Trevor's Fate

1.5K 60 12
                                    

CHAPTER 5


HINIHINTAY ni Daisy si Charm na nagpaalam para kausapin ang kaibigan nitong si Seth sa third floor ng building nila nang lapitan siya ni Trevor.

“Daisy… can I talk to you for a sec?”

Mahigit nang isang linggo na hindi sila nagkakausap nito. Akala niya hindi na siya kakausapin dahil may girlfriend na ito ngayon. Nalulungkot siya na lumayo ito. Pero masaya siya para kay Trevor. Nakahanap ito ng babae na magmamahal din dito. Nagtataka lang siya kung bakit parang problemado ito. “Sure.”

Itinuro nito ang isang bakanteng classroom. Sumunod siya rito. “Daisy, I’m sorry.”

“Bakit ka nagso-sorry?”

“Kasi pinatulan ko ang pagpaparamdam sa akin ni Breena… Ang totoo, hindi ko talaga siya mahal. Ginawa ko ‘yon para ipakita sa iyo na kaya kitang palitan kahit kailan ko gusto. Nasaktan talaga kasi ako. Ilang buwan na pinaasa mo lang ako. ‘Yon talaga ang masakit tanggapin. Na pagkatapos kitang ligawan for months, hindi mo pa din ako sasagutin. Hindi mo pa din ako minahal.”

Nalungkot siya sa sinabi ni Trevor. Na dahil sa kanya, gumawa ito ng isang bagay na ayaw nito, na ginawa lang nito para makaganti—isang bagay na nagpapakitang mahina ang karakter nito. “I’m sorry din kung pakiramdam mo na pinaasa lang kita. Kasi hindi naman kita pinaasa lang. Nag-try ako na mahalin ka. Na ma-develop din sa iyo. I really tried, Trevor. Pero habang sinusubukan ko, nari-realize ko lang na mas gusto pala kitang kaibigan at hindi maging love interest.”

Parang lalong nalungkot ito sa sinabi niya. “You know, Daisy… I still love you. Sana… sana bigyan mo pa ako ng chance. Kasi ‘yong sa amin ni Breena, wala naman ‘yon, eh.”

“Pero meron na akong ibang gusto. Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung sino. Minahal ko siya agad kaya alam ko na totoo na ito. Hindi ko kailangan na pilitin ang sarili ko na mahalin siya. Basta bigla ko na lang naramdaman.”

“Boyfriend mo na?”

“Hindi.”

“Hindi pa naman pala. Puwede pa kitang agawin sa kanya.”

“Trevor, please. Bitawan mo na lang ang hope mo para sa akin. Masasaktan ka lang lalo. Hindi siguro talaga fated na maging tayo. Tanggapin mo na lang ‘yon.”

“Bakit ang tigas ng puso mo?” puno ng hinanakit na sumbat sa kanya ni Trevor. “All I am asking from you is to give me a chance. ‘Yon lang. Pabayaan mo lang ako na mahalin ka. Na ligawan ka ulit.”

“Magsasayang ka lang ng oras. Kasi kung mamahalin kita, sana noon pa nangyari. Believe me,  sinubukan ko. Kasi okay ka at wala namang dapat ayawan sa iyo. Kaso fondness lang ng isang kaibigan ang naramdaman ko. I’m sorry, Trevor. Maging friends na lang tayo. Hanggang do’n lang talaga ang kaya kong ibigay sa iyo.”

“Pagsisisihan mo na hindi mo ‘ko binigyan ng chance, Daisy. Tandaan mo ‘yan!” Masama ang loob na nilayasan siya nito. Hind na nagawang magpaalam.

Mabigat ang loob ni Daisy na gawin iyon kay Trevor. Pero bakit pa niya ito paaasahin kung si Datu na ang mahal niya?

Pagkaraan lang ng dalawang araw ay tinawagan siya ni Trevor. Humihingi ito ng sorry sa mga nasabi sa kanya. Nasaktan lang daw ito. Siya pa rin daw ang mahal nito. “Please, Daisy, sana bigyan mo pa ako ng chance. Don’t close your door on me, please?”

Tonong desperado ang boses ni Trevor. Naawa siya rito kaya pumayag na lang siya. Kahit alam niya na malabong mahalin niya ito habang mahal pa niya si Datu.
   
    
“BESTIE, nag-check ka ba ng text sa cell phone mo?” humahangos na bungad kay Daisy ni Charm. Nasa pocket garden sila noon ng mama niya. Tinutulungan niya itong tanggalin ang makapal na white lilies na nasa malaking pasô para ilipat sa lupa. Gagamitin nilang mag-ina ang pasô para taniman ng oregano.

“Hindi pa. Bakit?” Binitiwan niya ang hawak na bulbs at inalis ang gloves na suot.

A Dose Of Daisy's Meds    COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon