.”
Umawang ang mga labi ni Daisy pero walang salita na lumabas sa bibig niya. Hindi niya magawang kumilos nang lumapit pa sa kanya si Datu. Nasaktan at umiyak ba siya ng maraming beses para lang sa wala?
Hinawakan ni Datu ang isang kamay niya at inilagay roon ang flower bouquet. “Daisy, hindi pa ako mag-aasawa…” sabi nitong nakatitig na sa mga mata niya. “Matagal pa ‘yon. Kasi may hinihintay pa ‘ko.”
“M-may hinihintay?” para siyang talking minah sa pag-uulit sa sinasabi ni Datu.
“Oo. Kasi ngayon, kahit dalaga ka na, hindi pa din puwede. Dapat ka munang magtapos ng pag-aaral. At pag tapos ka na, kailangan mo ding i-prove ang self worth mo. Para magawa mo ang mga gusto mong gawin at marating ang iba mo pang mga pangarap. At habang ginagawa mo ang mga ‘yon, maghihintay lang ako.”
“Ano bang sinasabi mo d’yan? Bakit ka maghihintay?”
Ipinalibot nito ang isang braso sa baywang niya at hinapit siya. Nagkalapit nang husto ang kanilang mga katawan at mukha. “Gusto mo ba na huwag na lang akong maghintay? Gusto mo bang magsabi na ako kina Tito Homer at Tita Dara na mamamanhikan na kami sa inyo?” Kumikislap sa tuwa ang mga mata nito na hindi inihihiwalay ang tingin sa mga mata niya.
Matutuluyan yatang mag-hyperventillate si Daisy.

“AKALA ko talaga pa-fall ka lang, Mr. D,” sabi ni Daisy kay Datu.
“Ang totoo, gusto ko talagang ma-fall ka sa akin. Kasi malungkot kung ako lang pala ang na-fall sa iyo. Aiming pa naman ako for a happy ending.” May kasama pang kindat na sabi sa kanya ni Datu.
Natawa siya at siniko ito sa tagiliran.
“I love you, Daisy…”
Napasandig siya sa dibdib nito. Nanlambot kaagad ang mga tuhod niya. Maraming beses niyang in-imagine na sinasabi iyon sa kanya ng isang lalaking mahal din niya. Pero hindi niya alam na ganito pala kasarap marinig. Sobrang sarap. Happiness overload. This is the day. TKO na sina Baek Hyun at Kim Joon. Nakay Datu na ang makislap na title belt ng puso niya.
“But I don’t expect you to tell me you love me, too. Not yet. But if you love me already, go ahead, tell me.”
Tinawanan lang niya si Datu. “You’re special…” amin niya. “Much, much special to me.” Alam niya na alam na nitong mutual ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Pero hindi muna niya sasabihin. Gusto niyang ideklara iyon kay Datu kapag handa na siyang maging fiancée nito. “What about Leslie?”
“What about her?”
“Wala ka nang feelings sa kanya?”
Inakbayan siya ni Datu at hinawakan ang isang kamay niya. “Alam mo, kinuha ni God nang maaga si Leslie dahil hindi siya para sa akin. Ipinahiram lang sa amin ang time na nagmahalan kami. Binigyan kami ng Lord ng magandang memory. Maiksi pero masayang memory. Pinasaya Niya muna si Leslie. Ipinadanas sa kanya kung ano ang pakiramdam ng mahalin ng taong mahal din niya. Sa past relationships kasi niya, siya lang lagi ang nagmamahal. At laging nasasamantala ang pagmamahal niya. Ginagamit lang siya palagi. Pero nang maging kami, alam ko, she felt it. She knew she was loved in the real sense of the word. She felt she was special. I made sure of that. Nabawi ang mga hindi niya naranasan sa mga lalaking minahal niya bago naging kami.
“Sana, hindi ka magselos kay Leslie. Tapos naman na ang episode namin sa mundo. She will always have a special place in my heart. But only to remember her by. ‘Yan ang sagot ko sa tanong mo. Kinuha siya sa akin ni God kasi hindi talaga siya para sa akin. Hindi talaga siya ang meant to be ko.
“Pero ikaw, ikaw na lang ang nag-iisang occupant ng pinakamalaking space dito sa puso ko. God designed my heart to fit for yours. It was meant to be, and will always be that way until forever. Whenever I thought of love, I’ll always think of you.” Marahang-marahan, pinatakan nito ng halik ang kanyang noo.
“Hmm… sarap naman,” sabi lang ni Daisy kahit nagpa-party sa tuwa at kilig ang mga laman-loob niya. Kuntento siya sa sagot ni Datu. At kuntentong inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. Tama ito. Marami pang araw. Marami pa siyang dapat tapusin. Ang mahalaga, may tinatanaw silang maliwanag na bukas. Isang future na magkasama na silang dalawa.


-end-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Dose Of Daisy's Meds    COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon