Chapter 2
Nasapo ni Diosa ang kanyang noo bago siya magmulat ng kanyang mga mata. Patamad siyang tumingin sa paligid at bigla siyang nagtaka dahil hindi naman iyon ang kuwarto niya. Napaungol siya ng bahagya nang maalala niya ang nangyari kagabi. Naglandian sila ni Gin, iyong biruan nila ay mukhang napasobra. Napakagat siya sa kanyang labi at inisip ang mga nangyari nang nagdaang gabi, tama! Hindi naman na biruan iyon kasi muntik nang may mangyari sa kanilang dalawa. Akma siyang babangon pero may mahigpit na braso ang biglang yumakap sa kanya ng mahigpit at saka idinikit ang katawan niya sa katawan nito. Napakagat siya sa kanyang labi, kahit hindi siya lumingon ay kilala na niya kung sino iyon.
"Huwag kang umalis, Diosa..." ang mahinang wika ni Gin.
"Gin... Kailangan ko nang bumangon. May importante pa akong lakad na pupuntahan."
Iyon nga lang ay mas mahigpit siyang niyakap ng binata. Hindi niya alam pero naninibago siya sa yakap na iyon ni Gin, dati naman ay walang malisya sa kanya kahit pa akbayan siya nito. Hindi siya naiilang.. Pero bakit ngayon...? Dahil ba sa nangyari sa kanilang kakaiba noong nagdaang gabi?
"Huwag... Mawawalan ako ng malambot na unan..."
Dahil sa sinabi ng lalaki ay namilog ang mga mata niya at ang inaantok niyang diwa ay nagising.. Para nga siyang sinilaban ng apoy kasi nag-init ng todo ang bunbunan niya.
"Anong sinabi mo?! Loko ka!"
Pagkatapos noon ay kinurot niya ang braso nitong nakayakap sa kanya.
"Aray!" ang tungayaw ni Gin.
Mabilis itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at saka lumayo pero sa kabila ng lahat ay nagawa pa rin nitong tumawa. Akma niya itong hahampasin ng unan pero nagsign ito ng tama na sabay sabi ng..
"Ceasefire na Diosa, ayaw ko na!" ang natatawa nitong pakli.
"Ceasefire ka diyan..." ang napipikon niyang wika.
Pagkatapos ay naiiyak na siyang napatingin dito. Ganoon siya kapag napipikon ng sobra, naiiyak siya. Mababaw lang naman kasi ang mga luha niya. Si Gin kasi, kagabi pa siya inaasar tungkol sa pagka-chubby niya.... Hindi naman siya dating ganoon pero kasi, tinamad na siyang mag-work out simula nang umalis na siya sa field...
Dati siyang spy ng Men in Action at ka-partner niya ang best buddy niyang si Devon... Ang kanyang Kuya. Masaya sa field, maraming suspense at action... Adrenaline rush talaga. Pero iyong pinakahuling misyon ang hindi niya makakalimutan... Nasakote ang kanilang cover at dahil doon ay kinailangan nilang labanan ang napakaraming kalaban. May sinasakote sila noon na malaking sindikato... Na-injured siya ng malala noon, dahil marupok ang yerong naapakan niya, bumagsak siya mula sa mataas na lugar at dahil doon ay naging pabigat siya sa kanyang kapatid... Hanggang sa nangyari na nga ang bagay na ayaw niyang mangyari... Napahamak si Devon, namatay ito. Nakaligtas siya sa pangyayaring iyon dahil nagawa pang tumawag sa Men in Action ng Kuya niya... Matagal siyang nanatili sa ospital dahil na-injured ang kaliwa niyang binti. Plus, iba pa ang mga bugbog na inabot ng kanyang katawan dahil sa laban... Ganoon pa man ay masuwerte pa rin siya dahil nakaligtas siya sa trahedyang iyon. Hanggang ngayon, hindi niya kayang harapin ang nakaraang iyon ng buhay niya... Dalawa lang silang magkapatid at nawala pa ang isa. Napahawak siya sa kaliwa niyang binti at napakislot siya ng biglang may tumapik sa kanan niyang balikat.
Nawala ang iniisip niya at nasilayan niya ang nakangiting mukha ni Gin na medyo magulo ang buhok at matamang nakatunghay sa kanyang mukha.
"Naalala mo na naman ba ang Kuya mo? Sinisisi mo pa rin ba ang sarili mo sa nangyari?"
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUEL
Romance"Diosa, Ikaw lang naman kasi ang hindi tumitingin sa akin eh. Ako kasi, matagal na kitang tinitingnan.."