Reconciled

1.7K 75 0
                                    

CHAPTER 9

HINDI ko alam kung anong gagawin ko para magkaayos na kami ni Charm. Reply iyon ni Daisy sa text ng pangungumusta ni Datu sa kanya. Alam na nito ang gap nilang magkaibigan. Nagsumbong pala rito si Charm. Hindi nag-elaborate si Datu. Pero sa mga salita nito, lumilitaw na ang sumbong ni Charm ay ini-encourage niya si Seth sa panliligaw sa kanya. Kung puwede ko nga lang baguhin overnight ang feelings ni Seth para mapunta ‘yon kay Charm, ginawa ko na sana.
Huwag mo na lang pansinin si Charm. She’ll come around. Text ni Datu.
Kaso affected ako, sobra. At alam ko si Charm din. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Hayaan mo lang. Lilipas din ‘yan. Dadating ang time na isang araw, bigla na lang kayong mag-uusap. Pagtatawanan na lang ninyo ang mga nangyari. And the friendship will still prevail.
Sana nga. I’ll look forward for the day.
Alam ni Charm na mahalaga siya sa iyo. The family adores you. And you love us. Hindi ‘yon mababago ng konting tampuhan.
Muntik nang mag-reply si Daisy ng: ‘It’s you I love.’ She smiled despite herself. Nag-text siya uli. Malapit na ang eighteenth birthday ko. Si Charm sana ang kasama ko sa tour na regalo ng kuya ko. Ngayon tuloy, parang ayoko nang i-celebrate.
Huwag naman. Mag-celebrate ka pa din. Birthdays should be celebrated and thanked for. Magpasalamat ka na dinagdagan pa ni God ng isa pang taon ang buhay mo.
I missed my bestfriend.
I’m sure nami-miss ka din niya.
Parang hindi naman.
Kung ako nga, missed na kita. Lalo pa siya na practically, ilang taon mo nang kasama.
Hindi makapaniwala si Daisy sa nabasa. INAMIN NI DATU NA MISSED SIYA! Caps locked na naman dahil intense. Nag-reply siya agad. Di bale nang magmukha siyang fishing for information. Missed mo talaga ako?
Given na ‘yon. You know you’re adorable.
Kung hindi lang kasalukuyang nakaupo sa puting trono si Daisy, malamang na nag-swoon o napatalon na siya sa tuwa. Pero nang makita niyang tumatawag na si Datu, nag-panic siya at parang magha-hyperventilate. Three seconds lang ang pinalampas niya kahit hinihingal pa siya sa  sobrang excitement. “Hello?”
“Daisy, next time na lang tayo magkuwentuhan, ha? Nagtatawag na si Raya.”
Kinutuban siya ng hindi maganda. “Raya?”
“Siya ‘yong assistant ko. Nag-aayos kami ng kasal, eh. Kaya medyo busy. ‘Bye pretty and adorable Daisy. Sa birthday mo, sosorpresahin na lang kita. Take care of yourself, okay?”
Hindi na nakasagot si Daisy. Wala siyang ibang naiisip ng mga oras na iyon kundi ang sinabi ni Datu. “Nag-aayos kami ng kasal…” Para siyang sabay na dinagukan sa dibdib at binagsakan ng comet sa ulo. Sobrang sakit. Ikakasal na pala ito pero wala man lang siyang kamalay-malay. Walang sinabi sa kanya dati na may girlfriend na ito.
Sadyang pa-fall lang ba si Datu? Hindi ba nito naisip na sa mga ginawa nitong pagbibigay ng care at oras at atensiyon, posibleng mahulog ang isang babae rito na tulad niya? To think na inirereto pa sa kanya ni Charm ang kuya nito. At lalo pang nadagdagan ang sakit sa dibdib niya nang makita niyang umiwas at umiba ng daan si Charm nang makakasalubong na sana niya ito paglabas niya ng bahay.
Bago gumabi ay nakita niyang dumating sa bahay ng mga Mirabueno si Kuya Bagwis at ang pamilya nito. Na mayamaya pa ay nakita nilang nag-alisan. Narinig niya na papunta pala ang mga ito ng Baguio para daw dumalo ng kasal.
Lalong nakumpirma kay Daisy na ikakasal na si Datu. Dahil bakit susugod ang buong angkan ng Mirabueno sa Baguio kung hindi si Datu ang ikakasal? Ang hirap talaga nang hindi kami nag-uusap ni Charm. Hindi ko alam ang mga importanteng ganap, himutok niya.
Magdamag na iniyakan ni Daisy ang pagkabigo.

HINAWI ni Daisy ang kurtinang tumatabing sa kanyang bintana. Nag-Indian sit siya sa pasamano noon at tumanaw sa langit. Wala siyang ganang kumain. Wala siyang ganang makipag-chat sa group chat nila ng mga kaibigang nahuhumaling sa bandang EXO at kay BaekHyun. Wala rin siyang ganang manood ng latest episode ng TV series ni Kim Joon. Wala siyang ganang magplano ng celebration ng kanyang nalalapit na eighteenth birthday.
Gusto lang niyang magmukmok. Gusto niyang umiyak nang umiyak. She just want to wallow in her own misery.
Puwede siguro niyang isipin na lang ang mga magagandang pangyayari na nakasama at nakausap niya si Datu, ang perfect boyfie niya na hindi naging sila. Pero kasal na ito ngayon. Bawal nang angkinin kahit ng isip lang niya. Kasalanan nang gustuhin. At wala siyang balak na gayahin ang kapalaran ng ina. Hinding-hindi niya nanaisin na pumatol sa isang lalaking may sabit na.
Lord, kaya po ba Ninyo hinayaan na magkagusto ako kay Datu, at pagkatapos ay ma-heartbreak dahil po gusto N’yo lang matutunan ko ang lesson na masamang magpaasa ng tao? Sobrang sakit po pala na magkagusto sa tao na hindi na puwedeng mahalin…
Pinunasan ni Daisy ng palad ang mga luha na tumulo sa kayang pisngi. Lord, ang hirap po palang ma-in love—kung pagkatapos kong ma-fall, maha-heartbreak din. Hindi po ba puwede na lahat ng taong pinapanganak, may tag nang kasama? Na nakalagay doon kung sino ang meant to be nila? Para po wala nang nasasaktan nang ganito. Para po ang hahanapin na lang naming mga mortals, ‘yong tao na para sa amin talaga. ‘Yong sigurado kami na destiny namin dahil may nakalagay na pangalan ng taong p’wede lang mag-claim.
Sige po, Lord, kahit masakit… binibigay ko na po sa Inyo ang love ko kay Datu. Hindi ko na po ipagpipilitan ang feelings ko sa kanya. Ayoko na po kasing maranasan ulit ‘yong ganito kagrabeng sakit. Pero Lord, hindi po kaagad, ah? Kasi po baka may time na sa sobrang pagka-miss ko sa kanya bawiin ko po ulit ang feelings. Bawiin ko po sa Inyo at isipin ulit ‘yong memories na meron kami. Kapag po dumating ang time na ‘yon, sorry po. Pero sana po maintindihan Ninyo na ibig lang pong sabihin noon, hindi ko kinaya ang lungkot.
Matapos tuyuin ang luha sa mga mata, dinukot ni Daisy ang smart phone sa bulsa niya at tumipa sa kanyang journal na ilang araw din niyang napabayaan na sulatan. Sa kalagitnaan ng pagsusulat niya, isang tula ang kanyang nabuo:

MAHAL kita kase na-capture agad ng smile mo ang heart ko.
Mahal kita kase napapasaya mo ako sa madami mong k’wento.
Mahal kita kase nand’yan ka para ayusin ang gulo sa mundo ko.
Mahal kita kase pinaparamdam mo na mahalaga ako sa ‘yo.

A Dose Of Daisy's Meds    COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon